"Si Sunny nga pala nasaan?" tanong ni Kris.



"Nasa loob ng clinic," sabi ko at tinuro yung clinic. Napatingin naman sila at tumango.



"Why?" tanong ulit ni Kris.



"Nabully at hinimatay," sabi ko. Buti na lang at dumating 'tong tatlong lalaki na ito. Kung hindi, kanina pa nasabunutan ni Baekhyun yung mga babaeng nang bully kay Sunny.



"Ahhh. Sasamahan na namin kayo," sabi ni Tao. Gusto rin siguro nilang makilala si Sunny sa personal.



"Oo nga pala. Kamusta na kayo ni Sooyoung?" tanong ko kay Tao. Oo, girlfriend niya si Sooyoung. Si Kris naman ay si Jessica.



"Okay lang," sagot ni Tao pero parang hindi naman pero hindi na lang naman siya tinanong pa. 



"Kris, kayo ni Jessica?" tanong ko kay Kris. 



"Fine," sabi niya with his expressionless face. Bagay talaga sila ni Jessica. Parehas sila ng itsura kapag kinaka-usap ko. Parang walang buhay.



"Alis na kami. Sa susunod na lang tayo magkita. Bye!" sabi ni Luhan tapos umalis na sila. Hindi na nilang hinintay na magising si Sunny dahil marami pa daw silang gagawin.



"Ang bilis naman nila umalis," sabi ni D.O at bumalik na naman yung mga expression nilang malungkot.



"Busy kasi sila," explain ko para hindi na sila malungkot.



"Seulgi, diba may class ka pa? Mauna ka na, kami na lang yung magbabantay kay Sunny." - Lay



"Ok, salamat. Sabihin niyo na kang sa akin kung nagising na siya. Bye!" sabi ni Seulgi tapos umalis na rin. Tumingin naman kaming lahat kay Lay at tumaas naman yung isa niyang kilay na parang nagtatanong ng 'bakit?'



"Lay, bagay kayo ni Seulgi," sabi ni Chanyeol at tumawa kami dahil parang hindi niya alam yung sasabihin niya. I guess we're right, may gusto siya kay Seulgi.

Marrying EXOWhere stories live. Discover now