"Fine. Pero isang araw lang yun, ah."

"Tatlong araw 'yun, Angel." Ngumuso ako dahil hindi ko sigurado kung pwede ako ng tatlong araw pero laking gulat ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi!

"Gabe!"

"Inakit ako ng labi mo. Basta, sasama ka sakin." Sabi nito bago tumayo. "Pwede ka na magtwo-piece non." Kinindatan pa ako nito kaya binato ko siya ng cushion. "Aray Angel, ah! Sumusobra ka na! Hahalikan talaga kita yung torrid kung---"

"HEH! Sexual harassment yan!" Tatayo na rin sana ako sa sofa nang mapaupo ako ulit at nakulong sa mga bisig niya.

"Sexual harassment?" Nakangiti nitong sagot. "Sexual harassment pa kaya ito?" Idinampi nito ang mga labi niya sa labi ko. Sa una ay hindi ako nakipagsabayan sa kanya dahil sa gulat pero di naglaon ay ipinulupot ko rin ang aking mga braso sa leeg nito. I kissed him back. He's kissing me slowly as if he's savouring this moment. Pero bigla ko siyang naitulak nang may ipinasok siya sa bibig ko na dahilan kung bakit siya natawa.

"Goodness Gabe! What' that?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kanya kaya mas lalo itong natawa.

"I was French kissing you?" Natatawa pa rin nitong saad.

"F-french what?"

"C'mon! We did that sa bar!" Namumula na yata ako dahil sa mga sinasabi niya.

"I was d-drunk!" Depensa ko. "D-dont do that again."

"So, may next time pa?" Nakangiti nitong inilagay ang hintuturo niya sa labi niya. "Goodnight, Angel. You'll definitely dream of me." He smirked saka tuluyan nang lumabas ng unit ko.

***

Kasama ko si Erol ngayon dahil kakatapos lang namin mangulit ng profs. So far ay isang subject na lang ang kailangan naming tanungin at kinakabahan ako dahil doon nakasalalay kung magti-take pa ba ako ng compre. Sa ngayon kasi ay pasado na kami ni Erol sa mga subjects namin. Itong isa na lang talaga! Jusko. Hindi ko kakayanin kung hindi ako abot sa quota ng grade! Gusto kong magfifth year dito kasama nina Kevin.

"Tingin ko uwi na muna ako ngayon?" 5pm na kaya imposibleng darating pa 'yung prof naming iyon. Nagbakasakali lang naman kami dahil baka nandito siya.

"Sige. Pero kain muna tayo." Yaya ni Erol kaya kumain na muna kaming dalawa bago umuwi. Hindi namin kasama sina Jonathan at Kevin kasi tinatamad daw silang magcheck ng grades. Si Jonathan sureball nang pasado iyon. Ewan ko lang kay Kevin, pareho kaming medyo sablay minsan, e.

Hinatid naman ako ni Erol hanggang sa apartment. Iyon naman ang nakakatuwa sa kanila. Tuwing kasama nila ako ay hinahatid nila ako sa apartment. Para raw walang mambastos sa akin sa daan at para na rin makatawid ako.

Pag-akyat ko ay napakunot ang noo ko nang may makita akong magandang babae sa tapat ng unit ni Gabe. Ang kinis ng balat niya at tila hindi pa nakakagat ng lamok sa tanang buhay niya. Ang ganda rin ng mahaba at itim na buhok nito. Ang ganda niya dahilan kung bakit ako napairap bigla.

Mukhang kanina pa ito naghihintay dahil napatayo siya nang makita niya akong dumaan sa harap niya.

"M-miss?" Tawag nito sa akin nang binubuksan ko na ang unit ko.

"Bakit?" Hindi ko nakatinging tanong. Naiinis ako.

"Y-yung lalaki sa unit na 'to, anong oras umuuwi?" Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Still, hindi pa rin ako nakatingin.

"Aba malay ko. Tawagan mo kaya tutal mukhang kilala mo naman." This time ay tumingin na ako sa kanya. Malamlam ang mga mata nito at parang kagagaling lang niya sa iyak. Nag-alala ako bigla pero may parte sa utak ko na sinasabing huwag ko siyang kaawaan. May parte sa utak ko na sinasabing hindi dapat sila magkita ni Gabe. May parte sa utak ko na sinasabing ipagdamot ko siya. At may parte sa utak ko na sinasabing huwag kong pagkatiwalaan ang magandang babaeng naka-skirt na nakatayo sa tapat ng unit ni Gabe!

"Hindi niya kasi sinasagot 'yung tawag ko. Urgent lang talaga. Baka naman---"

"Sorry miss pero pagod kasi ako. Hintayin mo na lang siya kung mahihintay mo pa."

"Pasensya na sa aba---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Basta na lang akong pumasok sa unit ko at padabog na isinara ang pinto. Napapunas na lang ako ng mukha dahil sa pagkairita. Sino ba siya? Saka bakit ang ganda niya? Bakit siya nandyan?

Tatawagan ko sana si Gabe para itanong pero nagbago ang isip ko ng mabasa ko ang text ni Gabe sa akin. Naiinis ako ako kay Gabe sa 'di malamang dahilan at naiinis ako sa babae kasi bakit kailangan ang ganda niya? Bakit kailangan siyang maghintay sa tapat ng unit ni Gabe?

Gabriel Vaughn: Spaghetti or carbonara? :)

Me: Isaksak mo sa lalamunan mo mga pagkain mo


***

A/N: SINO YUNG BABAE. HAMPASIN NA BA NATIN ANG MAGANDA NIYANG MUKHA? >o<

Hemeghed! hendemeng kerekters. Heto na naman ako sa walang plot na story. Basta sulat na lang. wahahaha

VOTE AND COMMENT! LABYU :*


Hello, NeighborOnde histórias criam vida. Descubra agora