3: HINDI NAMAN PALA

15.4K 268 17
                                    

By the way, Kelliah is pronounced as Kel-li-yah . Okay, yun lang. Enjoy :*

****


Chapter 3 — Hindi Naman Pala


Kelly's Point Of View

"Class dismissed." wika ng guro na nasa harapan at lumabas na. Sabay sabay silang tumayo para magligpit ng gamit. Yung iba mukhang may lakad, ang iba naman ay wala pang balak umuwi. Hindi muna ako tumayo dahil ayokong nakipagsiksikan sa mga taong papalabas na.

"Kell, gusto mong magstudy tayo sa bahay?" tanong ni Ella habang inaayos ang mga notebooks niya. That's actually a good idea since malapit na ang quarter exam.

"Well, that sounds like a plan." sagot ko at bumaling kay Mayka na nagmamadaling nilagay ang gamit sa pack bag niya. May lakad siya? "Gusto mong sumama?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Uhh..." patuloy pa rin sa siya pagliligpit ng gamit nang hindi man lang ako liningon. "May lakad ako eh. Kayo na lang muna."

Kumunot ang noo ko pero hindi ko na siya pinigilan lalo na nung lumabas na siya sa pinto. Saan naman ang lakad niya? Halos hindi na nga siya makahinga sa paglalakad. Ang bigat pa naman ng katawan nun.

"Baka may appointment." narinig kong sabi ni Ella at tsaka tumayo. "Tara?"

Tumango ako pero nanatili pa rin ang paningin ko sa pinto. That was the first time na tinanggihan niya kami. That's unusual.

Nang makarating sa bahay ni Ella ay binati ko ang ilang kasambahay nila. Malaki ang bahay nila pero hindi naman to the point na kasing laki na ng mansion. Sakto lang para sabihin na mayaman ang pamilya nila.

"Minsan lang ako umuuwi dito." Paliwanag niya. "Madalas kasing wala si mom at dad."

"Ahh." Tumango ako. That's kind of sad pero mukhang okay lang naman sa kanya.

"Kukuha lang ako ng cookies." paalam ni Ella at lumabas. Nandito ako ngayon sa kwarto niya. Nakapasok na ako dito ilang araw pagkatapos naming magkakilala. Simple lang pero mabango.

Nilagay ko muna ang bag ko sa sofa at pumwesto sa round table. Hanggang ngayon nababagabag pa rin ako sa kilos ni Mayka. Kahapon, may lakad siya. Ngayon, may lakad na naman siya. Baka may lakad na naman siya bukas?

**

"Tara? Starbucks?" aya ko sa kanila habang naglalakad palabas ng campus. Inaantok ako kaya gusto kong uminom ng kape.

"Sige." sang-ayon ni Ella.

"Sama ka, Mayk?" baling ko kay Mayka pero paglingon ko ay wala na siya sa tabi ko. Nasaan siya? Bakit ang bilis niyang nawala? Nasa tabi ko lang siya eh.

Tumingin ako sa paligid para hanapin siya. Nakita kong bumalik siya sa dinaanan namin at mabilis na naglalakad. Saan na naman siya pupunta?

"Saan pupunta yon?" tanong ni Ella nang mapansin din niyang missing in action na naman si Mayka. Umiling ako dahil ako mismo ay walang alam sa mga pinaggagawa niya.

"Baka may naiwan sa classroom. Text mo na lang siya na mauna na tayo doon." pagkibit ko ng balikat at naglakad na palabas ng gate.

Bakit hindi siya nagpaalam? Tsk.

Nang makarating sa starbucks ay naghanap na kami ng upuan pagkatapos naming umorder. Minsan lang kami tumatambay dito dahil ang daming tao. Halos schoolmates ko lahat ang nandito since walking distance lang to mula sa campus.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon