Paper Planes XII

Beginne am Anfang
                                    

"Kuya naman, hay." sabi ni Thirdy.

"Kahit kelan ka talaga Kuya Kief." sabi naman ni Jirah.

"Sorry na, mahirap kasi eh ano bang meron?" tanong ni Kiefer.

"Pinayagan kasi tayong magpractice ng 3 hours kaya tinatanong ko kung may masasagasaan ba." sabi naman ni Aly. "Ano bang topic nun? Patingin nga." sabi naman ni Aly at pumasok naman ulit si Kiefer para kunin ang notebook niya. "Kayo puntahan niyo na si Gretch mukhang matatagalan ako kay Kief." sabi ni Aly at umalis na yung dalawa.

Inabot na ni Kiefer yung notebook niya kay Aly at sinimulan na siyang turuan ni Aly. Nagawa naman yun ni Kiefer at natapos yung assignment niya.

"Wala ka ng assignment na hindi pa tapos?" tanong ni Aly.

"Wala na. Salamat Par nagets ko na! Kung di dahil sa'yo baka di ko na talaga namaintain grades ko." sabi ni Kiefer at niyakap si Aly.

Simula kasi nung lagi na silang tumutugtog sa Bar  tumutol ang ibang parents nila pwera kay Aly lalo na ang dad ng Ravenas ayaw niya na about sa music ang maging talent ng mga anak niya, gusto niya ay sa sports. Sa basketball dahil player ito dati . Papayagan lang daw silang tumugtog sa saturday kapag namaintain nila ang mga grades nila kaya si Aly bilang leader ay responsibilidad niya ang bandmates niya at parang siya na rin ang magulang nila sa school kahit kay Gretch may pagkaisip bata kasi yun.

"Hindi naman sige na tawagin na lang ulit kita pag may practice na." sabi ni Aly at umalis na sakto naman nakabalik na sina Thirdy at Jirah.

"Ya, Wala raw quizzes or assignments si Kuya Gretch makakapagpractice tayo yehey." sabi naman ni Jirah at pumalakpak pa.

"After recess yung practice natin, since tatlong subject naman yun bago maglunch. So malapit na ang first class punta na kayo ng room niyo. Bye." sabi ni Aly.

"Bye!" sabi nung dalawa at umalis na.

After recess ay pumunta na silang magkakabanda sa music room at inayos na yung instruments nila.

"Oh guys, eto na yung list ng mga gustong kanta ng mga classmates ko." sabi ni Kiefer at pinakita yung papel na may mga kanta.

"Ly, ilang kanta daw ba?" tanong ni Gretchen.

"Intermission lang naman, isa lang." sabi ni Aly.

"Isa?!" tanong ni Kiefer. "Tapos three hours binigay sa'tin?" tanong pa niya ulit at tumawa. "Ang bait naman nila."

"Yun nga ano kayang gagawin natin sa natitirang oras natin?" tanong ni Aly sa mga bandmates niya.

"Sleep!" sigaw ni Gretchen at napatingin naman si Aly sa kanya."I mean kung magppractice tayo ng isang kanta lang tapos three hours eh mababagot tayo tas aantukin tapos makakatulog." mahabang litanya ni Gretchen at ngumiti pa.

"Wow kakaibang palusot yun Ya ah?" sabi ni Jirah kay Gretch at tumawa lang sila except Ly syempre.

"Bahala na, start na tayo." sabi ni Aly at nagpractice na sila.

Ginawa na lang nilang tatlo ang kakantahin dahil nga ang dami nilang time at mga 30mins pa lang ay natapos na nilang mapractice ang tatlong kanta na yun. Tatlong duet. Kaya pagtapos nun ay kanya kanya sila ng hilata.

"Andami pa nating time. Yes naman!" sabi ni Kiefer habang nakaupo at nilaylay ang ulo niya.

"Tapos pagtapos pa natin magpractice lunch na. Ang saya!" sabi pa ni Gretch. Si Aly naman nakaupo lang sa sahig at nakasandal sa pader habang tumutugtog ng gitara.

"Ya ang ganda niyang tinutugtog mo ah? Parang kumakanta yung gitara." sabi ni Jirah kay Aly.

"Salamat. Fingerstyle ang tawag dito." sabi ni Aly.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt