CHAPTER 26

12.4K 247 22
                                    

Chapter Twenty Six

"So, akin ka na talaga ngayon?" nakangiting tanong ni Xander sa---ngayon ay nobya na niyang si Sienna---habang nakayakap siya rito at nakasandal naman ito sa dibdb niya.

Naroon sila sa gazebo sa mansiyon ng mga magulang ni Xander. Naghanda ang mga ito bilang selebrasyon sa pagiging engaged nila at sa tuluyang paggaling ni Sienna. Kumpleto ang lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay nila ng nobya.

"Matagal na akong sa'yo, Xander, hindi mo pa ako kilala ay mahal na kita." Pag-amin ng dalaga.

Nasorpresa ang binata. "Hindi yata patas 'yun, sweetheart?" kunwa'y reklamo nito.

"Anong hindi patas doon?" Maagap na tanong ng dalaga.

Nagpakawala ng isang nanghihinayang na buntong-hininga si Xander. "What took you so long, baby? Sana nakilala kita kaagad." Kumikislap sa nag-uumapaw na pag-ibig para sa dalaga ang mga mata ni Xander.

Kinilig na naman ang pusong umiibig ni Sienna. "Corny mo, Mister!" biro niya sa nobyo.

"Guwapo naman! Soon-to-be Mrs. Montecillo." mabilis na sagot ng binata. Pagkuwa'y sumeryoso ang mukha. "Mahal na mahal kita, Sienna. Huwag mo na uli sasabihin sa akin ang mga sinabi mong kaya mo akong kalimutan. Ikababaliw ko iyon, sweetheart." bakas sa mga mata nito ang sakit at paghihirap habang inaalala ang mga sinabi ng nobya sa kanya.

"Pangako." sinserong wika ng dalaga. "Basta ipangako mong hindi ka na uli aalis sa tabi ko."

"Never again, sweetheart! Dahil ako rin ang mahihirapan at masasaktan." Ngumiti ito pagkatapos ay biglang sumeryoso ang mukha ng binata. "Who were you supposed to meet earlier, anyway? Nakalimutan kong hingin ang paliwanag mo." Walang kangiti-ngiting tanong ng binata.

"Mga kliyente ko. Eric and his soon-to-be wife na si Laila. Mga high school friends namin ni Aria." maikli ngunit malinaw na paliwanag ng dalaga na may nanunuksong ngiti sa mga labi. "Aha! Nagseselos ka 'no?"

Nakahinga ng maluwag ang binata. Ang buong akala niya ay nakikipag-date na sa iba ang nobya. Napasigaw ang dalaga nang bigla niya itong kinagat sa balikat, a not so gentle bite.

"I don't want to feel that terrifying feeling again, sweetheart. I am not a jealous man, but when it comes to you, isipin ko pa lang, nagdidilim na ang paningin ko." Matiim ang titig ng binata sa kanya.

Siyang-siya si Sienna sa mga naririnig mula sa binata. Ngunit mayroon din siyang nais malinawan. "H-How about...Kate?"

"Oh, about that? Kung hindi lang malaki ang naitulong ni Kate sa akin...sa atin, noong kunin ka ni Raff, ay baka nakakulong na rin siya ngayon." Xander gritted his teeth sa pagkaalala sa mga nangyari.

Nagulat ang dalaga. "Ma...makukulong ba siyang tuluyan?" Tukoy ng dalaga kay Raff. "Hindi ko na gustong ituloy ang kaso, Xander."

"You don't mean that. He almost killed you, for crying out loud! Kung ako lang ay baka napatay ko na ang taong 'yon!" nanggagalaiting sikmat ng binata.

"Kung magpapakasal tayo, gusto ko ng bagong simula, Xander. Pinatawad ko na si Raff kahit hindi pa kami nagkakaharap. Palagay ko'y nagawa niya lang iyon nang dahil sa mga maling akala."

"Sienna...mas lalo kitang minamahal. Alam mo ba iyon? Pero gusto kong magtampo, bakit kaydali mo silang napatawad, samantalang ako..." kunwa'y malungkot na usal ng binata. "Malamang na kung hindi ako kaagad nagpakita sa'yo ay hindi mo na talaga ako haharapin kahit kailan."

"Hinding-hindi talaga kita mapapatawad kung sakaling hindi ka na nagpakita pa sa'kin." Irap ng dalaga sa nobyo.

"Nah! Hindi kasama sa plano ko ang hindi na magpakita pa sa'yo. Ang plano ko ay tatapusin ko lang ang kontrata ko sa agency, then, after that ay magpo-propose ako sa'yo. Pero nagalit ka, ni hindi mo muna pinatapos ang sasabihin ko. That moment you said goodbye, parang gusto kong lumipad pabalik dito. So, I rushed things like asking for another vacation and finishing my current photoshoots para makabalik kaagad dito. One week was like a decade, thinking about your anger at me."

My Love, ALEXANDREITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon