CHAPTER 23

6.9K 156 2
                                    

Chapter Twenty Three

They reached their destination. It was a two-storey house na gawa sa pinaghalong kahoy at adobe. The house was beautiful kung hindi lang sana sa kaalamang naroroon si Sienna sa loob and only God knows kung ano ang maaaring mangyari rito kung hindi pa siya magmamadali sa pagkilos.

Lumabas ng kotse si Kate at lumapit sa gate. Pinindot nito ang doorbell at ilang sandali lang ay nakita niyang binuksan iyon ni Raff at pinapasok ang babae. Naroroon lamang si Xander sa kotse ni Kate at naghihintay. Lumipas ang limang minuto. Sampu. Labing-lima... Bigla siyang napaunat ng upo nang makita niya ang pagbukas ng malaking bahagi ng gate. Nakita niya ang pagsakay ni Kate at Raff sa kotseng naroon, at ilang sandali lang ay sumibad na palayo.

Napangiti ang binata. It goes as they planned. Mabilis ang mga kilos ni Xander. He climbed up the wall and jump inside carefully. The benefits of being physically fit. Walang hirap siyang nakapasok sa loob ng bahay sa pamamagitan ng bukas na glass door sa unang palapag. Malamang ay nakalimutan iyong ikandado ni Raff.

He roam around the house. Binubuksan niya ang bawat silid na madaanan. Ngunit wala ang dalagang hinahanap. Few steps away from where he was standing was the last door. Hula niya ay iyon ang master's bedroom. Dinig niya ang malakas na kabog ng dibdib habang papalapit sa naturang silid. How he wished na naroroon nga sa loob si Sienna. Safe and unscathed. He slowly open the door and was surprised to see Sienna widely awake. Sinusubukan nitong makawala mula sa pagkakatali ng mga kamay nito sa kama.

"Sienna!" tawag pansin niya rito. His heart flooded with relief.

Marahas ang pagbaling ng dalaga sa kanya sa pag-aakalang si Raff ang pumasok sa silid.

"X-Xander? Oh my God, Xander!" iyak nito nang masigurong siya nga ang nasa harapan nito. Ngunit daglian lamang ang tuwang nakita niya sa mga mata ng dalaga. "B-Bakit ka nagpunta rito?" nahihintakutang nagpalinga-linga ito sa paligid.

Mabilis siyang lumapit sa dalaga at tinulungan itong kalagin ang tali sa mga kamay. When her hands are finally free, he hugged her tightly.

"Oh God, sweetheart! I thought I was late! Are you okay? Are you hurt? Anong ginawa niya sa'yo? Shit! I'll kill that bastard with my bare hands!" nagbabaga sa galit na usal ng binata.

Lalo pang humigpit ang yakap niya sa dalaga. Afraid to find that it was just a dream. Kaya sinisiguro niyang totoo ang lahat. Na ligtas ang dalaga at totoong yakap-yakap niya ito. Matapos gumanti ng mahigpit rin na yakap ang dalaga ay kumawala ito sa kanya.

"Hindi ka dapat nagpunta rito, Xander. Papatayin ka niya!" kitang-kita ng binata ang takot sa mga mata ng dalaga.

Sa pagkabigla ng dalaga ay hinalikan niya ito. Marubdob at puno ng pagsuyo. He wanted to show her how he felt for her. Hindi nagtagal ay gumanti ang dalaga sa kanya ng kasing-rubdob at kasing-suyong halik. Napatigil siya nang malasahan niya ang mga luha ng dalaga.

"What's wrong? We have to hurry, sweetheart. Come on!"

"Oh Xander! Nilagay mo lang sa kapahamakan ang sarili mo. Raff has a...a g-gun! Papatayin ka niya! Sinabi niya iyon! H-Hindi ko m-makakaya, Xander. Hindi ko kaya..." Sienna was almost hysterical.

Parang sinuntok sa sikmura ang binata sa nakikitang takot sa mga mata ng dalaga. Muli niya itong ikinulong sa mga bisig at sumubsob ang dalaga sa kanyang malapad na dibdib.

"Hush, sweetheart. Walang mangyayaring masama sa'kin, okay. We'll make it outta' here. Plese, stop crying now." pang-aalo niya sa humihikbing dalaga.

Malalakas na palakpak ang nagpabaling sa kanila sa pintuan. "What a scene we have here!"

Tumigas ang mukha ni Xander pagkakita sa lalaki. Hindi niya alintana kung may baril man ito o wala. Sukdulan ang galit niya rito dahil sa ginawa nito kay Sienna.

My Love, ALEXANDREITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon