CHAPTER 10

7.1K 197 1
                                    

Chapter Ten

"Sienna! Wait!"

Tuloy pa rin sa paglakad takbo ang dalaga. Ni hindi man lang nag-abalang lingunin si Xander na nakasunod sa kanya mula pa nang paglabas niya sa hotel.

'Huwag kang hihinto Sienna!' kausap niya sa sarili.

Tuloy-tuloy pa rin sa paglakad ng mabilis ang dalaga. Hanggang sa makarating siya sa may baybay-dagat.

"I said stop!!"

Dumagundong ang boses ni Xander sa katahimikan ng gabi. Biglang napahinto ang dalaga sa paghakbang. Ngunit ni hindi nito nagawang lumingon man lang sa lalaki.

"God, Sienna, you're so fast!"

Tangkang lalapit ang binata nang magsalita siya.

"Y-you... You..." 'Oh my God!' hindi malaman ng dalaga kung ano ang sasabihin.

"I'm sorry, sweetheart. I shouted at you." hinging paumanhin ng binata sa pag-aakalang iyon ang nais sabihin ng dalaga.

Huminga ng malalim ang dalaga to calm her nerves bago pumihit paharap sa binata.

"Bakit mo ginawa iyon?" kapagdaka'y tanong ng dalaga.

"Well... You don't seem to hear or notice me, that's why I shouted at you. But I already said sorry, didn't I?

"Hindi iyon ang tinutukoy ko."

"Then, what?" tanong ng binata.

"Iyong... Ah, 'yung..." hindi matukoy-tukoy ng dalaga ang gusto nitong sabihin. She doesn't even want to say it.

"'Yung ano? My God, Sienna, will you relax? You seem to ran out of words. Did you mean... The KISS?" mayroon ng naglalarong ngiti sa mga labi ng binata. Binigyang diin nito ang huling salita.

Napatutop sa bibig ang mga kamay ng dalaga at biglang nanlaki ang mga mata na tila ito nakarinig ng bagay na hindi karapat-dapat na marinig.

"I won't say sorry for kissing you, Sweetheart. Kung iyon ang hinihintay mo." Xander said frankly. Moving closer and closer to Sienna.

"I... I'm not asking you to. I... I kissed you back, remember?" Sienna said shyly. She blushed instantly just by remembering the kiss they shared moments ago.

"Then, why did you run? That...fast?"

Gustong mangiti ng dalaga sa sinabi ng binata.

'Dahil hindi dapat nangyari iyon.'

"H-hindi dapat nangyari iyon." sinabi ni Sienna ang laman ng isip.

"Just tell me exactly what's wrong?" naging seryoso na ang anyo ng binata.

Humakbang uli si Xander palapit sa dalaga, hanggang sa isang dipa na lang ang pagitan ng dalawa.

"Ikakasal ka na hindi ba?" mabilis na sagot-tanong ng dalaga.

"Ikaka--- what?!" gulat na balik-tanong ng binata. "Who the hell told you that?" biglang napahawak ang mga kamay ng binata sa mga braso ng dalaga. He looks like he was about to shake her until he get some answer.

"I saw it! I--I've read it... On the news!"

"What news?! Where?" hindi malaman ng binata kung ano ang mararamdaman. Inis o galit. At kung para kanino, hindi niya alam... Sa ngayon.

"Pwede bang alisin mo muna 'yang mga kamay mo sa braso ko? Medyo humihigpit. Masakit."

Mabilis na binitiwan siya ng binata. "I'm sorry."

My Love, ALEXANDREITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon