CHAPTER 4

8.3K 206 4
                                    

Chapter Four

Pagmulat ng mga mata ni Sienna ay nabungaran niya ang kaibigan na nakatunghay sa kanya. Nasa mukha nito ang pag-alala. Tumingin siya sa puting kisame. Inaalala ang nangyari kani-kanina lang.

"Ok ka lang?" boses ng kaibigan ang nagpabalik sa kanyang isip sa kasalukuyan.

Bigla siyang bumalikwas ng bangon at humarap sa kaibigan without noticing the people around them. Iba't-ibang ekspresyon ang makikita sa mukha ng mga ito. May nag-aalala, may nagtataka at may nangingiti dahil mukhang alam nila ang dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.

"Si Xander! Oh my God! Si Xander Montecillo. Tell me Arya, nananaginip ba ako?" walang patid na sabi ni Sienna sa kaibigan.

"Sienna---"

"I knew it!"

Muntik ng mabali ang leeg ni Sienna sa biglang baling niya pagkarinig sa taong nagsalita.

"Hello beautiful!" ani Andrew na siyang nagmamay-ari ng boses na kanyang narinig. Nakangiti ito sa kanya, ngiting nakakaloko.

"What happened to you hija? May dinaramdam ka ba?" tinig naman ng ina ni Zack na si Marcia. Bigla na naman ang pagbaling dito ni Sienna.

'Oh my God!'

Sabi ni Sienna sa sarili nang dahan-dahan niyang inilibot ang paningin at makita ang mga tao sa paligid na naghihintay ng sagot niya. Sa patuloy na paggala ng kanyang mga mata, a pair of dark penetrating eyes met hers. Their gazes locked. It was like forever. Una siyang nagbawi ng tingin dahil para na naman siyang hihimatayin sa uri ng pagtitig nito.

"I think your friend need some rest, hija." sabi ni Frederick kay Arya at tumingin ito sa kanya nang nakangiti. Hindi siya makapag-salita sa sobrang hiya na nadarama.

"Maybe you are right, darling. Ang mabuti pa ay iwan na natin si Sienna and let us all rest to be ready for tomorrow." sang-ayon ni Dorina sa asawa pagkuwa'y bumaling sa kanya. "Don't hesitate to ask any of us if you need anything, Sienna."

"Thank you po, M-Ma'am, Sir. At thank you din po sa pagpapatuloy ninyo sa'kin dito." sabi niya sa mag-asawa. Sa wakas ay natagpuan din niya ang kanyang tinig.

"It's Tita Dorina and Tito Frederick hija, not Ma'am and Sir. And you are always welcome here." nakangiting sagot ni Dorina sa kanya.

"Ok guys, mauna na kami ni Andrew at may pag-uusapan pa kami. Mom, Dad, we'll go ahead." paalam ni Derreck sa mga magulang habang tinanguan naman siya nito.

"Goodnight folks. Sienna, kwentuhan tayo minsan." nakangising nanunukso ang ngiting ibinigay ni Andrew sa kanya. She nodded and a little smile formed on her lips.

"I'm going too. I still have phone calls to make." anang baritonong boses ni Xander o Drei. Wala itong partikular na taong kausap. Mabilis na sulyap sa kanilang lahat ang ginawa nito at pagkatapos ay lumabas na ito ng silid at sumunod sa mga pinsan.

Sunod na ring lumabas ang mga matatanda patungo sa kani-kanilang silid upang magpahinga.

"Hon, I should go also. Much as I want to be with you, hindi pwede, papaluin ako ng mga matatanda." paalam ni Zack kay Arya. He's giggling like a naughty little boy. Natawa ang kaibigan at nakitawa na rin siya.

"Luko-luko! Mabuti at alam mo. Hindi lang sina Mama Marcia at Tito Rod ang papalo sa'yo, kundi pati mga magulang ko." ani Arya kay Zack.

Kinabukasan pa lang ang dating ng mga magulang ni Arya dahil hindi pwedeng um-absent sa opisina ang kanyang ama.

"Pagbibigyan ko na sila, tutal isang gabi na lang naman ang ipaghihintay ko. Lagot ka sa'kin bukas!"

Hinampas ito sa balikat ni Arya.

"Ambastos! Nakakahiya ka." tatawa-tawa si Zack nang hulihin ang kamay ni Arya at halikan ang palad nito.

"Hoy! Magsi-tigil nga kayo. Nakakaumay kayo ha. Pwede ba, huwag sa harapan ko, utang na loob!" biro ni Sienna sa mga ito.

"Inggit much, Sienna?" birong tanong ni Zack na ginaya ang mga salitang naririnig sa mga kabataan ngayon at nag-asta pa itong isang bakla.

Humagalpak sila ng tawa ng kaibigan.

"In your dreams!"

"But Sienna, what's that reactions all about? Ganoon ba katindi ang epekto sa'yo ni Drei? Love at first sight. Hmm." tukso ni Zack sa kanya.

Namula bigla ang mga pisngi ni Sienna. "Get loss, Zachary!"

Nagtawanan ang magkasintahan.

"Go ahead Hon, para makapagpahinga ka na rin." pagtataboy ni Arya sa lalaking pakakasalan ilang oras mula ngayon. "May ikukwento pa sa'kin itong pinakamamahal kong bestfriend." baling sa kanya ng kanyang kaibigan na may tingin na parang nagsasabing 'it's now or never'. Patay!

After Zack kissed Arya goodnight, and after saying goodbye to her while grinning ear to ear, ay umalis na ito patungo sa hotel ng resort.

Ayon kasi sa mga matatandang kasabihan ay hindi pwedeng magsama sa iisang bubong ang mga ikakasal. And according to Zack, wala naman mawawala kung susunod sila sa mga ganitong paniniwala, which is, somehow, right.

"Oh. My. God!" paputol-putol na naiusal ni Arya after she heard Sienna's story.

Ngayon ay naiintindihan na rin niya ang dahilan ng pagkakahimatay nito nang makita nito si Xander na nasa mismong harapan nito.

"Please, don't tell anyone. Kahit kay Zack. Please. Nakikiusap ako. Nakakahiya kapag nalaman nila. Baka pagtawanan nila ako." pakiusap ni Sienna sa kaibigan.

"What if they asked me? What should I tell them?"

"Kahit ano, huwag lang 'yung totoo. Oh please, Arya." pagmamakaawa niya.

Gustong matawa ng kaibigan sa kanya.

"Paano 'yan, eh di hindi pa man ay sumisira na ako sa vows namin ni Zack kapag nagsinungaling ako sa kanya?" panunubok ni Arya.

"Don't you dare!" frantic na sabi niya at tuluyan nang humagalpak ng tawa ang kaibigan dahil sa naging reaksiyon niya. Natawa na rin siya. Ngunit mabilis rin sila nitong huminto sa pagtawa dahil sa pag-aalalang marinig sila ng buong sambahayan.

"Okay, seriously Sien. Just act normal na lang whenever Drei's around. Kapag nagtanong sila, tell them at least half the truth. Para mas convincing." suhestiyon sa kanya ni Arya.

"I'll try." maikling sagot ni Sienna sa kaibigan.

"'I'll try' mo'ng mukha mo. 'Wag mo i-try, gawin mo. O baka mas gusto mo 'yung hinihimatay ka para lagi ka niyang sasaluhin?"

"Hmm, I haven't thought of it until now. Such a good idea."

"Geez! Ka-babaeng tao, manyak!" ani Arya at muli na naman silang naghagalpakan ng tawa na agad ring nahinto at sabay na nagsenyasan sa isa't-isa na huwag silang maingay.

Ilang saglit pa silang nagkwentuhan ni Arya bago niya ito itinaboy upang magpahinga na dahil baka magkaroon ito ng eye bags sa kasal nito kinabukasan.

Nagpahinuhod naman kaagad ang kaibigan ngunit bago ito tuluyang lumabas ng silid ay kinumbinsi muna siya nitong manatili pa for at least two days para makapag-bonding sila bago magtungo ang mga ito sa Las Vegas for their honeymoon.

Nang mag-isa na lamang siya sa silid ay biglang sumingit sa balintataw niya ang mga titig ni Xander kanina. Mga titig na tila nanunuot sa bawat himaymay ng mga kalamnan niya. Mga tingin na nakapanlalambot ng mga tuhod. She couldn't believe her eyes when she saw him. Parang isang panaginip.

"Napaaga ba ang Pasko? Bakit napaaga ang regalo sa'kin ni Santa Claus?" kausap ni Sienna sa sarili bago siya igupo ng antok at tuluyang makatulog nang may ngiti sa mga labi.

******************************************************************

Hi guys!! :)

Please, hit VOTE, COMMENT or SHARE.. :)

**GRACIAS!!**

♥♥ XOXO ♥♥

Franz Alexa ♡

My Love, ALEXANDREITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon