CHAPTER 3

8.4K 239 11
                                    

Chapter Three

KINAGABIHAN pagkatapos ng hapunan ay nagkayayaan ang magkaibigan na maglakad-lakad sa baybay-dagat. They really missed each other. Sa dami ng pinagsamahan nila ay magkapatid na kung magturingan sila.

"Mamimiss kita ng sobra Arya. Hindi na magiging katulad ng dati. Hours from now, you are a married woman." ani Sienna sa kaibigan.

"Ano ka ba! Ikakasal lang ako but we're still the best of friends in the whole wide world!" may halong birong saad nito. Ayaw ipahalata kay Sienna ang nararamdamang lungkot. "Lagi pa rin naman akong nandito para sa'yo."

"I know, pero siyempre may mga bagong priorities ka na. I wish you happiness with Zack. I know and I feel that he loves you so much. He's such a good man." seryosong pahayag niya sa kaibigan.

"There you are, ladies!" tinig ni Zack ang pumutol sa pag-uusap nila.

"Speaking of the handsome devil." biro ni Arya sa soon-to-be husband nito.

"Ang handsome devil na super love ni Arya Alonzo." ani Sienna.

"Pinag-uusapan n'yo ba ako mga magagandang dilag?" nakangiting bungad sa kanila ni Zack.

"Hindi ah, bakit, handsome ka ba?" Arya said grinning.

"Oo naman." tawanan sila. Then.. "'Nga pala Hon, Drei just arrived minutes ago. Hindi ba't sila ni Sienna ang partners tomorrow?" ani Zack sabay baling sa kanya. "Tara sa bahay para mapakilala namin kayo sa isa't-isa."

Excited na hinila siya ni Arya.

"Come, Sien. Ito na 'yun eh." sabay bulong ng, "Remember what I've told you.. just hold your--- aw!" kinurot niya ito sa puwet at humagalpak ito ng tawa.

Lumingon bigla si Zack na may bahagyang distansiya sa kanila dahil nauna itong maglakad patungo sa mansion.

"What's that all about?" nagtatakang tanong nito. "I supposed that's not me you are laughing at?" nakangiti na ito.

"Oh, don't worry hon, hindi ka namin pinagtatawanan. I just thought na bagay sila ni---"

"Arya!" saway ni Sienna sa kaibigan. Natawa si Zack ng ma-gets ang ibig sabihin ng nobya.

"Nah! I don't think so. But don't get me wrong Sien, you are beautiful." kibit balikat lang ang naisagot niya rito dahil alam niyang may kasunod pa ang sinabi nito. "Some piece of advice though, since I care for you because you are Arya's bestfriend," pasakalye ni Zack. "Don't fall in love with my hello-now-goodbye-later of a cousin."

"Rest assured. Hindi ako maiinlove sa kung sino lang no!" may pinalidad na sagot niya.

"Ha-ha! Tingnan natin. Paano kasi, inlove siya sa isang---" naputol uli ang sinasabi ni Arya dahil pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Ako lang ang gwapong hindi playboy, Sienna." sabat ni Zack.

"Wow ha! Kailan pa?" ani Arya sa nobyo. Ilang balde rin kasi ang iniluha nito nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nito at ng nobyo. Nasaksihan lahat 'yun ni Sienna. Pero nangibabaw pa rin ang pagmamahal ng dalawa sa isa't-isa.

"Hmp! Mauna na nga ako. Baka sisihin n'yo pa ako kapag hindi natuloy ang kasal bukas dahil sa pagiging gwapo ni Zack." biro niya at iniwan na ang dalawa.

Narinig na lang niyang nagtawanan ang mga ito.

Habang papalapit si Sienna ay natawan niya ang mga taong nagkukwentuhan sa labas ng malaking bahay kung saan ay nalalatagan ang malaking solar ng makapal na bermuda grass.

But, something or rather, someone caught her eyes. Nakatalikod ito sa direksyon niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na kilatisin ito.

'Ito na kaya 'yung Drei na tinutukoy nina Arya?' kausap ni Sienna sa sarili.

Ito lang ang hindi pa nakikilala ni Sienna. She could tell dahil nakilala niya na ang mga kaumpukan nito. Ang mga magulang ni Zack na sina Rodrigo at Marcia, ang kapatid ni Marcia na si Frederick at asawa nitong si Dorina, Drei's parents. Kasama ang mga kapatid ni Zack na sina Derreck at Andrew na kapwa walang itulak kabigin sa kagwapuhang taglay.

Binalikan ng tingin ni Sienna ang hindi nakikilalang lalaki. Matangkad ito, lampas anim na talampakan ang taas at ang buhok ay medyo may kahabaan.

'Hmm, hunk. Marunong magdala ng damit ha. At gwapo kapag nakatalikod, paano kaya kapag nakaharap?'

Patuloy si Sienna sa pagkausap sa sarili kaya hindi niya namalayan na halos ilang dipa na lang ang layo niya sa mga ito. Sige pa rin sa pagkilatis si Sienna sa lalaki.

'Hmm, macho-- "Ay! Machong kabayo!" halos sumubsob si Sienna sa lupa ng matapilok siya at napaluhod sa lupa.

"Sien!"

"Sienna!"

Sabay na sigaw nina Arya at Zack sa pangalan niya nang makita ang nangyari sa kanya.

Gulat at mabilis na nagsilapit ang mga nag-uumpukan sa kanya. Nakayuko siya dahil masakit ang mga tuhod niya. At dahil na rin sa hiyang nararamdaman.

Then suddenly, she felt the strong hands on her arms trying to pull her up. She felt something weird with just those touch.

'Totoo pala ang spark.' naisaloob ni Sienna.

"Are you okay Miss?" came the deep and baritone voice.

'Oh my G! Ang boses, shocks!'

While taking her time to stand, habang hawak pa rin siya nito at inaalalayang tumayo ay unti-unti rin ang pagtaas ng mga mata niya patungo sa mukha ng lalaking ito na nagmamay-ari ng mga nakakapasong brasong iyon at boses na nakapagpataas ng balahibo sa batok niya.

"Ahm, thank you sa---" napasinghap siya ng malakas nang makita ang mukha nito at makilala ito. "Xander?!" manghang tanong niya na titig na titig sa kaharap. Bigla siyang napatayo ng diretso.

"Are you okay?" tanong uli ni Xander, nagtataka sa ikinilos ng dalaga. "Hindi ka ba nasaktan?"

"You okay Sien?" nag-aalalang tanong naman ng kaibigan. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito.

"A-Are you r-really Xander? Xander Montecillo? T-The model?" sunud-sunod na tanong ni Sienna sa lalaki.

Kinakabahang hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Tumingin siya sa paligid, pawang nagtataka ang lahat sa ikinikilos niya. Para siyang hihimatayin sa lakas ng kabog ng dibdib.

Tumikhim ito at sa nangungunot na noo ay, "Well, yeah." nanlambot ang mga tuhod ni Sienna sa narinig. "But, I prefer to be called Drei since-- hey!" gulat na sinalo siya nito nang bigla siyang maupos na parang kandila.

Nagdilim ang lahat sa kanya at tuluyan siyang nawalan ng malay.

*******************************************************************

Hi guys!! :)

Please, hit VOTE, COMMENT or SHARE.. :)

**GRACIAS!!**

♥♥ XOXO ♥♥

Franz Alexa ♡

My Love, ALEXANDREITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon