CHAPTER 8

7K 201 1
                                    

Chapter Eight

Sa Monte Hotel ay nagsimula na ang kainan, sayawan at inuman.

Sa harapang parte ng bulwagan ay naroon ang pandalawahang mesa kung saan nakaupo ang mga ikinasal. Nakaharap ang mesa ng mga ito sa mga bisita.

On the left side was the white wedding cake na may taas na limang talampakan. Sa pinaka-tuktok ng cake ay nakalagay ang figurine ng dalawang maliit na kalapating magkadikit ang mga tuka na tila naghahalikan. Napakaganda ng pagkakagawa ng cake na ipinasadya pa ni Marcia sa kaibigan na may-ari ng isang sikat na cakehouse sa bansa.

Nagsimulang mag-ingay ang  mga pinagpingkiang baso at mga kubyertos. Hudyat upang kailangang maghalikan ang bagong mag-asawa. Malakas na palakpakan ang maririnig nang ibinigay ng mga ito ang hinihingi ng mga bisita.

*****

"May I call on the attention of all the single ladies to stand up here in front of our lovely bride." anunsiyo ng emcee sa harap ng mikropono.

Nagsitayuan na ang mga kadalagahan sa gitna ng bulwagan kasama na ang mga abay sa kasal.

"Hey beautiful! Why don't you join them? Malay mo ikaw na ang susunod na ikasal. Sayang nga lang taken na ako." mula sa likuran ay narinig ni Sienna ang nagsalita. Pagpihit niya paharap dito ay nakita niyang nakatayo si Andrew with that smile that can make women drool.

Luminga siya sa paligid. Hinahanap ng mga mata si Xander.

"Looking for Drei? Or Xander rather." a wide smile formed his lips.

"Andrew, right?" kibit-balikat lang ang naging tugon nito kaya nagpatuloy ang dalaga. "Mukha ba akong mabilis mabola?" tanong niya rito. Inignora ang tanong nito sa kanya tungkol kay Xander.

"By the looks of you, mukhang hindi naman. Why?" balik tanong nito sa kanya.

"Then, rest assured. Hindi ako madaling mabola ng mga lalaking katulad mo. Gwapong palikero."

"Whoa! And why is that so? Dapat ba akong ma-flatter sa sinabi mo? Why, it sounds like an insult! And... is Drei an exemption?" makahulugang tanong nito. May naglalarong ngiti sa mga mapupulang labi.

"Tse! 'Dun ka na nga." pagtataboy ni Sienna rito. Hindi naman siya nag-aalala na baka ma-offend ang binata. Mabait naman ito, malandi nga lang. Kapagdaka ay nagpaalam na nga ito na lalabas muna ng bulwagan.

"Sien! Sumali ka na." tawag sa kanya ni Arya. Umiling siya at sumenyas gamit ang kamay.

"Pa'no ko isusuot sa'yo 'tong garter na 'to kung hindi mo sasaluhin 'yung bulaklak?"

Kilala ni Sienna ang nagmamay-ari ng boses na iyon. She turned around only to lock gazes with Xander. Nakita niyang hawak nito ang garter na inihagis ng groom kani-kanina lang.

Naalala ni Sienna kung paano napasakamay ni Xander ang garter na iyon. It was not really meant for Xander to catch that said garter. Ni hindi nga kasali si Xander sa mga kabinataan na tumayo upang sumalo sa garter. But when Zack threw it, that was the time when Xander hurriedly walked his way outside the hall. Before they knew it, nasa kamay na ni Xander ang garter. Sa lakas ng pagkakahagis dito ay sumadsad ito sa dadaanan ng binata. Dahil sa pagkabigla, that leaved Xander no choice but to catch it.

"I'm sorry iniwan kita dito. I just took an important phone call." paliwanag nito nang magkaharap silang dalawa. Doon bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Sienna.

"Naku! Okay lang no!" sagot ni Sienna sa binata.

"So... why didn't you join the ladies there?

"Wala lang. 'Di ko lang feel."

My Love, ALEXANDREITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon