CHAPTER 16

6.3K 164 2
                                    

Chapter Sixteen

Matapos makatanggap ng tawag si Sienna ay mabilis ang mga kilos na nilisan ang flower shop at pumara ng taxi. She was heading to St. Luke's Hospital. Ang tawag na natanggap ay mula sa hindi inaasahang tao---si Kate.

Hindi niya alam kung paano ito nagkaroon ng cellphone number niya. Mas inaalala niya ang kalagayan nito sa ngayon.

Ayon sa tawag na natanggap ay isinugod si Kate sa naturang ospital dahil sa pagdurugo nito. The woman was hysterical when she was talking to her. Siya raw ang tinawagan nito because she didn't want anyone close na malaman ang nangyari. She didn't want the press to know her pregnancy yet. Dahil malaking kaso at iskandalo ang maaaring mangyari at tiyak ikasisira ito ng career nito.

Bigla niyang naisip si Xander. Bakit hindi ito ang tinawagan ni Kate? At, hindi ba ayon sa narinig niyang pag-uusap ng mga ito ay magtutungo si Xander sa bahay nito upang makapag-usap sila?

Naalala niya ang ginawa niyang pag-alis ng maaga sa bahay nila. She didn't want her mother to worry. At pakiramdam niya ay hindi pa siya handang makipag-usap sa lalaki. Gusto muna niyang limiin ang mga bagay-bagay.

Oh my God, Sienna. Masyado ng maraming nangyari para pag-isipan mo pa. Ang kailangan mo lang ay magdesisyon. Para sa ikatatahimik ng lahat. Naisip ng dalaga.

"Hi, pwedeng malaman ang room number ni Miss Sophie Garcia?" tanong niya sa nurse na nakatalaga sa reception area.

Ibang pangalan ang ginamit ni Kate upang walang maging mantsa ang kanyang pangalan.

"Room 202, Ma'am. Left wing." nakangiti at magalang na sagot ng nurse na pinagtanungan niya.

"Thank you." she smiled to the kind nurse and headed to her way.

Palinga-linga ang dalaga sa bawat pintuang madaanan. Sana ay maayos lang ang lagay niya, piping dalangin ng dalaga. Dapat ay kanina pa siya nakarating ngunit dahil sa traffic ay inabot siya ng siyam-siyam sa daan.

There! Nagbuga siya ng hangin nang marating ang pribadong kuwarto ng babae. Pinihit niya ang seradura at isinungaw ang ulo sa loob. Nais lang niyang tiyakin kung walang ibang taong naroroon. Ngunit napatda siya sa nakita.

Nandito si Xander! Naibulalas ng isip ng dalaga. Pakiramdam niya ay tila nanikip ang kanyang dibdib. Pinipiga ang puso niya sa nakikitang ayos ng dalawa. Si Xander ay nakatayo sa gilid ng higaan paharap kay Kate, while the woman was sitting, and her arms were encircled tightly around his waist. Umiiyak ito habang tila nakasubsob sa tiyan ng binata.

"I'm sorry, honey. Hindi ko sinasadya. I was about to take a shower when I slipped off. I'm sorry. Muntik ng mawala ang baby natin." Nguyngoy ng babae.

"Shh, magpahinga ka. You need rest. I'll just come back later." pang-aalo ng binata.

Biglang lumakas ang iyak ng babae. "No! Stay here. Stay with me, please honey. I need you here beside me." pigil na pagmamakaawa nito.

Hindi na nakayanan ni Sienna ang eksenang nasasaksihan. Dahan-dahan niyang hinila ang pinto pasara upang hindi iyon makalikha ng anumang ingay.

Laglag na mga balikat at pira-pirasong puso ang dala ni Sienna paalis sa lugar na iyon. Umasa siya. Nagmahal siya.

Bakit, sinaba ba sa'yo ni Xander na umasa ka? Na mahalin mo siya? At sinabi ba niyang mahal ka din niya? Hindi di ba? Sita ng kanyang isip.

Kalimutan mo na lang siya. Segunda ng kabilang bahagi.

Kalimutan?! Pa'no ko siya makakalimutan kung siya lang ang laging laman ng isip ko? Sagot ng dalaga sa nag-aaway niyang kaisipan. Katulad ngayon, naririnig ko siyang tinatawag ang pangalan ko! Lord! Help me!

"Sienna, para kang pinagsakluban ng langit at lupa. May problema ka ba, anak?" salubong na tanong sa kanya ng ina.

"Buti po sana 'Ma kung langit at lupa lang eh. Sa pakiramdam ko nga nakadagan na sa'kin ang mundo, nagpagulong-gulong pa, kaya heto, wasak na wasak ako." sagot niya sa ina.

Nanlaki ang mga mata ng ina na titig sa kanya. "Diyos kong mahabagin!" napa-sign of the cross ng mabilis ang matanda. "Huwag mong sasabihin sa akin na..." pambibitin nito sa sinasabi.

"'Ma naman! Ang lakas maka-sign of the cross ha. Virgin pa ho 'tong anak mo, kaya chill lang. Okay, 'Ma?"

"Ibig sabihin, mali ang iniisip ko?" tanong nito. Eksaherado siyang tumango bilang sagot. "Sayang!" bulalas ng ina.

Pinaikot niya ang mga mata. "Nanghinayang din kayo 'Ma?" kunwa'y may panghihinayang na balik tanong ng dalaga sa ina.

"Medyo. Guwapo eh!" nakangising sambot ng ina.

Nagulat siya. "Nakita niyo na siya?"

Umiiling na tumalikod ang ina habang nagsasalita. "Kaninang umaga. Hinahanap ka. Boyfriend mo na ba 'yun, Sienna?"

Sumunod siya sa ina patungo sa komedor. "Muntik na po sana." bumuntong-hininga siya. Idinadaan niya lang sa biro pero sa totoo lang ay gusto na niyang maglupasay sa sobrang lungkot at pagkabigo.

"Sabi ko na sa'yo. At least nawala sa isip mo 'yung modelong si---ano na nga ba ang pangalan?"

Gustong matawa ng dalaga sa itinatakbo ng pag-uusap nila ng ina. "Xander po." maikling imporma niya sa ina.

"Hayun! Xander nga---teka, hindi ba't Xander din ang pangalan ng lalaking nagpunta rito kanina?" kunot-noong tanong ng ina. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Magkapareho pa sila ng---" dugtong pa ni Aurora, ngunit pinutol ni Sienna ang anumang sasabihin pa nito.

"Iyong model at iyong lalaking nagpunta rito kanina ay iisang tao lang po, 'Ma." kaswal na sagot ng dalaga. Nakita niyang bumanaag ang pagkasorpresa sa mukha ng kanyang butihing ina.

"Kung ganoon, sayang nga talaga. Manghinayang ka Sienna." biro ng ina. Alam niyang pinapagaan lang nito ang kanyang damdamin. Sa sariling paraan ng ina ay alam niyang ayaw nitong makita siyang lumuluha.

Pagkatapos ng kanilang hapunan ay nagtuloy ang dalaga sa swing na nasa hardin. Gusto niyang mag-isip. Magpahangin. At baka sakaling makakita siya ng sagot para sa sariling damdamin. Mahal niya si Xander, ngunit hindi iyon sapat na dahilan para naisin niyang may isang munting nilalang ang isisilang na walang kikilalaning ama. Nararamdaman niyang espesyal siya sa binata. Kaya kung puputulin niya ang koneksiyon rito at hindi na makikipagkita pa rito. Malamang ay makapag-isip ito ng tama, without her in the picture.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig siya ng isang busina ng sasakyan sa labas. Sa gulat ay bigla siyang napatayo at mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa kanilang gate. Binuksan niya ang tarangkahan at sumungaw sa labas. Hindi niya inaasahang ang kotse ng binata ang makikita niya roon. Napakurap siya. Kinabahan siyang bigla.

Umibis ang binata at umikot sa kabilang pintuan ng sasakyan. Nasa anyo nito ang pagkayamot at...pag-aalala?

"Get in the car!" malagom ang boses na sabi nito. Nasa tono ang pagpipigil ng galit. Nang hindi siya tuminag sa pagkakatayo ay medyo tumaas na ang boses nito. "I said, get in the goddamn car, Sienna." he said gritting his teeth.

Napakislot siya. Biglang tumalim ang kanyang mga mata. "Hindi ako sasakay sa sasakyang iyan. Arogante!"

Napapikit ng mariin ang binata. "Don't let me do harsh things, Sienna. Dahil kahit ayaw mong sumakay sa kotseng ito ngayon din ay may mga paraan ako." babala nito. "Just please, get in the car." pakiusap nito sa matigas na boses.

Padabog na tumalikod siya at naglakad papasok ng bahay. "Magpapaalam lang ako kay Mama!" sumusukong sagot niya sa binata.

His face broke into a smile. A smile of triumph.

My Love, ALEXANDREITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon