Chapter 24

28 8 0
                                    



Chapter 24

(Comatose)

***********


One week later........

"Si Sarah?"

"Lumabas po sir, ang sabi niya may bibilhin lang po siya sa mall.."

"Bakit hindi mo sinamahan?!"

"Eh sir ayaw niyang magpasama..."

"Saang mall ba?"

"Sir hindi ko po alam."

"Puthcha! Alangan namang libutin ko lahat ng mall sa lugar na to? Bweset!"

"Sorry po Sir Theo."

********


Hospital--

"Sarah?"

Nagtaka si Mateo nang makita si sarah na pumasok sa kwarto kung san na-confine si Ryko.

Lumapit siya sa may pinto at sumilip.

Nakita niya itong umupo sa tabi ng walang malay pang si Ryko. Parang nagdalawang isip pa nga itong hawakan ang kamay ng kaibigan niya. Pinanood lang niya si sarah at hindi niya inasahan ang sunod na mangyayari.

Umiyak si Sarah hawak ang kamay ni Ryko.

"Ikaw yun diba? Pls. Gumising kana... Kailangan kita... Iligtas mo'ko kay Theo. Ilayo mo'ko sa kanya... Pls..." iyak nito.

Nagtago lamang siya sa may pintuan para hindi siya makita ni sarah, baka kasi matakot ito at tumakbo.

'Bakit humihingi ng tulong si Sarah kay Ryko? Magkakilala ba sila matagal na?'-mateo

Naguluhan tuloy siya.

"Sir..?"

Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng isang nurse sa tabi niya kaya naitulak niya pabukas ang pinto at nakita siya ni Sarah.

"Sarah..."

As expected, tumakbo na naman ito palayo.

Kaya hinabol niya ito hanggang elevator at nang maabutan niya ito sa kamay ay hinila niya ito at pinatigil.

"Tumigil kana sa kakatakbo samin... Yung mismong tinatakbuhan mo kasi, ay yung mga taong pwedeng tumulong sayo!" sigaw niya sa inis dito.

Yumuko lang ito.

"Kilala mo ba si Ryko matagal na?" unang tanong niya pero hindi ito sumagot,

"Sarah.... Kakampi mo'ko. Kami ni Ryko kaya hindi mo kailangang matakot sakin. Tutulong ako. May problema ba kayo ni Theo?"

Tumingala ito at tumingin sa kanyang mga mata... Saka ito tumango at umiyak na naman...

"Sabihin mo sakin, handa akong makinig... Para sayo at kay Ryko."

*********


"Sino yun?"-kent

"Anong sino?"-japz

"Gago may lalaking lumabas galing sa kwarto ni Ryko.. Hindi natin siya kilala.."-kent

"Dalian natin!"-japz

Patakbo silang pumasok sa kwarto ni Ryko pero wala namang nagalaw. Akala kasi nila masamang tao yun o tauhan na naman ni master.

"Humihinga pa siya..."-kent

Nakahinga sila ng maluwag.

"Bantayan mo kasi. Baka doctor lang yun o nurse kent."

"Gagu, kakabahan ba ako kung doctor yung lumabas galing dito?"

"Check mo nga ulit." paninigurado ni japz

"Sige.."

"Gising na Ryko, pag hindi ka pa nagising diyan puputulin ko tong oxygen mo..."-kent

"Subukan mo. Puputulin ko yang ulo mo.."-japz

"Joke lang..."-kent

************


Short update. Salamat! :)

ps.angpangetnaauthor


Thirteen (13)Where stories live. Discover now