Chapter 11

26 7 0
                                    




Chapter 11

(R.I.P.)

********

"Alam mo ba kung sino ang sumunog ng simbahan?" dalawang araw na simula nung sunog pero wala parin silang lead kung sino at bakit. Masama ang loob ni Ryko, hindi man lang niya nabigyan ng hustisya ang dalawang madreng namatay sa sunog. Nahihiya narin siya kay Yna at wala siyang nagawa.

"Hindi. Wala parin Ryko." sagot ni alonzo na kasama si Yael at mateo sa secret investigation nila tungkol sa sunog

"Sana nga lang mali ang hinala ko." sa wakas ay nagsalita narin si Mateo, kanina pa kasi ito may malalim na iniisip sa isang tabi. Napatingin sila dito.

"Bakit? Sino ang hinala mo Mateo?"-yael

"Si--------------------------*Phone ringssss***"

"Si Yna...."-Ryko

"Sagutin mo muna..."-yael

*********

HOSPITAL

"Aling Teresa...." mahinang wika ni Yna nang makita si Aling Teresa na Ina ni Leslie at Jenny ang kapatid nito. Alala at malungkot ang mga mukha nito.

"Sister Yna... Mabuti naman at ok kana..."-aling teresa

"Sa awa po ng Diyos Aling Teresa.... Kayo po? Kamusta na po kayo? Si leslie po?" tanong naman niya, nagtaka siya nang matahimik ang dalawa, napansin rin niya na matamlay si aling teresa. Parang may mali. Parang may malaking problema ang mag-ina.

"Isa rin si Leslie sa ipinunta ko dito Sister Yna, akala ko kasi nandito siya at kasama mo.. Kaya nga nung nalaman kong nasunog ang simbahan dali-dali akong pumunta, nag-alala ako sa inyong dalawa.. Nung isang araw kasi nagpaalam siyang may pupuntahan lang, naisip ko kagad na baka dalawin ka lang niya...." mahabang kwento nito na parang iiyak na.

"P-pero Aling Teresa, hindi po niya ako pinuntahan...." kinabahan narin siya

Doon na humagulhol ng iyak si Aling Teresa pati narin si Jenny

"Ate Yna, dalawang araw na pong hindi umuuwi si Ate."-Jenny

.

.

.

.

.

.

.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Ryko, may dala itong mga prutas.

"Kuya Ryko??" nagulat si Jenny pati narin si Aling Teresa, hindi na siya magtataka dahil kilala nila si Ryko na naging nobyo niya noon.

"Bumalik kana Hijo?"-aling teresa

"Opo Aling Teresa, ok lang po ba kayo? May problema ba?"-Ryko

"Kasi Ryko, si Leslie... Nawawala..." sagot niya

**********

Yael Calling........................

("Ryko, may isa pang bangkay na nakita dito sa nasunog na simbahan... Unidentified pa kasi sunog na sunog talaga siya... Sa pagkakaalam nila, dalawang madre lang ang namatay sa sunog kaya nagtataka sila kung kaninong bangkay ang nakita nila ngayon...")

"Ganun ba? Ipapa-DNA natin yan. Kasi malakas kutob ko na-----"

("Na ano Ryko? Kilala mo ba to?")

Wag lang sana.

Sana mali ang kutob niya.

"Pupunta ako diyan ngayon... Hintayin mo'ko."

("Sige...")

"San ka pupunta tol?"-Lucas

"Buti nandito kana, pwede bang bantayan mo muna si Yna at may aasikasuhin lang akong importante?"

"Oo naman. Kaya nga ako pumunta dito. Sige na, ako na bahala dito..."

"Salamat Lucas, malaki ang utang na loob ko sayo.. Kaya salamat ng sobra..."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

----------

DNA RESULT:

POSITIVE

Paano niya sasabihin kay Yna ang nalaman niya? Tiyak masasaktan ito.

At ang ipinagtataka niya, bakit hindi alam ni Yna to? Bakit kasama sa nasunog na simbahan si Leslie eh dalawang araw na daw itong nawawala?

Ano ba talagang nangyare?

"Kilala mo ba tol?"-Yael

"Oo, siya ang bestfriend ni Yna..." mahinang sagot niya at nilagay na sa brown envelope ang DNA result, ipinaandar na niya ang sasakyan at umalis na

*******

Nakakapanghina ang mga nanyare, muntik ng mawala sa kanya si Yna at namatay naman si Leslie.

Panigurado, malulungkot ng sobra sobra si Yna.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?"

Inumaga nga pala siya, matapos kasi niyang malaman ang DNA Result ay pinuntahan niya sa bahay si Aling Teresa at sinabi ang nangyare. Nagtataka nga rin sila kung bakit hindi alam ni Yna. Yun ang hindi niya rin masagot.

"Salamat sa pagbabantay sa kanya Lucas."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, saan ka galing at parang namatayan ka diyan eh buhay na buhay naman si Yna..."

Tinignan muna niya si Yna, hindi pa kasi siya handang sabihin ang nangyare kay Leslie. Baka magising ito at marinig ang sasabihin niya

"Si.. Si leslie na bestfriend ni Yna, patay na..."

Mahimbing parin ang tulog ni Yna kaya wala itong narinig.

************

HAPPY HALLOWEEN!

Ps.angpangetnaauthor

Thirteen (13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon