Chapter Two- Bosom Buddies (July 29, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

Baliw lang talaga ang mga taong nagsasabing malas ang buhay niya. Meron bang ganun? Isa pa, feeling ko iniisip na lang din ni Zylie na malas siya kaya ganun na din ang nangyayari sa kanya. Nasa isip lang ang lahat.

Nagsimula kasi yan dahil sa ex niya. Si Terrence. Ayaw ko na siyang tawaging kuya dahil nawala na lahat ng paggalang ko sa kanya pagtapos ng ginawa niya. Na bigla na lang hindi nagparamdam. What is being a gentleman right? Naging sila ni Zylie nung 1st year highschool kami. Si Zylie naman kasi eh, ang bata-bata pa nun. 1st year siya 3rd year na noon si tandang Terrence. Oh yes, tandaDahil 3rd year siya as 3rd year college. College. Talande kasi yang si Zylie eh hindi ko alam bakit nakabingwit ng mashonda. Ayan, namatanda siya.

After a year kasi nung graduating na si tandang Terrence, naging busy at biglang Poof! Parang bulang nawala. Just.like.that. Kinokontak ni Zylie wala! Hanep lang. Walang pasabi. Pinagdadasal na lang namin ni Alyanna na namatay na lang sana siya. Pagkatapos kasi ng lahat ng yun, may isang phase sa buhay ni Zylie na lahat down siya. Pamilya, school, at sumabay pa ang lovelife at ayun, nag-emote na si Zylie ng tungkol sa kamalasmalasan at nagtuloy-tuloy na. Hindi na yata natapos-tapos. Hanggang ngayon halos isang taon na, ganun pa rin. Sumikat na siya ng dahil doon. Zylie: Reyna ng Kamalasan.

Ngayon nga 3rd year high school na kami. Medyo naka-move on na din si Zylie. Yata. Pero hwag na hwag mong babanggitin ang pangalan ni Terrence o kahit sino pang Terrence na namesake nun. Biglang mag-iilaw ng red ang mata ni Zylie at magiging kamukha niya na si Bellatrix Lestrange, patabain mo lang yung mukha, ganun! Kung iniisip mong hindi pwedeng maging mukhang death-eater ang cute niyang muka... think again...

First bf niya eh... You don't say.

Pero, ganun pa man, ang cute cute niya pag nangyayari yun. Ang cute niya kapag nagagalit at naasar. Hindi yata siya aware sa bagay na yun. Na isa siyang cutie patootie na pwedeng gawing keychain! Term talaga yun sa kanya. Like any normal person in any normal circumstance will approach her and say Pwede ba kita gawing keychain? Haha!

Hindi bagay na kontrabida kapag nagagalit (na bihira lang naman mangyari). Kaya nga masarap asarin si Zylie eh. Di ko nga alam kung bakit binu-bully siya sa school dahil sa kamalasan niya. 

Akala ko dati, magiging man-hater yan si Zylie eh, Pero buti na lang hindi umabot sa ganun dahil na rin siguro sa fact na may dalawang (hot at gwapong) kuya siya who are impossible to hate. At ang papa niya, iluklok mo na sa pedestal sa sobrang dakila. 

Kaya kanina, natuwa talaga ako nung nakita kong kasabay niya si Silver pumasok eh. Hindi niya ito tinatarayan or something. Sabay lang sila, kalma lang. Ang saya. Fluttering hearts everywhere. Haha! Siguro dahil na rin sa tinulungan siya nito.

"Wala na... Absent na si Zylie" bulong sa akin ni Alyanna matapos magcheck ng attendance yung 2nd period teacher at wala si Zylie. Bokya. Oh my nasaan na kaya siya?

"Pupunta tayo sa auditorium ngayon dahil may film showing for career orientation. Kasama ang ibang sections ng 3rd year." sabi nung teacher namin sa second period.

"Hala wala pa si Zylie!"

"Oo nga itext mo na lang"

Pasimple kong kinuha ang celphone dahil bawal magtext sa klase. Nagtext ako sa loob ng bag habang nakatingin pa din sa teacher. Para hindi mahalata.

|zy, audi tayo. career orientation|

Sana mabasa niya ang message if ever bumalik siya. Alangan namang magsulat ako sa board ng ZYLIE, NASA AUDITORIUM LANG KAMI. Baka pagalitan ako, at baka lalong tanungin kung nasaan si Zylie. 

Bumaba na kami sa school auditorium ng salubungin kami ng nakakainis na babae. 

"Nasan ang kaibigan niyong malas?" sabi ni Carly

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon