Chapter One- Zylie (July 29, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ba yan Bettina, we're already, full?" sabi ni Carly. Bestie daw niya. Full? Anong full sa tatlong tao sa sasakyan? Sana kung matataba sila eh muntik ko na ngang itanong kung anong diperensya ng bullimic sa anorexic nung nakita ko siya tsaka yung babae sa back seat. Ano bang maximum capacity ng convertible niya?

"Oo nga. And she's wet." sabi naman nung isa (na hindi ko sigurado kung classmate ba talaga nila, o nakikisakay lang) habang nakatingin sa akin at nag-iisa sa backseat.

"And what's the use of bringing your own car kung wala rin naman palang leg room and we need to make siksikan like commuters?" mahinang-mahinang sabi ni Carly na hindi ko alam kung pinaparinig ba sa akin, o engeng lang siya sa pagbulong.

"Bakit hindi ka rin nagdala ng own car kung ganun?" mahina ring sabi ko. Make siksikan like commuters pa. Nakikisakay rin naman siya.

"WHAT?!"

"Wala."

Mahabang awkward silence. Kung ganito lang rin naman, hwag na lang. Ni, hindi naman talaga kami close ni Bettina. Why is she playing nice? Tapos hinahamak naman ako ng mga kasama niya. Rich girls, their own cars and their leg room.

"So?" tanong ulit ni Bettina na parang wala naman siyang narinig.

"Ah hindi sige Bettina, I can manage." sabi ko na lang with a strong face emitting dark confident rays kahit sa itsura ko naman eh hindi naman talaga ka-manage-manage.

"Okay." sagot nito, at humarurot hindi pa man naisasara ang power window. 

Mabilis kausap si ate mo. Wala ng pilit-pilit? Okay agad-agad. Hindi naman sa nagpapapilit ako, pero wala pang split second, umandar na agad ang sasakyan na parang hindi naman talaga hinihintay ang sagot ko kung makikisabay nga ako. Bago ko pa namalayan at pagdudahan yung unang pag-alok niya eh humarurot na yung magandang convertible palayo. 

*splash*

At natauhan na lang ako ng matalsikan ng maduming tubig na naipon sa isang puddle sa bako-bakong kalsada. Nice one Zylie. 

Di ako nabigla. Lampas na ako sa stage para mag-hysterical sa mga ganitong pangyayari at itanong pa sa universe kung bakit nangyayari sa akin ang mga ganitong bagay. Eh kasi... Sanay na ako sa kamalasan eh. Mabuti na lang nga palda ko lang ang nabasa at napuruhan ng maputik na tubig.

Inisip ko na lang ang sasabihin ni kuya Zeus. Hindi ka naman mamatay dahil diyan. Lakad lang. Kaya eto, naglalakad na lang ako.

Napagisip rin ako sa sinabi ng mga ka-klase ni Bettina sa kotse. Tama naman sila eh. Puro kamalasan ang nagyayari sa akin. Parang may magnet ako ng malas. Siguro naman hindi sinasadya ni Bettina yung mga nangyari at nagkataon lang na nadoon ako sa mismong spot na yun para matalsikan. Sobrang galing niya naman para masaktong matamaan ang lubog sa daan na yun at mapatama sa akin ang tubig.

Unless nagaaral talaga siya ng physics at nagawa niyang applied yun, ako ang napagpractice-an. No. Alam kong hindi. Malas lang. Nagkataon lang na nandun ako, at minalas.

 Nagkataon lang na nandun ako, at minalas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon