Chapter 9

1.9K 72 2
                                    

Chapter 9

Hanggang kailan nga ba?


Pagkauwi ko sa condo ay humilata kaagad ako sa kama. Ewan! Mas napagod ata ako sa kakatayo eh, 'yong enjoyment nando'n naman sa akin pero nakakaasar lang dahil 'yong kaisa-isang model na kilala ko, kahit kakaunti lang ay hindi ko pa nakita in personal. Richard Howerdson is good looking person, yeah siguro wala lang talaga akong pekalam no'ng pinakita siya ni Klass noon peor when I stare at him, gwapo talaga siya. Paano na lang kaya kung personal?

Now I regret everything! Ugh.

Bago pa tuluyang bumigay ang mga mata ko sa antok at pagod ay dumiretsyo muna ako sa terrace, its 12am in the midnight na naman baka malay mo may sagot na siya sa akin. Pero hindi ko alam kung madi-disappoint ba ako o hindi dahil wala pa rin siyang response. Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko, baka nga nagsasawa na siya at ayaw na niyang replayan ang mga tanong ko dahil nonsense naman ang lahat ng 'yon pero to think of it, may kakaibang feeling akong nararamdaman.

I don't see his face pero there is a strong connection between us. I don't know why, maybe anytime soon, malalaman ko rin.

Bumalik na rin ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit at natulog na, hindi ko kinaya ang pagod! Haha.

****

I woke up in a call from mom and dad. Tinatanong lang nila kung kamusta na ang schools ko, and I said it was okay. Nakakapag-adjust din naman ako dahil nandiyan naman si Anja at hindi ako na-o-op kapag may group activities, kasura nyay. Sinabi rin ni mama na gustong pumunta ni lola dito sa condo ko, masaya ako dahil may makakasama ako pero for a bit time lang daw. Saglit lang dahil nami-miss daw kasi ako ni lola kaya ayun.

Bumangon naman. Sunday. Walang pasok kaya hayahay ako ngayon. Kinuha ko naman ang cereals sa taas ng ref at binuhusan ng gatas saka ako pumunta sa terrace. Nakita ko na naman 'yong babaeng simula nang mapahiya siya sa akin, lagi na niya akong tinatarayan.

Sorry naman, uyy! Masyado kasi siyang assuming eh kaya ayan, akala niya for her ang paper message ko na hindi niya alam sa-

"Oh. My. Gahd." Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Agad kong binaba ang hawak kong bowl at binasa ko talaga ng maiigi kung anong nakasulat doon.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Magpapakahulog ka ba?!" biglang salita no'ng babaeng nasa harapan kong unit. Nasa baba niya kasi ang unit no'n kaya kailangan ko talagang titigan para lang mabasa. Medyo magulo lang ang handwriting niya pero it is an effort. Nag-effort siyang magreply pa.

Shems!

Umiling naman ako, "nevermind me girl!" sabi ko naman sa kanya.

At sinabihan akong, "whatever girl!" at pumasok siya sa loob. At binaling ko ulit ang atensyon doon sa papel na nakadikit sa terrace ni mystery guy.

'Kasi habang umiikot ka sa utak ko, bumabaon ka naman sa puso ko <3'

Halos mangalumpasay ako sa sobrang kilig. Hindi ko alam pero tuwang tuwa akong malaman na isang malaking banat nga iyon! So much affected ako ngayon dahil sa sobrang kilig, atleast kahit papaano ay nabawi 'yong disappointment ko kagabi at ngayon, 'yong ilang araw at gabi kong hinintay response niya, halos hindi ko na mapigilan 'yong kilig na nararamdaman ko.

Iba na talaga 'yong tama ko dito!

Kung nagkikita o nagkakasalubong na kami palabas pasok dito sa condo, bakit ayaw niya pang magpakilala sa akin? Kung nakita ko na siya noon, bakit hindi? Still, hindi ko naman kasi kilala kung sino 'yon basta ang nakita ko lang noon ay dalawang lalaki na mukhang magkaibigan. Hindi ako nagco-conclude na bading sila dahil mukhang hindi naman.

You're EverywhereWhere stories live. Discover now