Chapter 15

1.4K 62 1
                                    

Chapter 15

Anong meron?


'Hi Bae!'

'Hindi ako sanay na tawagin kang gano'n'

'Pero kinikilig ako! Chos!'

'You know what , kahit hindi kita kilala personally...'

'Magaan ang loob ko pagdating sayo'

'Nagkasalubong na ba tayo?'

'Kung oo, bakit hindi mo ko tinawag?'

'Ang dami ko nang sinasabi, sinusulit ko lang talaga!'

'Masyado na bang madami 'tong sinasabi ko?'

'Alam mo bang umaaasa akong one day, makita kita...'

'Ano kayang mararamdaman ko no'n?'

'Siguro magwawala na sa kilig! Chos!'

'At Bae, thank you nga pala sa lagi mong pagresponse sa akin...'

'At may tanong ako...'

'Bae...'

"Panganib ka ba?'

Ngumiti ako at saka kumaway sa slr niya. Pumasok na rin naman ako sa loob, halos hindi ko maitago 'yong ngiti at kilig ko. Ito na, masasabi ko na buo na 'yong araw ko kahit ganito lang 'yong moment sa akin. Atleast kahit papaano eh, nawala 'yong lungkot ko sa registration kahapon.

Napansin ko na ang dami ko palang naisulat at 'yong iba, para akong tanga! Nakakahiya pero hindi ko na mauulit 'yon dahil naka-record 'yon at siya mismo ang manonood. Halos ang bilis nga ng takbo ng dibdib ko kanina dahil hindi ko alam kung anong mga sasabihin ko kaya siguro ayun ang mga nasulat ko.

Atleast ayun pala 'yong feeling na nagkakagusto ka sa isang taong hindi mo naman kilala. Medyo nakakababa na ewan pero nasilayan ko na naman siya, although balot na balot nga siya pero mukhang mabait naman. Naalala ko na naman 'yong mga ngiti niya sa video, ang sarap gawing gif dahil ang swak ng ngiti niya. Ang sarap titigan lang.

Habang naghahanda naman ako papasok, halos nakangiti pa rin ako. Kung sino mang 'yang Bae na 'yan in his real name, naku! Baka hindi ko na tigilan 'yan.

Binitin ko talaga siya don sa isang tanong ko, syempre may pa-excite moment muna para mag-response ulit siya sa akin. Iba talaga tama niya sa akin, parang may something talaga na connection na hindi ko naman alam kung ano. Sino ka ba Bae?

Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ko ay lumabas na ako ng unit ko. Excited ako para sa kinabukasan na mangyayari palitan ng message naming dalawa. 'Yong feeling na, nag-start lang ako sa pagpost ng isang hello sa terrace at hindi ko akalain na one day on an unexpected morning, nakita ko ang response niya sa akin no'n.

Natatandaan ko pa iyon. Hanggang kailan nga ba tatagal 'yong ganito kaming dalawa?

Paano kaya kung pinagti-trip-an niya lang ako? Pero bakit siya maglalagay ng camera doon para lang hintayin ang response ko? Trip lang? Hindi ko alam.

Pagdating ko sa hintayan namin ni Anja, ayun nakangiti na ang bruha! Agad akong inakbayan nito, magaling na nga siya o baka nagdahilan lang talaga siya kahapon at hindi pumasok. Napailing na alng din ako sa kanya.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya. Syempre, kaibigan, natural na mag-aalala. Haha!

Tumango naman siya, "oo naman, kagabi pa!"

You're EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon