Chapter 11

1.6K 69 3
                                    

Chapter 11

SLR slash Audition


Mabilis akong tumungo sa terrace para puntahan kung meron bang response sa akin si mistery guy, at nawala naman bigla ang excitement ko nang makita kong wala ni isang papel ang nakadikit doon. Walang fansign or response sa sinabi ko kagabi. Kinuha ko naman 'yong sinulat ko kagabi at binasa, wala namang mali at wala naman dapat na ika-misunderstood pero bakit wala siyang reply?

O baka busy na naman siya at nakalimutan na naman niya pero that's okay, ako lang kasi 'tong panggulo sa schedule niya eh.

Paalis na ako ng terrace para pumasok sa university nang mapalingon ako sa slr kong nakatali sa railings.

Napasapok kaagad ako ng noo nang maalala ko iyon, "ang tanga mo talaga, Meng." Iiling iling pa ako dahil hindi ko kaagad naalala 'yon. Tinanggal ko naman ang pagkakatali ng slr sa railings at ini-switch on pero kaasar nga naman dahil low battery na siya and nag shutdown na bigla.

Kinabahan ako dahil baka umaasa ako na nakuhanan siya ng video dahil nalowbat kaagad, kaya naman dinala ko na 'yong slr ko at charger para doon ko na rin i-charge, mahirap na kung iwan. Masunog pa ang unit ko, masisira din ang forever ko. Chos!

As usual, nagkita kami ni Anja sa meeting place namin at dumiretsyo na kaagad sa university at pumasok sa first subject. Mabait kaya kaming estudyante. Naghanap kaagad ako ng outlet para mai-charge na 'yong battery ng slr ko, mabuti na lang sa likod ay merong outlet at tago kaya doon ko sinaksak iyon.

"Ano bang meron, bakit dala dala mo 'yang slr mo?" tanong ni Anja sa akin ng makaupo ako.

Nginitian ko lang siya, "basta mamaya, baka kasi madisappoint lang ako kapag umasa ako eh."

"So ano nga 'yon, Meng?" pangungulit pa niya.

"Mamaya nga, kapag napuno kaagad ang battery, you're the one will see it first kapag meron nga."

"Okay, I give up, di ko na aalamin kung ano 'yan." Aniya saka ako inirapan. Is it true naman, hindi muna ako aasa kung meron mang na-video-han ang slr ko dahil kagabi nga, hindi na full ang battery kaya ayan, kaiyak.

Dalawang linggo ay hindi, magta-tatlong linggo na rin pala ako sa condo na tinitirhan ko pero hanggang ngayon si Alexander pa lang ang nagiging ka-close ko, 'yong tipong nakakausap ko at saka itong si mystery guy from the 10th floor unit? Hmm, hindi ko alam.

Good idea! What if tanungin ko sa information desk kung sino nakatira sa unit na 'yon, so I've got the chance to know him. Bakit ngayon ko nga lang iyon naisip? Ang slow slow ko talaga pero okay lang, maganda in natural naman. Oh! Saan ka pa?! Kay Meng na!

Five hours needed par maging fully re-charged ang battery pero hindi ko kailangan i-full 'yon dahil gustong-gusto ko na mapanood ang video na 'yon. Atat na ata na akong panooring kung ano nga bang nangyari? Ilang minuto? Hours? Sobrang kaba at excitement kaya ang nagulat ako nang may tumawag ng pangalan ko, "Miss Alvarez,"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya napatayo ako bigla, "Ma'am?" kinakabahan tuloy ako.

"Is this yours?" at napatingin naman ako sa hawak niyang charger. Nanlaki ang mata ko dahil nahuli niyang naka-charge iyon. "Bawal mag-charge dito sa university." Aniya.

Mabilis naman akong lumapit sa kanya at kinuha ang charger na 'yon, "sorry po ma'am." Yuko ko pa bilang pag-umanhin.

"'Yan kasi, sa condo mo na dapat kasi 'yan chinarge." Bulong at paniniko niya pa sa akin. Nilagay ko na lang 'yon sa bag ko at nagpagalumbaba na lang dahil sa badtrip.

You're EverywhereWhere stories live. Discover now