Chapter 6

2K 79 5
                                    

Chapter 6

Questions


Saturday. Busy. Bangag. Rest day. Wala akong pasok kaya inatupag ko na dapat ang dapat tapusin. Kakasimula pa lang ng semester, nagbibigay kaagad sila ng mga assignment. Kakauwi ko lang din galing university dahil bumili ako ng libro na kailangan na daw next week. Kaasar! Pero ang saya lang tinulungan ulit ako ni Alexander sa pagbubuhat ng mga gamit ko.

And also unexpected twist, niyaya niya ako mag-coffee daw kami sa labas kaya ngayon ngarag na ngarag ako kakahabol para hindi ko na problemahin 'tong mga 'to! As usual for a student like me, kailangan unahin ang studies then next na ang mga lovelife.

Alam kong nandiyan lang sila, hinihintay na makatapos ako. Haha, landi!

Still unknown pa rin sa akin ang identity ng may-ari ng unit na nasa harapan lang din ng unit ko pero nasa ibaba noon. Hindi ko alam kung may pinagtataguan ba sila or something pero nakaka-curious lang dahil sumasagot siya sa mga sinasabi ko thru the paper message.

Sino kaya siya? Pero ang sure ko is hindi lang siya nag-iisa sa unit na 'yon dahil I saw it for once then lagi nang nakasara ang glass door na tinatakpan ng kurtina.

Nang matapos naman ako sa mga gawain ko. 5pm pa lang naman kaya hindi naman hassle na makipag-coffee date muna ako kay Alexander. Naka denim shorts at white shirt. Hindi naman sa excited pero kanina pa ako atat na atat. Well, minsan ko na lang kasi makita si Alexander, eh, and he's the one who insisted na sumama sa kanya kaya ako naman, syempre hindi na tatanggi! Accepted agad!

Pagkalabas ko nang elevator ay nagulat ako nang may mabunggo ako.

"Alex?!" gulat kong pagkakasabi sa kanya.

Pero he placed his point finger in his lips and make me silent, "shh, 'wag ka maingay." Aniya. Tumango na lang din naman ako sa kanya, "ready ka na?" tanong pa niya sa akin.

I nod to him at ang nakakabigla lang ay nang hawakan niya ang kamay ko. Halos nagulat ako na gusto ko pang bawiin ang kamay ko pero siya na naman ang nag-insist na 'wag pumalag. Nagtataka lang din ako dahil naka-shades siya. Muntik ko nan gang hindi makilala dahil iba rin ang hairstyle niya. Nakababa ang buhok niya, walang hairstyle pero smooth naman at mukhang mabango rin, hihi!

"'Wag kang bibitaw ha? Sabay tayong tatawid." Aniya.

Mas naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, ayoko naman gumanti sa pagkakahigpit niyang iyon dahil nahihiya ako. Ewan ko rin dahil may ilan na napapatingin sa aming dalawa at 'yong iba naman ay tinuturo ako or siya? Ay ewan!

Kaya binilisan na lang namin ni Alexander ang paglalakad at nang makapasok naman kami sa starbucks ay tuloy tuloy lang si Alexander hanggat sa may maupuan na kaming dalawa. Agad naman niyang tinanggal ang shades niya nang makaupo kami.

Natawa naman ako.

"Why?" he asked, brushing his hair up using his hands.

Umiling naman ako, "wala naman, bakit mo pa kasi kailangan magsalamin?" taka ko pang tanong sa kanya.

Ngisihan naman niya ako, kaya naman mas lalo akong naguluhan sa kanya. Baliw din pala ang isang 'to ah! Adik din! "'Wag mo na pansinin 'yon, trip ko lang talaga mag-shades." Aniya. "Coffee or frappe?" pag-iiba nito ng usapan.

Edi sumakay na ako sa kanya, "frappe. Mocha frappe."

"Okay, wait me here," aniya at sinuot niya ang shades niya at tumayo. Pumunta sa counter at naghintay ako mag-isa. Nang tinitingnan ko naman siya na papunta sa counter, may ilang nagpapapicture sa kanya kaya naman nagtatakas ako kaya nang bumalik siya agad ko siyang tinanong.

You're EverywhereWhere stories live. Discover now