Chapter 21

1.5K 65 14
                                    

Nicomaine's POV

It was the best day of my life. Every second of every minute of every hour of this day is the best. I've never been loved like this before and I know hindi pa ako nagmamahal ng ganito. Lahat na yata simula noong makilala ko siya ay nagmistulang surprise. God is so good because out of 7 billion people in the world na pwedeng pagpilian nya para mahalin, he stumbled upon a stubborn and simple woman like me and hindi siya nagdalawang isip na kilalanin ako, intindihin ako at mahalin ako. The feeling is too much that it's sometimes scary but I wanna take the bait.

How I wish hindi na matapos pa ang araw na ito. Sana pwede nalang alisin ang battery ng orasan ng Diyos at itigil sa oras na ito para hindi na siya mawala sa mga tingin at yakap ko o kaya irecord nalang para pagkatapos ng araw na ito pwede ko siyang balikan at iplay ng paulit ulit. Inangat ko ang tingin ko at nakatitig pa din siya sakin. Kahit ilang beses na akong tumitig sa mukha nya at mga mata nya at hindi ko pa din maiwasang mamula tuwing magtatama ang mga mata namin at lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat ngiti nya, isama mo na nga ang dimples nyang nakakaloka. Jusko Lord. :3

Ganoon ang itsura namin na nasa tabing dagat habang nagbobonfire. Sumasayaw kami sa may dalampasigan ng nakapaa. Ineenjoy namin ang bawat hampas ng alon sa talampakan namin, ang simoy ng amihan, ang marahang pagdampi ng maligamgam na init na nagmumula sa apoy ng bonfire, ang malinamnam at masarap na amoy ng barbecue, ang liwanag mula sa milyong milyong bituin sa langit na nakikisabay sa bawat paggalaw namin at ang pintig ang puso namin na kami lang ang nakakarinig.

"Nicomaine, nagbublush ka. " bigla akong napapitlag sa sinabi nya. Anu ba naman tong lalaking ito, gabing gabi na nga, napapansin pa nya kapag nagbublush ang tao.

"Hindi noh! Lights effect lang yan. Sa ibang direksyon mo nga itutok yong mga mata mo, buong gabi ka ng nakatitig sakin, hindi ka ba naaawa sakin? Tunaw na tunaw na ako dito oh. " Sige ideny mo pa Maine! Eh kasi naman eh, kanina ko pa gustong malusaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga titig nya. -___-

"Ang awkward naman kung habang nagsasayaw tayo e nakatingin ako sa iba hindi ba?hehe" Pabiro nitong sagot. Naku ha! Hindi pa tayo e balak mo ng tumingin sa iba. Dudukutin ko yang mga maniningning na mata mo ng makita mo! -____-

"I mean pwede mo namang tignan yong bonfire, yong paa ko, yong pagkain sa table o yong puno doon oh for example. Oh siya sakin ka na nga lang tumingin, ang hirap mag explain kapag ganitong busog ka at kinikilig haha! " Sabaya hampas ko sa balikat nya. Jusko Maine umayos ka ha, itago tago mo nga yang 10 thousand harot hormones mo. XD

" La la la!haha Gusto ko man yan gawin sana kasi you take my breath away everytime you smile but I can't stop. I can't think of anything worth staring at than this lovely lady I'm dancing with. " Ngumiti siya lalo at ayan na naman ang nakakalokong titig nya at nakakalunod na mga dimples nya. Pahingi nga ng salbabida! :3

"Naks naman. Inlove na inlove ka talaga sakin noh?hehe " Sabay kurot sa pisngi nya. Hala nanggigil na talaga ako sa Richard na ito. Kasi naman feeling ko sasabog na ang puso ko sa sobrang saya. Napansin ko din yong ibang mga tao na nasa paligid namin na nanonood samin at mukhang tuwang tuwa at kinikilig sa itsura namin. Yong iba naman nakisabay na din na sumayaw samin at yong iba kinukunan na kami ng pictures. The dyan ka lang, pabluetooth ako mamaya pang wallpaper lang haha! ^_____^

"Gusto mo ba explain ko? Baka abutin tayo ng hanggang next week dito. Sabagay ako lang naman yong inlove na inlove dito eh. " Aba best actor din pala tong lalaking ito noh, kanina ang lambing lambing tapos ngayon mag eemote. Bipolar din yata ito kagaya ko haha pero ang cute cute nyang magtampo. Nakanguso na nga, labas pa din yong dimples. Ang tindi talaga magpacute! XD

"Naku drama king! Hindi bagay sayo Mr. masungit. May hinahabol ka bang deadline? Nagmamadali? Tsaka hindi ko alam hanggang kailan ka ganyan noh, baka once na nag OO na ako sayo eh bigla ka nalang magbago. Ano ako easy to get? Dalagang Pilipina ito noh! " Tumaas konti yong kilay ko ng 3 inches.

" Charot lang!hehe Love me now, and I'll court you forever. "

"May choice pa ba ako? Charot lang din hehe Naku magpapakadalagang pilipina talaga ako at dahil dyan, iuwi mo na ako. " Sabay hila ko sakanya, dahil nacoconcious na din ako at dumadami na ang mga fan namin. >.<

"Sa bahay namin???" natigilan ako sa sagot nya, nilingon ko siya at nakangisi siya habang nakatitig na naman ng nakakaloko sakin. Teka ano bang sinabi ko? "Iuwi mo na ako." Naloko na. >.<

"Don't take it literally noh, wala ka pang ipambubuhay sakin kaya iuwi mo ako sa bahay ko. " Sabay hila ulit sakanya, nakakaloka tong Richard na ito. Pasalamat ka at mahal kita. :3

"Halika na nga Nicomaine!" Sabay hila sakin pabalik ng restaurant. " Pagbibigyan kita sa ngayon, iuuwi muna kita sa bahay mo. Pero pagdating ng tamang panahon, uuwi ka na sa magiging bahay natin. " Kinindatan nya ako sabay hila ulit. Nawindang na naman ako sa sagot nya at kasama ng windang na yon ang 3670 na kilig na naramdaman ko. Hay sana talaga hindi ka mapagod na ligawan ako. I love you but love is not always enough, I want you to win my trust and I want to see your consistency para maprove ko din sa sarili ko at sa mga tao sa paligid natin na mahal mo nga talaga ako. Soon Richard, soon.

The whole time na nasa byahe kami, wala akong ibang hiniling kundi ang hindi n asana matapos ang gabing ito. It was the sweetest and most unforgettable night in my life. Pagkarating namin sa condo ko, hinatid lang nya ako sa may lobby. Hindi na ako nagpahatid hanggang sa condo ko dahil malalim na ang gabi at magdadrive pa siya pauwi.

Tuloy tuloy n asana ako hanggang sa may elevator ng mapansin ko yong lalaking nasa may lobby. Inaninag ko ang mukha nya dahil mukhang pamilyar ito. Lumapit siya sakin at ng makilala ko ay si Paolo pala. Teka paano kaya nya nalaman ang address ko at anong ginagawa nya dito?

" Pao? Oh anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah. " Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng maikling yakap.

" Gusto sana kita kamustahin eh. At may sasabihin din sana ako sayo tungkol kay Alden. Mukhang bihis na bihis ka ah, kagagaling mo yata sa date. " Nung kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at nakita ko kung gaano siya kaseryoso. Ano kayang sasabihin nya tungkol kay Alden.

" Ay oo, sobrang saya talaga nung date ko kanina. Sayang nga umuwi na kasi siya agad kaya hindi ko na tuloy naipakilala sayo. Teka, what about Alden? May balita ka na ba sakanya? " Gusto ko pa sana magkwento sakanya kaso baka abutin kami ng umaga kapag ikwenento ko ang tungkol sa date ko kanina hehe :3

" Kaya nga kita hinintay dito sa loob dahil ayokong makita ako ni Alden sa labas pagkahatid nya sayo. " Seryosong sagot nya. Ano daw? Teka naguluhan naman ako sa sagot nya.

"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan pao? Bakit mo nasabing baka makita ka ni alden pag hinatid nya ako?" Gulong gulo na din ako ng mga sandaling iyon. I badly need answers.

" I'm sorry cous. Dapat sinabi ko ng mas maaga. Yong lalaking kadate mo, si Richard ay si Alden mismo. "


When Mr. Suplado meets Ms. Popular at the wrong time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon