Chapter 16

1.6K 97 6
                                    

Thank you sa mga nakakataba at nakakatuwang feedback and comments nyo about sa story, nainspire talaga akong magupdate dahil dyan. Please enjoy this chapter, hinabaan ko at ginandahan ko pa lalo para sa inyo. :)

Alden's POV

Bigla nalang siyang tumakbo papuntang kotse nya, God what was I thinking??? I kissed her without asking permission. What if yon pala ang first kiss nya? Anak ng sardinas na ginisa sa sibuyas at sayote naman Alden oh! What if she's saving her first kiss para sa magiging boyfriend o husband nya??? What if she's mad kaya hindi siya makasagot??? Matatanggap ko pa sana kung sinampal nya ako o sinigawan eh. Nicomaine, paninindigan ko yong kiss na yon. If I had to be your boyfriend or husband, I'll be more than happy to. Naconfirm ko na yong feelings ko para sayo and Yes, I'm so happy to inform you that I am inlove with you Nicomaine! J

Lumipas ang mga araw na hindi ko siya nakita and every part of me is aching to see her. Iniiwasan ba nya ako o talaga lang na hindi nagtutugma ang schedule namin??? I missed her, sasabog na yata utak ko kakaisip sakanya. Parati pa akong absent minded sa mga klase ko at sa Photography class ko, lagi tuloy akong napupuna ng mga Prof. after that night, everything change at may isang bagay na hindi bumalik sakin simula nung halikan ko siya, hindi na bumalik yong puso ko. Naiwan na sakanya simula nung gabing yon. Utak ko na nga lang ang naiwan sakin pero wala namang ginawa kundi isipin siya. Ito na ba yong sinasabi nilang love? Nakakabaliw pala tengene! >.<

Pumunta kami sa gym ng mga kasama ko at nakita naming nagjajamming sina Prof Cj sa my bench habang hinihintay na matapos ang practice exhibition ng mga varsity player, magmemeeting kasi kami about sa gaganaping fashion show sa foundation day ng school.

"Oh Alden, late ka na naman. Ano bang nangyayari sayo this past days at mukhang wala ka sa sarili mo. " Pabirong sita ni Prof, Napakamot nalang ako sa batok sa hiya. Aminado naman akong absent minded talaga ako lately, kasalanan ito ni Nicomaine eh. >.< Nanisi talaga eh hahaha! XD

"halika dito, ikaw naman ang tumugtog at kanina pa masakit kamay ko kakaplay nitong guitar. " Tinawag ako ni Prof sa tabi nya at inabot sakin ang guitar. Naloko na. Ang tagal ko na kayang hindi tumutugtog na guitar ever since that unfortunate event nung bata ako. Wala rin naman akong alam na chords kundi yong ginawa kong kanta noon para kay Maine. Siguro naman Alden dahil may Nicomaine ka na, pwede mo na ulit tugtugin yon?

Umupo ako sa tabi ni Prof Cj at nagsimulang kapain yong chords ng kanta.

" Minsan oo, minsan hindi. Minsan tama, minsan mali. Umaabante, umaatras. Kilos mong namimintas. Kung tunay nga ang pagibig mo, kaya mo bang isigaw? Iparating sa mundo. Tumingin saking mata, magtapat ng nadarama. Di gusting ika'y mawala dahil handa akong ibigin ka, kung maging tayo, sa'yo lang ang puso ko. "

Kaya ko na Maine, kaya ko na siyang kantahin ng walang nararamdamang panghihinayang at sakit. Siguro nga nakalimutan ko na din yong nararamdaman ko sayo. J

"Ang ganda pala ng boses mo Den eh, Original song ba yan?" Papuri ni Prof Cj habang pumapalakpak sila ng mga kasama ko.

"Ah eh, opo Prof. Ginawa ko po noong bata pa ako. Eh kabisado ko pa naman ang chords at lyrics kaya yon nalang ang tinugtog ko. " Paliwanag ko naman habang kinakapa kapa pa ang chords ng kanta.

"Tapos mo ba yong kanta? Kasi gusto ko sanang isali ka sa Acoustic number sa foundation day kasabay nung fashion show. Wala kaya tayong representative sa Department natin. " Pangongonsensya naman ni Prof Cj, lakas talaga makakonsensya nito. >.<

"Opo tapos ko yong kanta Prof, eh nakakahiya naman po. Pwede bang iba nalang?hehe"

"Huwag ka ng tumanggi at ang laki ng atraso mo sakin nitong mga nakaraang araw. Ililista ko na yong pangalan mo. Eh may ilang araw pa naman bago yong foundation day kaya kaya mo pang imaster yan. " Luuuuuhhhh!Seryoso talaga tong lokong ito. >.< Hindi kasi ako sanay na kumakanta sa harap ng madaming tao eh, nauuna yong piyok at pawis ko hahaha!

When Mr. Suplado meets Ms. Popular at the wrong time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon