Chapter 1

5.7K 141 14
                                    

Bigat na bigat na si Alden sa buhat buhat nyang bayong at basket na punong puno ng pinamalengke nila ng nanay Pia nya. Dati rati naman ay hindi ganito karami ang pinapalengke nila kaya nagtataka tuloy sya kung anong meron.

"Nay, bakit andami po nating pinamalengke ngayon?" Singhal ni Alden habang nakasunod sa nanay nya na nagtitingin ng sariwang isda sa palengke.

"Naku pasensya ka na anak, madami talaga tayo papalengkehin ngayon. May bisita kasi sa mansion ngayon eh." At nagpatuloy sa pagtingin ng bibilhin si aling Pia. Sya kasi ang kusinera at tagapalengke ng Pamilya Mendoza, ang isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas.

"Sino po nay? Mukhang madaming handa e. pwede po ba akong sumama sa inyo sa Mansion mamaya?" Pangungulit ni Alden.

Madalas kasi siya isama ng nanay nya sa pamamalengke at lalo na pag magluluto sa Mansion, The best yata ang luto ng nanay nya at sya naman ang the best na alalay. Malapit na din kasi sila sa buong pamilya lalo na at ang matandang mag asawa nalang ang nakatira doon, si Senyor Adolfo at Senyora Nidora.

"Darating daw yong anak ni Senyora e, Si Ma'am Ruby at yong isang apo nya. Matagal kasing hindi umuwi yong anak nila Senyora, ngayon ko lang din makikilala pati yong apo nila. " Sagot naman ni aling Pia.

Tinignan nya ang basket na laman ng mga pinamalengke nila ni Alden at ng masigurado nitong kompleto na ang mga sangkap ng mga lulutuin nya para sa malaking salo salo mamayang hapunan e inaya na nya ang anak na bumalik sa mansion.

Nakasakay sa tricycle ang magina. Nakangiti si Alden habang natatanaw ang kabuuan ng malawak na lupain at hacienda ng mga Mendoza. Dito sya lumaki at nagkaisip. Pag aari kasi ng mga Mendoza ang lupang kinatatayuan ng bahay nila ng pamilya nya at napakabuti ng mga ito sakanila. Labintatlong taong gulang na si Alden, nagbibinata na pero mas gusto nyang tulungan ang nanay nito sa trabaho sa Mansion kesa makipaglaro sa mga bata, ganyan nya kamahal ang nanay nya.

"Nay balang araw magtatrabaho din po ako sa hacienda. " Nakangiting sabi ni alden habang nakatingin pa din sa bungad ng Hacienda.

Napatingin sakanya si Aling Pia at napangiti rin sa sinabi ng anak. Sobrang proud sya na napalaki nya ng maayos ang anak kahit mag isa lang nya, kahit wala ang ama nito. Sapat na sakanya ang anak nya na syang kaisa isang yaman nya.

Dumiretso na ang mag ina sa kusina at nagsimula ng maghanda para sa malaking salo salo mamayang gabi. Inayos na ni alden ang mga pinamalengke nila ng nanay nya at pagkatapos ay lumabas na para maglaro at maglibot libot sa hacienda. Wala rin naman sya maitutulong sa pagluluto.

Naisip nyang dalawin si Brownie sa likod ng mansion, sya kasi ang lagi nyang nakakalaro simula noong bata pa sya. Tumakbo ito papunta sa likod bahay kung saan narinig nyang kumakahol si Brownie. Nakita nya ang isang batang babae na nasa taas ng puno na tinatahulan ni Brownie.

"Brownie! Bad yan! Tumigil ka na. " Hinila ni Alden si Brownie palayo sa may puno kung saan nasa taas nito ang batang babae at itinali sa kabilang puno. Binalikan nya yong babae na iyak pa din ng iyak sa may taas ng puno.

"Bata..bata..tahan na, nasa malayo na si brownie. Lika na." Tumingala sya sa taas at iniaabot ang kamay sa batang babae.

"huhuhu ayoko, natatakot ako. " Nakahawak ng mahigpit ang batang babae sa sanga ng puno at iyak pa din ng iyak.

"Wag ka ng matakot, andito naman ako oh. Di kita hahayaang saktan ni Brownie. Lika na. " Ngumiti si Alden at inaabot pa din ang kamay ng batang babae na noon nama'y tumigil na kakaiyak. Pinunasan ng batang babae ang luha nya sa pisngi at bahagyang ngumiti sabay abot sa kamay ni Alden at unti unti ng bumaba.

"Sabi ko naman sayo hindi kita pababayaan eh. "Nginitian nya ito hanggang lumabas ang dimples nya habang hawak hawak pa din nya ang kamay nung batang babae, ngumiti din naman ito pero bigla nalang tumakbo papasok ng mansion ng marinig na naman ang tahol ni Brownie.

"Panira ka talaga brownie, kagatin kita dyan eh!" Singhal naman ni Alden habang naglakad palapit dito para makipaglaro.

Naging busy si aling Pia sa paghahanda sa mga pagkain sa malaking salo salo mamayang hapunan samantalang si Alden ay nasa labas at nakahiga sa taas ng puno na katabi ni Brownie.

Habang sa may Veranda naman ay nagmumuni muni ang batang babae, minamasdaan ang lawak ng lupain ng Lolo at Lola nya na ngayon lang din nya nakilala. Natanaw nya sa di kalayuan ang asong humabol sakanya, nainis ulit sya ng maalala ang paghabol nito sakanya pero sa di kalayuan nakita din nya yong batang lalaki na nagpaalis sa aso at tumulong sakanya sa pagbaba ng puno. Nakahiga ito sa taas ng puno at animo'y natutulog. Napangiti sya. Hindi man lang sya nakapagpasalamat at hindi man lang nya nakuha ang pangalan nung batang lalaki. Naisip nya siguro naman ay dadalo ito sa salo salo mamayang hapunan dahil mukhang pamilyar na ang bata sa Mansion ng Lolo at Lola nya at malapit ito sa alaga nilang aso.

Bumukas ang pintuan ng kwarto nya, " Senyorita Maine, pinapatawag po kayo ng mama nyo sa baba. " pumasok ang isa sa mga katulong nila.

"Sige po, susunod na din ako. " Nilingon nya yong katulong at ng makita nyang lumabas na ito ng kwarto at muli nyang nilingon yong batang lalaki, ngumiti ulit ito.

Mukhang magiging masaya ang bakasyon ko dito, naisip nya at saka na ito bumaba.

Alas sais noon at pinagbihis talaga ni Aling Pia si Alden dahil maging mga kasambahay, katulong, kusinera, hardinero, katiwala at mga nagtratrabaho sa Hacienda ay kasama sa malaking salo salo na magaganap sa Mansion. Pumustura si Alden sa harap ng salamin at inayos ang kwelyo ng polo nya, tumingin ito sa salamin at saka ngumiti, lumitaw ang dimples nya at ang pagiging gwapo nito sa bihis nya.

"Nay! Pogi na ba ako?" Biglang tanong nit okay Aling Pia na noon nama'y natigilan at napangiti habang minamasdan ang binata nya.

"Oo naman, naku ang pogi pogi talaga ng baby ko!" At inamoy amoy sya ni aling pia at saka niyakap yakap.

"Nay naman eh, hindi na ako baby! Binata na po ako!" Mamula mula namang napakamot ng ulo si Alden.

Natawa nalang si aling Pia sa itsura ng anak nya, binata na nga ito. Ilang taon pa'y magkakagirlfriend na din ito at mag aasawa. At pag nangyari yon maiiwan na naman syang mag isa, gaya ng ginawa sakanila ng tatay nya na pinagpalit sila sa ibang babae na mas bata at mas mayaman. Kumirot ulit ang puso nya ng maalala ang ginawa ng lalaking minahal nya ng sobra pero hindi na ito importante, ang mahalaga ngayon ay andyan ang anak nya na nagbibigay ng lakas at saya sakanya para magpatuloy sa buhay.

"Oh sya tara na anak at iaayos at ihahanda pa namin yong mga pagkain na niluto ko kanina. Basta tatandaan mo ah doon ka lang sa umupo sa tabi at magbebehave ka ha. " Tumango naman si Alden. Excited ulit itong makita ang batang babae na niligtas nya kanina. :3





----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I hope you like chapter 1 haha! wala pang kilig kilig dito ha, mga bata pa sila eh but i promise sa succeeding chapters i'll make sure mapupuno ito ang forever at kilig. Thank you for reading! Please leave your comments :)

When Mr. Suplado meets Ms. Popular at the wrong time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon