Chapter 13

1.7K 80 56
                                    

Paolo's POV

"Babe, nakita mo na ba si Alden? Asan na ba yong hinayupak na yon?" Inis kong tanong sa girlfriend ko habang kausap siya sa phone. Schoolmates kasi sila ni Alden kaya usually sila ang pinupuntahan ko sa school nila. Magdidinner kasi kami sa labas at alam kong kanina pa natapos ang klase nya.

"Wala babe! I've been looking everywhere for him! Nakipagtanan naman na yata yong bestfriend mong yon. " Medyo humahigh pitch na ang boses ng babe ko, senyales na ito na umiinit na ulo nya. Ano ba naman Alden, ngayon mo pa naisipang makipagtanan!

"Pakibalikan naman siya sa main gate babe, baka andoon na yon. Thank you. I love you. Mwuah mwuah tsup tsup!" hehe kinikilig ako bakit kasi! Eh kay Miel lang ako tumino eh ^________^

"Oo na. I love you too.. mwuah mwuah tsup tsup. " Tapos narinig ko yong impit na tawa nya hehe :3 ang serep keyeng meenleve, itry nye kese mensen. XD

Ilang minute pa ay nagtxt na si Miel na kasama na niya si Alden, pinuntahan ko sila sa main gate at nakita ko ngang may pasa sa mukha at bondage sa kamay si Alden

"What the! Anong nangyari sayo???" Dali dali ko siyang nilapitan para tignan lagay nya.

"Napatrouble lang. May babae kasing binabastos kanina, tinulungan ko lang. " habang sapo sapo nito ang kanang kamay nya na may bandage. Naloko na. Chicks siguro yong babae kaya nirisk nyang ang kagwapuhan nya para iligtas yong babae. Yan ang bestfriend ko!

"Maganda ba???hehe eh nakuha mo ba naman yong name at number nung chick???"Panunukso ko sakanya e kasi naman hindi yan napapatrouble unless may mas malalim na dahilan.

"Tantanan mo nga yang kaibigan mo, wag mo ngang magaya gaya yan sayo na pati poste basta nakadress o palda e papatulan mo!" Napahalukipkip nalang at taas kilay si Miel, alam nya kasi kung gaano ako kaplayboy dati pero nagtino naman na kasi ako. Tumahimik nalang ako at baka world war 10 na naman ito mamaya. -__________-

At pinagtawanan talaga ako ng mokong na to, sana magkagirlfriend ka na din ng maranasan mo ang dinaranas ko sa kamay ni kumander. >.<

"Siya yong nakwento ko sayong nakabangga sakin na tinarayan ako nung first day of classes. " Sagot naman nito, teka, malapad ang ngiti niya isama mo pa yong nakalitaw na dimples nya? Ibig ba sabihin nito e nagkakamabutihan na sila nung mataray na babaeng yon?

"Ahhh..yong mataray na maladiyosa ba ang ganda? Sabi na eh, hindi mo ipapahamak ang sarili mo kung hindi mo gusto yong babae. Aba naman, magandang senyales yan. Nakuha mo ba pangalan nya?" Nacurious naman ako at may iba ng nagpapangiti sa bestfriend ko.

"Nicomaine, nicomaine ang pangalan nya. " Anak ng tinapa na sinawsaw sa kamatis na may patis! Huwag mong sabihin na Nicomaine as in Nicomaine na pinsan ko??? Nagkandaleche leche na. Magkakagusto ka na nga lang ulit e sakanya ka na naman nagkagusto. Paulit ulit lang? Hindi ka na ba natuto? Sabagay hindi mo pala alam na siya yon hehe XD

"Ah ok! Change topic hehe gutom na ako. Tara na!" Sabay aya ko sakanila. Naku Pao, lagot! Tadhana na ang gumawa ng paraan. -_____-

Alden's POV

On the way kami ngayon ni Pao sa tambayan nilang Bar. Magpapainom daw at kakatapos ng anniversary nila ni Miel. Mantakin mo ba namang magtino na ang babaerong ito. Buti nga at nakilala niya si Miel na nakapagpatino sakanya, Nakakatakot naman kasi yong girlfriend nya, nanggugulpi talaga haha! Pero it's a good thing, ng tuluyan ng magtino tong bestfriend ko.

Pumasok kami sa bar at pumunta sa pinareserve naming VIP table. Medyo matagal na din ako dito sa manila pero hindi pa ako nasasanay sa mga ganitong lugar, masyado kasing maingay, mausok at magulo. Nadaanan namin yong mga girls na kakilala ni Paolo, mga kasamahang model ni Miel at nakita ko na naman yong Jenna na nasupladuhan ko nung una kong punta dito, kung mamalasin ka nga naman oh.

When Mr. Suplado meets Ms. Popular at the wrong time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon