Chapter 4

2.2K 88 20
                                    

MAINE'S POINT OF VIEW

Mabilis lumipas ang mga araw at lalo kong nakilala ang pamilya na kinalakihan ni Mommy. Napakabait at mapagmahal ni Granny at Grandpa, simula noong unang araw na dumating kami ni mommy, kahit may mga katulong at tagasilbi ay pinagsisilbihan pa din nila kami at inaasikaso kaya lalo silang napalapit at napamahal sakin. Pinakita nila ang mga pictures noon ni mommy, na talaga namang kahawig na kahawig ko noong bata pa sya at ginawa na nilang kwarto ko ang kwarto dati na mommy. At home na at home talaga ako dito sa Mansion, ibang iba sa buhay namin sa Maynila.

Hindi nagtagal e napamahal na din sakin ang Hacienda lalo pa't kasama ko ang pinsan kong si Paopao at ang bestfriend nya at bago kong kaibigan na si Hawhaw. Ang laki lang ang pasasalamat ko dahil nung araw na dumating kami sa Mansion ay andoon din sya para iligtas ako kay Brownie. Halos araw araw syang nasa Mansion at sinasamahan si aling Pia. Pagkatapos nyang tulungan ang nanay nya sa mga gawain sa Mansion at nakikipaglaro naman siya samin ni Paopao. Araw araw pa siyang may dalang Mikmik at mga prutas na bagong pitas galing sa hacienda, na naging paborito ko na din sa katagalan. Napakabait at thoughtful nya, ni minsan hindi ko sya narinig na nagreklamo o nagmaktol. Araw araw nya kaming inililibot sa malawak na garden ng Mansion at ipinasyal nya kami sa buong hacienda. Nakakatuwa nga e kasi tinuruan nya akong sumakay sa kabayo para daw mas mabilis naming malibot ang buong hacienda. Ipinakilala nya ako sa lahat ng nagtratrabaho sa hacienda na totoo naman napakababait at maalaga.

Tinuruan din nya akong umakyat ng puno ng mangga at bayabas. hindi talaga ako marunong umaakyat pero napakamapilit nya.

"Hawhaw! Ang taas na nito oh huhu natatakot na ako!" Nakayakap lang ako sa malaking sanga ng puno ng mangga. May nadaanan kasi kami minsan nung nanggaling kami sa niyogan na puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga at nagpasya kaming manguha para may pasalubong kami kina lolo at lola.

"Huwag kang matakot Mikmik, wag kang titingin sa baba at kumapit ka lang ng mahigpit sa malalaking sanga ng puno." Habang nakatingala sya sa akin at nagthuthumbs up. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapatingin sa baba dahil nakakalula na din ang taas ng inakyat ko, ano ba naman tong pinaggagawa ko, kababae kong tao eh. T______T

"eehhhh! Nakakakula eh. Tumatawa ka pa dyan! Paano kong mahulog ako ha?! >.< " naiinis na din ako dahil maliban sa takot na takot ako dito na nakakapit sa sanga e parang tinatawanan pa nya ako.

"Syempre hindi naman ako papayag na masaktan ka noh! Kung wala kang makapitan at mahulog ka, sasaluhin kita. " Bigla syang nagseryoso, ngumiti at kinindatan ako, isama mo pa yong litaw na litaw na dimples nya sa pisngi. Mahuhulog na nga yata ako, I mean literal ha, kasi dumudulas na ang kapit ko sa sanga at hindi inaasahang nabali nga ito. Napasigaw nalang ako dahil hindi ko na din namalayan ang mga sumunod na nagyari pagkatapos noon.

Noong buksan ko ang mga mata ko ay nasa ibabaw na ako ni Alden na noon nama'y nakasalampak na sa lupa at pinipilit na bumangon para tignan kung okay ako. Hindi ako nasaktan pero mukhang sya naman itong napuruhan.

"Mikmik! Okay ka lang? May masakit ba sayo?!" Niyugyog nya ako at tinignan ang mga kamay at tuhod ko kung may galos o kung may nabali. Hindi ako makapagsalita. Nagulat ako sa mga nangyari. Nahulog nga ako pero hindi nya talaga hinayaang masaktan ako. Andito ngayon sya at sinalo ako. Parang biglang tumigil ang oras at nakatitig nalang ako sa alalang alalang mukha ni Alden. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, parang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi, paano ba naman ang init na ng pakiramdam ko.

Niyuyog pa din nya ako, "Mikmik! Mikmik! Ano??? Okay ka lang???" at saka ako natauhan ng niyugyog nya ako ulit.

"Ah, eh o-oo okay lang ako! Ano ka ba! Strong ako noh!" Bigla akong bumangon, pinagpag ang suot kong damit at tumalikod na sakanya. Ano ba naman to Maine. Ang clumsy mo. Anong nangyayari sayo.

Bumangon na din sya at lumapit ulit sakin, "Pasensya ka na ha, kung hindi kita pinilit hindi mangyayari ito. Sorry talaga. "Nung lingunin ko sya e punong puno pa din ng pag aalala ang mukha nya. Naguilty naman ako.

"Okay lang hawhaw! Thank you sa pagsalo sakin. " Napangiti nalang ako ng hindi ko namamalayan.

"haha wala yon! Kasinlakas yata ako ni Superman kaya kayang kaya kita saluhin. " Itinaas nya ang dalawang braso nya at ipinakita ang muscles nya saka ako kinindatan? Kindat talaga yon na may kasamang pakita ng dimples?!Naku Hawhaw tigil tigilan mo pagpapacute sakin at mga bata pa tayo! >.<

Doon nagsimula ang lahat. Hindi ko alam pero bago itong nararamdaman ko. Ito siguro yong tinatawag na CRUSH. Oo crush ko si Hawhaw. Magtataka naman ako kung hindi ko sya magustuhan diba? Masaya ako sa nararamdaman ko lalo na at magkaibigan kami. Ngayon lang din ako nagkaroon ng kaibigang lalaki na trinatrato ka na parang prinsesa.

Andito ako sa balkonahe, nagpapahangin. Maya't maya at may naririnig akong tunog ng guitar at kasunod nun ay narinig kong may kumakanta. Lumapit ako sa gilid ng veranda para mahanap kung saan yon nagmumula at nakita ko nga si Alden na nasa Garden, nakasalampak sa damuhan at may hawak na guitar. Siya pala yong kumakanta. Ano ba naman ito. :'3

Dali dali akong lumabas ng kwarto, dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng merienda bago dumiretso ng garden. Ano ito kunyari dadalhan ko sya ng merienda para lang mapakinggang kumanta? Baliw ka talaga Maine! Napansin nya yata akong papalapit kaya bigla nyang itinigil ang paglaro sa guitar nya at saka sya ngumiti at nginusuan ako. Aba aba, problema ba ng tao!

"Oh dinalhan kita ng merienda at mukhang namamaos ka na kakakanta hehe " Okay Maine ang ganda talaga ng palusot mo.

" bakit nabingi ka na ba sa pangit na boses ko???" sumimangot ito at akmang aalis na. Hala napikon?

"Ikaw naman hindi na mabiro, ang ganda nga nung tinutugtog mo e, lalo pa gumanda nung kumanta ka. " Depensa ko naman, kasi totoo namang maganda yong kinakanta nya lalo na boses nya. "Ayiiiieeehhh ngingiti na yan. Hawhaw ngiti na. "

Inilapag ko sa damuhan yong tray ng pagkain saka ko kinurot ang magkabilang pisngi nya at akmang pangingitiin. Sya na ang nagtatampo diba? Humarap naman ito at ngumiti, isama mo pa yong dimples nya. Nakakaloko pala ang crush na ito!

"Oo na nga. Hhmmmm lika dito tabihan mo ako. Tinatapos ko kasi itong ginagawa kong kanta eh. " Hinila naman nya ako sa tabi nya, at saka pinakita at binigay sakin yong kapiraso ng papel na may lyrics. Kinuha nya ulit yong guitara nya at nagsimula na namang tumugtog. Napangiti nalang ako sa ganda ng pagkakatugtog nya nung kanta, magaling nga talaga syang magguitara e paano kaya ang boses nya, maganda ba naman kaya???

At ang tanong na ito ay nasagot nung magsimula na syang kumanta.

" Minsan oo, minsan hindi.

Minsan tama, minsan mali.

Umaabante, umaatras.

Kilos mong namimintas.

Kung tunay nga ang pag ibig mo,

kaya mo bang isigaw, iparating sa mundo.

Tumingin sa aking mata, magtapat ng nadarama.

Di gustong ika'y mawala dahil handa akong ibigin ka.

Kung maging tayo, sayo lang ang puso ko. "

Hindi ko na namalayang napapikit na pala ako sa ganda ng kanta at boses nya. At ng buksan ko na ang mga mata ko, nakatitig na sya sakin. Dubdub, dubdub, dubdub, dubdub. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Teka, para kanino kaya yong kanta nya???

When Mr. Suplado meets Ms. Popular at the wrong time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon