Chapter 2

3.2K 124 14
                                    

Nakaupo si Alden sa malaking Sofa sa living room ng Mansion, nalula sya sa dami ng mga bisita na pumunta sa Mansion. Iginala nya ang paningin sa paligid, mukhang puro mayayaman ang mga kamag anak at malapit na kaibigan ng mga Mendoza. Hindi na rin nakapagtataka, paano'y napakabuti ng dalawang matanda, idagdag mo pa na ngayon lang din umuwi ang kaisa isang anak nilang babae kasama ang apo nila. Pilit nyang hinanap ang matalik nyang kaibigan sa kumpol ng mga tao na nagkukwentuhan at nagpapayabangan ng mga narating nila sa buhay. Ganito ba talaga ang ibang mayayaman? – naisip nya. Buti nalang at hindi ganito ang pamilyang pinagsisilbihan nila ng nanay nya.

"Hawhaw!" Narinig nyang umalingawngaw ang pangalan na itinatawag sakanya ng bestfriend nyang si Paolo. Napalingon sya sa may magarang hagdan at nakita nga nya ito.Tumakbo palapit sakanya si paolo na may dala dalang malalaking mga supot. Isang malutong na apir ang ibinigay nila sa isa't isa.

"Paopao! Akala ko hindi ka na uuwi eh. Ang tagal mong hindi nagpakita sakin. Hmp! " Inakbayan nya ang kaibigan at natawa naman tong isa sa itsura ng nagmamaktol na kaibigan.

"Sorry Hawhaw busy kasi sina daddy eh kaya wala silang time umuwi dito. Wag ka na magtampo, may pasalubong ako sayo oh! " Ibinigay ni Paolo ang mga dala nya sa kaibigan na sabik naming inabot ni Alden. Sinilip nya ang laman ng mga supot at tuwang tuwa sya dahil mga chocolates, mga damit, pantalon at sapatos ang laman nito.

"Isinama ko na din yong ibang damit, pantalon at sapatos na hindi ko na ginagamit. Mga bago pa yan kaya pwede mo gamitin pangschool at saka hindi ko nakalimutan yong paborito mong chocolates. " Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang bestfriend nyang sobrang saya sa mga pasalubong nya.

"Ano ka ba , andami nito! Thank you Paopao! Matutuwa nito si nanay. " pasasalamat nito sa kaibigan.

Nagkwentuhan ang dalawa ng mga ginagawa nila sa school at tuwing walang pasok.Tuwang tuwa si Alden habang nakikinig ng mga kwento ni Pao tungkol sa school at bahay nila sa Maynila. Noon pa man ay gustong gusto na din ni alden ang makarating ng Maynila para makapasyal at mag aral pero dahil nga sa hirap ng buhay e hindi sya makakapag aral doon. Nagkwentuhan ang dalawa hanggang mapukaw ang atensyon nila ng magsalita na si Senyor Adolfo na may hawak na microphone.

"Good evening Ladies and Gentlemen. Thank you for coming tonight. Ikinagagalak kong ibalita sa inyo na pagkatapos ng madaming taon na hindi namin nakapiling at nakasama ang kaisa isa naming anak na babae ay umuwi na sya. Isang masayang pamilya na ulit kami at nadagdagan pa dahil kasama nya ang kanyang kaisa isang anak, ang apo kong babae. Ladies and Gentlemen, it is my honour to introduce my Lovely Daughter Ruby Mendoza and my Beautiful Apo, Maine Mendoza!" Habang nakangiting ipinakilala ni Senyor Adolfo ang anak at apo nya.

At mula sa engrandeng handan ng Mansion ay bumaba ang anak nila na si Ruby, nakasuot ito ng pulang gown na hanggang tuhod at sa tabi nya ay ang anak nyang si Maine, nakasuot ito ng simpleng sky blue na gown below the knee, lumitaw ang pagiging simple at maganda ng mag ina. Si paolo naman ay pumalakpak ng malakas ng makita nito ang Tita Ruby nya at ang pinsan nyang si Maine. Magkapatid ang Daddy ni Paolo at ang mommy ni Maine. Ang papa ni Paolo ang panganay na anak nina Senyor Adolfo at Senyora Nidora at ang Tita Ruby naman nya ang kaisa isang anak na babae nila.

"Ang ganda ng pinsan ko noh?" binangga niya ang balikat ni Alden para mapansin ang sinabi nya. Nang hindi ito sumagot ay nilingon nya ito. Nakanganga na nakatitig si Alden sa pinsan nya, na animo'y papasukin na ng langaw ang bibig nito at walang kakurap kurap na nakapako ang mga tingin kay Maine.

"Hawhaw! Hoy! Kurap kurap din pag may time haha! Anong nangyari sayo??" Siniko ni Paolo si Alden na parang wala pa din sa sarili.

"Ha? Ah e siya kasi yong batang babae na nakita ko kanina eh. Hinabol kasi siya ni Brownie kanina tapos nakita ko nalang na umiiyak sya na nasa taas ng puno kaya pinaalis ko si Brownie at tinulungan ko syang bumaba. " Paliwanag ni alden na nakapako pa din ang tingin kay Maine.

Habang nagpapalakpakan ang lahat sa pagbaba ng mag ina sa hagdan ay hinila ni Paolo si Alden palapit sa kay Maine. Hindi sila napansin noong una pero noong tinulak na sya ni Paolo sa harap niya ay saka ito napatigil at tumingin kay Alden. Napansin naman ito ni Senyora Nidora.

"Paolo doon na muna kayo maglaro apo. " Habang inaaya nya ang dalawang bata palayo pero pinigilan sya ni Maine.

"Ikaw yong nagligtas sakin kanina. Thank you ha. Kung hindi dahil sayo baka nakagat na ako ni Brownie." Nakangiti si Maine na nagpasalamat kay Alden habang ito naman ay napayuko nalang, namumula pa na napakamot nalang sa batok. Narinig naman ito nina Ruby at Senyora Nidora na noo'y nasa tabi lang nila.

"Naku hijo salamat sa pagligtas mo sa anak ko ha. Kung hindi dahil sayo e baka nakagat na sya ng aso." Lumapit si Ruby kay Alden at niyakap ito bilang tanda ng pagpapasalamat.

"Mabait talaga ang batang yan, anak pala siya ni Pia. Yong kasama namin dito sa bahay na masarap magluto. "Papuri at pagmamalaki ni Senyora Nidora. "Salamat ulit hijo." Binaling naman ang tingin kay Alden at tumango ito tanda ng pasasalamat.

"Wala pong anuman Ma'am Ruby, Senyora Nidora. Ginawa ko lang po ang dapat. " Nakayuko pa din ito na napapakamot sa kanyang batok.

Masaya ang naging salo salo ng lahat lalo na sa pagdating nina Ruby at Maine sa tahanan na pansamantalang mananatili muna sa Mansion. Natuwa naman si Alden dahil magbabakasyon din si Paolo sa Mansion, madalas na naman silang maglalaro at maglilibot sa buong Hacienda at isama mo pang nakilala na nya yong batang babae na niligtas nya. Abala si aling Pia sa pag aasikaso ng mga bisita kaya lumabas na muna sa may balkonahe si Alden para pagmasdan ang kalangitan. Ito kasi ang kinahiligan nilang mag ina, ang mag stargazing at hulaan ang pangalan ng mga constellation. Itinuro nya ang langit at sinimulang bumuo ng mga imahe mula sa mga bituin sa kalangitan.

"Yon ang Andromeda, isa siya sa pinakamaliwanag na constellation sa Northern Hemisphere. "

Nilingon ni Alden ang nagsalita sa likuran nya at nakita nya yong batang babae na niligtas nya.

"Hawhaw ba pangalan mo? Narinig ko kasi si Paolo kanina e. Salamat ulit Hawhaw ha?" Inabot ni Maine ang kamay nya para makipagkamay. Natawa naman si Alden sa sinabi nya.

"Alden ang pangalan ko at hawhaw lang itinatawag sakin ng bestfriend kong si Paopao, yong pinsan mo hehe ^___^ " Inabot naman nito ang kamay nya.

"Hawhaw?hehe parang hawhaw de carabao de battuten?hehe Ako nga pala si Maine, mikmik naman ang tawag sakin ni Paopao. " Natatawang sagot ni Maine kay Alden.

"Mikmik? Parang yong powdered milk na nilalagyan ng straw na pagkain? Favorite ko yon eh haha! Mikmik mula ngayon friends na tayo ha?" hawak hawak pa din ni Alden ang kamay nito.

Ngumiti naman ang dalaga at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Alden. " Oo naman hawhaw, friends na tayo. " <3

Nagkwentuhan sa labas ang dalawa hanggang matapos ang salo salo at magsi uwian na ang mga bisita nila. Madami silang napagkwentuhan at lalo nilang kinilala ang isa't isa. Si Maine ay 12 years old samantalang si Alden ay 13 years old na, parehas na maghihighschool na ang dalawa. Sinimulan nila mula sa pinakagusto hanggang sa pinakaayaw nila hanggang mapagkwentuhan na nila ang mga kalokohan nila. Madaling napanatag ang loob nila sa isa't isa.

"Mikmik uwi na kami ni nanay ha, hayaan mo pupunta ako ulit dito bukas at ipapasyal kita sa buong Hacienda. Dadalhan din kita nung paborito kong mikmik hehe! "

Masayang umuwi si Alden, nakahanap na naman sya ng isang kaibigan. Isang maganda at mabait na kaibigan. <3

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi guys, sana nagustuhan nyo ang chapter 2! may konting kilig na hehe Enjoy Reading! Please leave your comments :)

When Mr. Suplado meets Ms. Popular at the wrong time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon