Chapter 10 : The War

Start from the beginning
                                    

Alec POV:

Naipon na ang mga kasamahan ko at kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa nasabing usapan namin ni Mervin.

Mga sampung katao akong isinama at pawang bihasa na sa larangan ng basag ulo pero yong bagong miyembro ay hindi ko isinama.

Sa lahat siguro ng grupo eh yong grupo namin ang hindi gumagamit ng mga patalim at mga bakal kundi baseball bat lamang.

Kahit na isa kaming gangster hindi  naman kami yong tipong  kapag may napagtripan titirahin kumbaga kapag  inaapi o may gulong napasukan ang miyembro namin doon na kami kumikilos.

Pumasok kami sa isang lumang building kung saan ay limang taon na simula ng nasunog at wala ng natira kundi mga alikabok at sirang mga gamit may mga damo na rin ito at sira na rin ang bobong.

Pagpasok namin sa loob natanaw ko na ang grupo ng black tiger sa hula ko mga 20 katao sila.

Nakangiti ng  matalim ang leader ng black tiger sa akin,at nakita ko rin ang mga bakal o di kaya baseball bat  silang hawak.

Patigasan ng tingin ang pinukol namin sa isa’t isa.

Papalapit na kami sa kanila.

“10 minutes ka ng late akala ko hindi kana pupunta at nabahag na yang buntot mo at tumakbo sa palda ng nanay mo”panimula ni Mervin sabay tawanan ng mga kasama  niya.

“bakit may punishment ba kapag na late, sana sinabi mo para mas inagahan ko pa anong gusto mo mag log in pa ako sa late policy mo”sarkastikong kong pananalita sa kanya napangiti naman ang mga tauhan ko.

“ no need na dahil ito na ang huling grupong makakaharap mo,siya nga pala minamaliit mo ba talaga kami o sadyang wala ka ng tauhan at sampung tao lang ang kasama mo”tawanan na naman sila.

“bakit kailangan ko pa ng maraming tao ,kung alam ko naman na mahina ang grupo mo baka nakalimutan mo ,matagal na ako sa larong ito at alam ko ang ginagawa ko”nakisang ayon naman ang mga kasamahan ko sa sinabi ko.

Napangiti siya ng pilit.

“mukhang nagkakamali ka sa dami ng hawak namin mukhang sa lakas palang talo na kayo”tawanan ulit sila.

Sinusubukan talaga nila ang pasensya ko.

“diyan masusukat ang isang totoong gangster,kung yang hawak ang panlaban niyo pinapahalata niyo lang ang kaduwagan ng grupo niyo kahit wala kaming dalang bakal at patalim o di kaya baseball bat kaya namin kayo kahit kamao lang ,men itapon yang mga baseball bat na hawak niyo” sumunod naman ang mga kasamahan ko at nilagay sa tabi ang dalang baseball bat.

Nakita ko naman ang pagbago ng reaction niya.

“hinahamon mo ba ako”sabay lapit niya sa akin at pagbitaw ng hawak niyang baseball bat.

Kaya napangiti ako.

“kayo, itapon niyo na ang mga hawak niyo tingnan natin ang kayabangan ng isang to”sabay2x naman nilang itinapon ang hawak na dala ng kasamahan niya.

“good,”sabi ko with matching astig.

Paglingon ko napansin kong iginalaw na niya ang kamao niya at susuntukin ako.

Buti nalang nakailag ako at doon na nagsigalaw ang mga tauhan namin.

“ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh”

A/N: Nagsimula na ang bakbakan ng dalawang grupo suntok doon suntok dito,sipa doon sipa dito .

Kapwa nagpapalitan ng suntok ang bawat isa pero mahahalata mo talaga na mas bihasa ang grupo  ng Blue Dragon kaysa Black Tiger.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now