bigla namang nagulat si Ana sa sinabi niya "airport? bakit?"

"may tour. thanks giving ng Ina,Kapatid,Anak"

"A....akala ko naman kung anu. akala ko magbabakasyon si Maja ng hindi siya kasama"

natawa naman siya sa pagkakabakla ng boses ni Ana ng sinabi ito 

"yung alaga mo?" tanong niya 

"ayun. knock out!!" 

"anu bang nangyari diyan?" tinapunan niya ng tingin si Sarah na nakaupo't himbing na himbing ang pagkakatulog sa loob ng van 

"ewan ko ba diyan" naiinis na sagot ni Ana. sandaling tinignan nito ang alaga at muling tumingin sa kanya. napailing iling na lang si Ana "wala namang trabaho yan kahapon"

"e bat ganyan? parang nasapak ni Undertaker"

pareho nilang muling tinignan si Sarah. tulog na tulog pa rin ito sa likod. kanina nga, ng sumakay ito sa loob ng van, ilang sandali lang ay nakatulog na ito agad. hindi na nga nito naisarado pa ang pinto ng van

~~o~~o~~

yakap yakap pa rin niya ang nobyo. tila parang ayaw na niya itong bitawan

"hey? papatayin mo ba ko?" humahagikhik na tanong ni Gerald sa kanya. siya naman ay mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa nobyo

"sabi na e. mamimiss mo talaga ako e"

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon