20 // The Last Tears (WAKAS)

1K 27 0
                                    

TAHIMIK ang lahat sa isang katamtamang laki ng lamesa habang ang lahat ng atensiyon ay nakay Vincent. Ang bawat isa ay nagulat sa mga tinuran nito kanina. "Ano pakiulit mo nga! Ikaw ang tatay ng pinagbubuntis ni Jacque?" Gulat na tanong ni Crystal dito na hanggang ngayon ay nagsisimula ng uminit ang uli sa mas mataas na lebel.

"Yes I am! Ako talaga ang ama ng pinagbubuntis niya." Sabay tingin nito kay Jacque. Alas dos ng hapon ng ihanda nito ang sarili sa gagawin na pag amin. Daladala ang sarili at isang drum na lakas na loob ay nagpunta ito sa cafe ni Franco upang ipagtapat dito na siya ang ama ng pinagdadala ni Jacque. Kakagaling lamang niya ng Davao. Dun kasi siya iniwan ng dalaga pagkatapos nilang mag bakasyon ng halos isang linggo.

HIndi naman malaman ni Jacque ang kanyang gagawin. Nakahawak lamang ang kanyang dalawang kamay sa bibig nito na parang labis ang kahihiyan. Samahan pa iyan ng kapal na dami ng tao na nakikipag isyoso sa tila mini movie na ito.

"How dare you! Gusto mo ba talagang sirain ang future ko?" 

"Nope. Hindi ko to gustong sirain. Instead I'm giving you an option. Magtatapat kaba na akin yan? O ipagpapatuloy mo ang kasinungalingan mo?"

"Fuck that option." Nilapitan ni Jacque ang kinaroroonan ni Vincent at pinag susuntok niya ang dibdib nito. "Ang kapal ng mukha mong hanapin ako, pagkatapos mo kong iwan sa may Davao!" Sa nagsisimula ng umiyak.

"Ano? Sabi ko sayo na babalikan kita sa hotel natin. But you are the one who leave."

"Sinungaling!!!" Sabay suntok niya ulit sa dibdib nito. 

"Hindi ko kailangan na magsinungaling. Ikaw ang sinungaling. You ruined the life of some others couple. Saka isa pa, bakit? akala moba na hindi kita pananagutan?"

Nanahimik na si Jacque mula sa pagsusuntok niya sa dibdib nito. "I thought?"

"So you thought na hindi nga? Alam mong hindi ako ganun? Tumahimik lamang si Jacque mula sa mga bagong tinuran nito.

"See ang hirap kasi sayo eh pinapangunahan mo na yung mga bagay na hindi pa nangyayari."

Bigla namang sumingit si Jonathan sa kanilang pag uusap. "Teka teka? So ganun nalang yun. Mag papakatawaran kayo diyan habang ang best friend ko eh nasisira naman ang buhay sa mga drama ninyo?''

Tinignan naman ito ng dalawa. "Ahmm sige na mahal mag sorry ka sa mga pinag gagawa mo."

Tinignan naman niya si Vincent. "O sige." sagot niya. Sa halatang nagsisising boses ngunit ng hanapin na nila si Crystal ay wala na ito sa lugar. Nilibot nila ng tingin ang buong resturant ngunit kahit saan nila ibaling ang kanilang paningin ay hindi nila ito makita. Nagkatinginan din sila Franco at Jonathan. "Nasa siya?" Tanong ni Franco dito.

"Hindi ko alam."

Biglang tumakbo si Franco sa bukana ng nasabing resto. Talagang binilisan niya iyon. Siniksik ang kanyang balingkinitang katawan sa dami ng taong nakikiisyoso. "Crystal" Usal niya. Pagdating sa labas ay agad niyang tinignan ang paligid. Mga taong naglalakad sa harap ng restaurant, mga ibang vendors na nagtitinda sa iba pang booth na naroon, isang batang nakapasan sa itaas ng kanyang ama habang nakasuot ito ng bunny hut, at si crystal na pababa na ng hagdan."Crystal!!!!" Sigaw niya.

Pinuntahan niya si Crystal tungo sa eskelator ngunit huli na siya. Nakababa kaagad ito at kamalas malasan pa dahil maraming mga tao ang kasabay nito. "Crystal!" Hinabol niya ito hanggang sa  ibaba ng mall. Mula doon ay nakakuha na siya ng pagkakataon na mahuli ito. "Crystal wait!" Hinawakan niya ito sa kanan nitong braso. "Mag usap naman tayo ohh. Akala koba eh  okay na ang lahat?" 

Cream and Honey (Book 2) FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now