03 // V.I.P.

1.4K 29 4
                                    

ISANG tawag ang biglang gumising sa natutulog na diwa ni Mang Nestor. Mula sa kabilang linya ng kanyang telepono ay agad siyang tinawagan ng kanyang anak na si Crystal. Nangangailangan daw  ito ng tulong. "Anong tulong Nak. Nasugatan kaba? Napano ka?" Sunod sunod niyang tanong dito.

"Nako tay mahabang istorya. Basta eto po yung address puntahan ninyo po ako dito at magdala po kayo ng damit. Kahit sando po okey na."

Naguguluhan parin si Mang Nestor sa mga pinagsasabi ng kanyang anak. Unang una ay kung nadisgrasiya ba ito at bakit pa siya nito tinawagan? Sunod bakit kaya siya nito pinapagdala ng damit? Kinabig naman siya ni Aling Bessie na nagising narin. "Anong nangyari?" Usisang tanong nito habang papatayo sa kanilang higaan. "Yung anak mo tumawag, humihingi ng tulong." Kwento nito.

"Huh! Anong tulong? Bakit anong nangyari?" 

"Huminahon kalang mahal. Malalaman korin kung nandun nako." Sabay kuha ng damit ni Crystal sa drawer nito.

Nagtungo na kaagad si Mang Nestor sa sinabing address ng kanyang anak. Malayo palang siya sa lugar nito sakay ng hiniram niyang motorsiklo kay Mang Philip ay naaninag niya kaagad ang kanyang anak na nasa gilid ng tulay. Tila inis na inis at tulirong tuliro. 

Agad niyang hininto ang kanyang motorsiklo sa harapan nito. "O ano ng nangyari sayo? Muka ka namang normal?" Ika nito.

"Tay okey lang ho ako. Yung damit ko?" Sabay kalang ng kamay niya na parang nanllimos.

"O eto." Agad na binigay ni Mang Nestor ang damit niya. Tumalikod ito at hinayaan ang anak na magbihis. Pag talikod niya ay siya namang pagkakita nito kay Franco. Nagulat siya. "O anak sino naman to?" Sabay turo niya sa binata na nakahandusay sa may daan..

"Ewan ko po. Isang lasenggerong pakielamero!" Sa naiinis niyang sabi. "Nakuha panga niyang sukahan yung damit ko. Nakakagigil." Anas niya.

Ngayon ay malinaw na ang lahat sa isip niya. Kung bakit siya tinawagan nito at ano ang nais nitong tulong sa kanya. Agad nilang hinila si Franco sa magkabilang braso nito. Nilagay nila ang kanilang lakas sa kanilang mga bisig sabay dala kay Franco sa mamahaling oto nito. Nahumaling kaagad si Mang Nestor sa oto nito. Sa unang tingin lamang niya doon ay halatang mayaman ang naturang binata. Pagkatapos ay sinarado na nila ang pintuan ng sasakyan. Si Mang Nestor ang naatasang mag maneho ng oto ni Franco, Samantalang si Crystal naman ay minaneho ang sasakya na hiniram ni Mang Nestor na motorsiklo.

Pagdating nila sa may bahay ay todo pahirap parin. Sa oras kasi na dumating sila sa may bahay ay tila naalimpungatan si Loko. Nagwawala pa ito. Ang kanilang puno na nasa harapan ng kanilang bahay ay nagpakamalan pa nitong ama niya. Nag hehesterikal ito pag labas ng kotse. Nag e-english. "How dare you to come here!" Sa mataas nitong tono habang dinuduro ang puno. Nagugulumihanan naman sila. Pilit silang nag iisip kung pano nila ito mapapatahimik. Nasa likod lamang sila ni Franco nag aalalay.

"Tay pano to?" Bulong niya.

"Ewan ko." Sagot naman ng tatay niya. Nang hindi nila ito mapigilan ay si Aling Bessie na ang nag hanap ng solusyon. Kumuha ito ng kaldero at agad iyong pinukpok sa ulo nito. PONG! Isang malakas na kalatok sa ulo ang nakamtan niya. Kasabay nun ay ang tuluyan na nitong pagkatahimik dahil muli ay nakatulog ito.

Sabay sabay silang napatingin dito. Ultimo si Boging ay bigla ding nagising." Ate anong nangyayari diyan?

"Wala to umakyat kana sa taas." Ika ni Crystal.

Sa tulong nilang apat ay pinagtulungan nilang inangat ang mabigat na katawan ni Franco. Bawat hakbang sa kanilang kahoy na hagdanan ay talaga namang pahirap. Nag bibilang sila isa- dalawa- tatlo sabay buhat at hila sa bawat baytang. Pagdatig sa may itaas ay hiniga nila ito ng ayos. Nilatagan ng banig at hiniga doon. Nilagyang pa nila ito ng unan at kumot at tinutukan ng isang electric fan.

Cream and Honey (Book 2) FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now