12 // Surprise Date

852 18 10
                                    

NASAMID si Crystal habang iniinom niya ang kanyang mainit na kape. Bigla niya kasing naalala ang isang wirdo at sabihin na niyang nakakainis na imahe mula sa kanyang not so well na panaginip. Batay doon ay nakaupo siya sa isang Cafe habang nakalagay ang kanyang kamay sa kanyang harapan habang malakas ang ulan. Ang bawat pag tulo ng ulan ay dumadausdos sa glass window ng pinapanatilihan niyang cafe. 

Maganda ang buong Cafe. Kahit na first time niya lamang na nakita iyon ay parang matagal na niya iyong pinupuntahan. She fell like home lalo na nang tumunog ang bell ng pintuan nito. Napatingin siya doon, Isang lalaking basang basa sa ulan ang bigla na lamang pumasok. Nakahood ito at tumatagas pa sa dulo ng kanyang suot na hood ang iilang tubig na naipon dun. Pinagmasdan niya iyon habang pinupunasan nito ang kanyang damit at tinutupi ang dala dala nitong payong. Agad na man siyang nilapitan ng isang waitress. Inassist kaagad siya nito at kinuha pa ang kanyang payong. "Thank you." Sagot naman nito.

Pagkatapos nun ay ibinaling niya ulit ang kanyang tingin sa glass window ng Cafe. Malakas parin ang buhos ng ulan at nakakaenganyo iyong pagmasdan. "Honey. Pasensya na ahh! I'm late." Isang boses ang bila nalang nagwasak sa kanyang magandang pag wi-window reminisce at kung hindi siya nagkakamali ay pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang ulo at nakita niya ang mukha ni Franco at halos basang basa ang damit nito sa ulan.

"Hoyy! Ate. Yung kape mo lalamig." Sita ni Boging dito na naglalagay ngayon ng mantikilya sa pandesal. Agad naman niyang hinawakan sa katawan ng mug ng kanyang kape. Knowing na mainit pa iyon.

"Arayy!" Pagkapaso niya.

"Okay kalang ate?"

Hinipan niya ang kanyang kamay. Nilapat pa niya iyon sa ibabaw ng mantel ng lamesa para kahit papano ay malamigan iyon. "Oo naman okay lang ako."

HInipan din niya ang kanyang kape. Pagkatapos ay unti unti niyang pinaglaruan ng maliit na kutsara na naroon habang hinahalo halo niya iyon. Sa totoo niyan ay naguguluhan parin siya hanggang ngayon. Bakit ngaba niya napaginipan ang binatang yun kung labis ang galit na nararamdaman niya para dito. "Kainis!" Bulalas niya.

Dumating naman si Aling Bessie. Kagagaling lang nito sa palengke na halos punong puno ang dala nitong basket ng mga paninda nito. Binuksan na kasi ni Aling Bessie ang kanyang small business na karinderya sa palengke.

Tinulungan naman siya nila Crystal at Boging at agad siya nitong inalalayan sa dalawang mabigat na bayong.

"Salamat mga anak." Pagod na pagod si Bessie pagkaupo niya. Maaga pa itong nagising upang magpunta lamang sa palengke. kailangan niyang gawin iyon dahil fresh ang mga karne sa ganong oras at kailangan pa niyang magbigay ng allowance para sa pagluluto.

"Oyy Boging maiba pala ako... Bakit ang tagal mo kahapon dumating? San ka galing?" Galit na pang eenterogate ni Aling Bessie sa kanyang magaling na anak. 

Umupo na ulit si Boging sa inupunan niya kanina. "Ahmm nag practice po kami ng sayaw." Alibi nito.

"Dancer kana pala ngayon..." Duda ni naman ni Crystal sabay higop ulit ng kape.

"Bakit ate? Hindi naba pwedeng sumayaw para sa math dance?" 

"Asusus. Oo na naniniwala na. Saka mag madali ka ng kumain late kana sa school." Pahabol pa nito.

MAY halong pagka tuliro parin siya pag punta niya ng trabaho. Bakit nalang ba niya napaginipan ang binata samantalang inis na inis siya dito. Buti kung napanaginipan niya ito ng sinasaksak niya habang umaagos ang dugo nito a sahig o kaya ay kinukutsara niya ang mata nito habang sumisigaw ito sa sobrang sakit ay labis pa siyang matutuwa. Ngunit bakit nga ganun? Parang mag BF at GF pa ata ang eksena na ipinakita sa kanya mula sa kanyang panaginip. At take note sweet na sweet pa sila. "Honey?" Bulalas niya habang naglalakad. "Bakit ko naman tatawagin siyang ganun eh hindi ko naman siya gusto. Pag momonologue niya sa kanyang sarili.

Cream and Honey (Book 2) FRANCO (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz