19 // The Truth

751 17 2
                                    

TULOG pa si Crystal ng puntahan ni Jonathan ang lugar kung saan ng dalaga naibato ang cellphone nito. Dun siya natulog sa bahay ng dalaga. Tabi sila ni Boging na natulog mula sa kwarto nito. Habang naglalakad sa madilim pa na eskinita dahil sa pasulong palang ang araw ay hindi niya maiwasan ang mag alala para sa kanyang kaibigan. Sa halos walong taon na yata nilang pagkakaibigan ni Crystal ay dun niya lamang ito nakitang umiyak ng todo. Damang dama niya ang bawat patak ng luha nito. Pakiramdam niya ay siya ang niloko at hindi ito.

"Puta ka Franco!" Galit niyang usal habang naglalakad. Nakapuyos ang magkabila niyang kamao ng nakita niya ang kinwento ni Crytal na puno. Puno pala iyon ng mangga.  "Okay nasan kang cellphone ka."

Sinuyod niya muna ang paligid ng puno. Puros mga tuyong dahon at mga ilang plastik ang nakita niya doon. 

"Iho anong hinahanap mo diyan?" Isang matanda ang gumambala sa kanyang pag hahanap. Kung hindi siya nagkakamali ay ito rin ang matanda na madalas niyang nakikita sa may simbahan na malapit lamang duon. 

"May hinahanap lang po ako Tatang. Nahulog ho ng kaibigan ko kagabi." Pagsasalaysay niya. Tuluyan na siyang nilapitan nito. "Ano bang bagay iyon?"

"Cellphone ho."

"Ahhhh Cellphone ba kamo. Abay tignan mo nga naman oo. Eto ba ang hinahanap mo?'' Mula sa bulsa ng pantalon nito ay inilabas ng matanda ang isang kulay puting cellphone. Magara ng casing niyon at may initial na letrang F and C sa likod.

Agad naman niyang kinuha niyon. "Nako manong ito nga po yung hinahanap ko. Saan po ninyo to nakita?"

"Eh pano nung gabi kumalabog yung bubong namin. Akala ko nga ay pusa eh. Tapos nung pumanik ako eh nakita ko nalang yan. Magara ang pabalat kaya itinabi ko."

"Nako Tatang salamat ahhhh."

"Nako Iho wala yun. Ahmm baka may nais kapang itanong sa akin. Baka matulungan kita." Pag-aalok nito. "Nako Tatang maraming salamat ho pero wala napo."

Tuwang tuwa si Jonathan ng muli niyang makita ang cellphone ng dalaga. Ngunit sa kanyang paghawak at pagtingin sa initial na nakalagay duon ay muli namang nagbabalik sa kanyang sistema ang galit. Alam niya kasi na ang ibig sabihin ng F sa F and C na initial na mababasa sa likod ng naturang cellphone ay Franco. "Pambihira." Bulalas niya. Nagpaalam na siya sa matanda pagkatapos nun. 

Muli niyang sinuri ang naturang cellhone habang siyay naglalakad pabalik. May gasgas ang likuran niyon at may crack naman ang pang ibabang screen niyon sa harapan. "Gagana pa kaya ito?" Pinindot niya ang buton sa itaas. Tinagalan niya ang pag pindot doon kagaya na lamang ng ibang traditional cellphone. Ngunit minuto pa ang lumipas ay hindi na iyon bumubukas. "Haii nako!" Kumaliwa na siya ng daan.  Pag kaliwa niya ay isa namang magarang kotse ang bigla na lamang humarang sa dinadaanan niya. Hindi niya lamang ito pinansin. Umiwas na lamang siya at nag iba ng ruta sa paglalakad ngunit binusinahan siya nito. "BEEEEP!"

Nagtaka siya, bakit na lamang nito kinukuha ang atensiyon niya. Ano yun nagkataon lang? Pero malabong mangyari iyon dahil bukod sa kanya ay wala na ni isang tao na patawid sa may daanan. Habang nakatayo lamang siya sa may gilid ng naturang kotse ay bumukas naman ang pintuan nito. Pagkatapos ay bumaba sa pintuan niyon ang isang lalaki na naka white t-shirt.  "Franco?" Gulat niya.

"O pare?" Bati naman sa kanya nito.

Bigla na lamang kumulo ang dugo ni Jonathan pagkakita niya sa mukha nito. Nakatawa pa kasi ito na tila walang nangyaring lokohan. "Walang hiya ka!!!'' Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili. Sumugod siya sa kinaroroonan nito. Isang malakas na suntok kaagad ang binigay niya sa kanan nitong pisngi hanggang sa ma-out of balance ito at mapa upo sa may lupa. Nalagyan ng putik ang likod ng maputi nitong kasuotan. 

Cream and Honey (Book 2) FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now