02 // Money Matters

1.7K 32 1
                                    

MASAKIT ang ulo ni Franco pagkagising niya kinaumagahan. Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at agad namang pumasok doon ang konting liwanag. Expected niya na makikita niya ang maputing cieling ng kaniyang fully furnished na kwarto. O kaya naman eh makikita niya ang kanyang sarili na nakasalumpak sa malambot niyang sofa sa kanyang condo sa Makati habang nagkabukas ang kanyang t.v. at naglilinis na doon ang kinontrata niyang maid. Ngunit tila may mali. Dahil pag bukas niya ang kanyang mga mata ay agad niyang nakita ang sarili na nakaharap sa isang kinakalawang na bubog na medyo may butas pa. Sinabayan naman yun ng ingay ng malapit na electric fan sa kanyang ulunan.  Nanibago kaagad siya. Bakit kaya siya napunta na lamang sa gantong klase ng lugar at sino ang nagdala sa kanya dito? Wala siyang maalala.

Ang tangi lang kasi niyang naalala ay ang gabing pagtatalo at pag wawalk-out niya sa kanilang mansiyon, Ang pagtigil ng kanyang kotse sa may tulay ng ilog pasig at ang pag tapon niya ng bote ng alak doon. Muli niyang tinignan ang buong paligid. Napalunok siya. Paano na nga lamang kung isang pag subok ito sa kanyang buhay at isang magical wish ang nangyari?

Magical wish? Magical na baka ay inilipat ang kanyang katauhan sa ibang katawan upang maging sagot sa kanyang tinatawag na solution to his problem. "It cant be?" Usal niya.

Agad siyang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga sa may sahig. Nilatagan lang siya doon ng isang banig at  may nakita rin siyang isang tagpi tagping unan. Tinignan niya pa ang buong kwarto. Mula sa doon ay nakita pa niya ang isang lumang aparador na may salamin. Tinignan din niya ang sarili niya doon.  Ngunit pag silip niya don ay yun padin naman ang kanyang itsura, walang nagbago. Kung gayon ay wala siya sa ibang katauhan? Kung gayon eh bakit siya nandito?

Bigla siyang nakakita ng isang imahe. isang imahe ng babae na pilit na hinihingan siya ng pambayad ng ticket. Naiingayan siya sa boses nito. Resulta ng muling pag sakit ng ulo niya. Napahawak siyang muli dito.

Sa kanyang matagal na pagtayo at pagbabalik tanaw sa mga hindi niya maunawaan ng gabing iyon ay bigla naman siyang nakarinig ng isang tunog ng pagbulusok ng makina. Nang narinig niya iyon ay bigla namang pumasok kaagad sa kanyang isipan ang kanyang mamahaling oto. "Yung kotse ko!" Agad siyang sumulip sa may balkonahe ng kwarto. Hinawi niya ang kurtinang naroon. Agad siyang sumilip sa may baba. Mula roon ay nakita niya ang kanyang kotse na pinapaandar ng isang estranghero. "Hey hey! my Car!!!!" Sigaw niya. Kulang na nga lang ay talunin niya ang balkunahe. Ayaw na ayaw niya kasing may nakikielam ng mga gamit niya lalo na kung kanyang mamahaling oto na ang pinaguusapan.

Nagmadali siyang bumaba ng bahay. Hinanap niya kaagad ang pintuan ng kwarto ay bumaba sa may ground floor niyon. Umiilaw pa ang unahang ilaw ng kanyang kotse pag kakita niya dito ng malapitan. Tinignan niya kaagad kung may gasgas iyon. Tinapik niya rin ang unahan niyon at agad na sumenyas sa may tapat ng driver seats upang bumaba na ito.

Tinigil ng estranghero ang pagpapatakbo ng sasakyan. Maya maya pa ay binuksan na nito ang pintuan ng kotse. Inabangan niya ito sa pagbaba. Isang matandang lalaki ng bumaba roon na sa kanyang palagay ay nasa kwarenta anyos na. Naka suot lamang ito ng sando na kulay asul at nakayapak ang paa. Hindi paman ito tuluyang nakakababa ngunit agad naman niya itong hinila. "Get out!" Sigaw niya. Pagka alis niyon ay tinignan niya kaagad ang loob ng kanyang mamahaling oto. Ang break niyon, ang esterio nito sa loob, Ang mga salamin, At kung ano ano pa. "Buti nalang eh walang nasira. All part is in good condition." Ika niya.

Pagkatapos niyon ay bumaba na siya. Bumungad ulit sa kanya ang naturang lalaki. "Ano may nasira ba?" Tanong kaagad nito sa kanya.

Suminghal lamang siya. "Nope!" Sa maiksi nitong sagot.

"Alam mo maganda yung kotse mo. Chevrollet model 201 of year 2012.'' Ika nito sabay isang sulyap muli sa may kotse.

Nagulat kaagad siya sa mga tinuran nito. Sino ba naman ang magkaka akala na may knowledge pala ang mamang ito tungkol sa mga mamahaling sasakyan. "Ohh bakit ka ganyan makatingin? Bakit nagulat ka?" 

Cream and Honey (Book 2) FRANCO (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon