2: SI JAZZELLA

18.8K 329 18
                                    

Chapter 2 — Si Jazzella

Mayka Kate's Point Of View

Lumipas ang linggo ay ganun pa rin ang nangyayari. Sunod sunod na pangbubully ang ginawa nila, although minsan nalang nila kami pinagtutuunan ng pansin, madalas si Jazzella ang center of attraction nila.

Is it supposed to be a good thing or what? I'm a victim of bullying ever since my high school life started. I know how evil those people are; the hurtful names they call you that makes you want to end your life, the physical violence they give you just to entertain their selves, the constant glares and disgusted looks they give you when you talk to them. Everything is so hard, I just want to sit in the corner and sulk.

Naglalakad ako sa hallway nang may makasalubong ako. Si Jepherson... at si Markhel. Magkasama ang savior at bully ko.

Sinundan ko sila ng tingin ng papalapit sila sa direksyon ko. Diretso lang ang mata ni Jepherson sa daan at parang hindi yata ako nakita. Nakanganga lang ako sa kanya pero nang nagtama ang tingin namin ni Markhel, I'm not really sure, but I think I saw a hint of guilt in his eyes.

Kahit na nilampasan nila ako ay hindi ako nakita ni Jepherson. Kumunot ang noo ko pero nagkibit nalang ng balikat. Sa laki ba naman ng katawan ko, imposibleng hindi niya ako nakita.

Nandito na ako sa classroom pero wala pa si Kelly. At himala! Tahimik yata. Nag-uusap lang ang mga lalaki, natutulog pa nga yung iba eh.

Sinapian ba sila ng santo? Ang bait yata nila ngayon, bakit hindi nila ako pinapansin? Hindi naman sa hinihiling kong i-bully nila ako ngayon, nakakapagtaka lang. Nakakapanibago.

Makakapagpahinga na sana ako nang marinig ko ang usapan ng mga tao sa likuran ko.

"Hinanda mo na, pre?" tanong ng isang lalaki.

"Tapos na. Ikaw nang bahala sa video." sagot ng isa pa.

Mukhang may binabalak na naman ang mga mabuting tao na to. Sana naman hindi kami kasali dun. Kay lalaking tao, ang taas mang-api. Nasa top section pa naman.

Napatigil sila sa pag-uusap nang pumasok si Jazzella sa loob. Pinasadahan niya lang ako ng tingin tsaka umupo.

**

Recess.

Hindi pumasok si Kelly sa first at second subject pero dumating siya nung recess na. Late na daw kasi siyang nagising. Tss. If I know, tinatamad lang siya. Palibhasa, matalino kahit walang effort.

"Ano na kasi?" tanong niya. May assignment kami at gusto niyang kumopya. Ayaw ko namang i-share sa kanya. Hindi ko kasalanan kung umabsent siya kanina. Bahala siya.

"Ayoko nga." I said, unfazed.

"Ang daya mo naman." sabi niya nalang at inayos ang malaki niyang salamin sa mukha. Maganda naman si Kelly, hindi lang siya marunong mag-ayos. Tinalo pa ang lola ko. "Sige na kasi!" Pilit niyang abutin ang notebook mula sa kamay ko pero nilalayo ko naman ito. Hindi niya maabot kasi may mesa sa pagitan namin.

Nang hindi niya makuha ay sumuko na siya. Tinulak niya pa ako ng mahina bago umupo kaya muntik na akong masubsob sa sahig. "Kelliah!" banta ko at pinandilatan siya ng mata pero ang loka loka, binelatan niya lang ako.

"Uy pero Kelly, alam mo ba..." Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Mukhang may plano na naman yung mga gago boys." Yung mga kaklase naming lalaki ang tinutukoy ko.

"Ano naman iyon?" mataray niyang tanong kahit hindi nakatingin sa akin. Nagtatampo na naman siya.

"Malay ko din. Mukhang may ipapahiya na naman sila, may pa-video video pa silang nalalaman." pagkibit ko ng balikat. "Sana naman hindi tayo yon."

The Top Teen ModelsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin