With Idol

53 4 0
                                        

With Idol by MaristMolleda

Sa paglalakad mo sa mall, may namataan kang lalaking maporma. Kahit may suot itong face mask at nakasumbrero ay tila pamilyar ito sa iyo. Binusisi mo pa siyang mabuti. Napasinghap ka. Ayaw mong magkamali. Si foreign idol ang nakita mo. Kabisado mo ang bawat hilatsa ng mukha niya sa sobrang paghanga mo sa kanya. Kahit look a like niya lang ito, naisip mong ayos lang dahil kahit paano parang nakasama 't nakita mo na in person si Idol.

Walang alinlangan kang lumapit. Wala kang pakialam kung mukha kang weirdo sa paraang pagbubusisi mo sa kanya. Kamukha kamukha niya.

Tila nailang sa iyo si Idol dahil sa ginagawa mo. Namuo ang nag-uumapaw na kilig sa iyo.

"Idol," may halong mangiyak-ngiyak at kilig na pagkasambit mo.

"Hi?"

Napatili ka ng pagkalakas-lakas. Walang pakialam sa paligid mo. Sinugod mo siya ng yakap at halos masaktan mo na siya sa panggigigil mo.

"I love you, Idol. Can we have a picture?"

"Oh, sure."

Pagkakita mo sa kanya ay nilubos-lubos mo na. Nagawa mo pang ma-stalk siya. Sa pagsunod-sunod mo sa kanya ay napansin mong hindi tiyak sa kanya ang tinutunguhan niya. Dahil isa siyang foreign artist ay estranghero sa kanya ang lugar na kilalagyan mo.

Noon mo na siya nilapitan.

"Where you going?"

"I, ahmm... don't know."

"Are you with someone? Do you have location tonight?" tanong mo.

"I don't know where they are. I lost my expenses."

Sa kabila ng awa mo ay nagkaroon ka ng idea. "You can come with me. You 're safe there. I 'll take care of you."

"No thanks," pagtanggi niya at akmang iiwanan ka na niya nang pigilan mo siya.

"Wait, I insist. You 're not disturbing. I 'm alone in my appartment."

So wala na ngang choice si idol kundi sumama sa iyo. Pinagkatiwalaan ka niya. Pero nakakasiguro ka bang mapagkakatiwalaan siya. Baka anumang oras ay pagsamantalahan ka niya.

Sa huli mong naisip ay bigla kang napahalakhak. "Why not?"

Pero sikat siya. Alam mong hindi siya gagawa ng ikakasira ng career niya.

Bilang isa siyang bisita, pinagsilbihan mo ang pinakamamahal mong idol. Inalagaan mo, kahit ang pagligo nga sa kanya ay gusto mo nang gawin. Halos sambahin mo pa.

Pero kasiyahang dama mo ngayon kasama siya ay pansamantala lang. Wqlang forever. Ang ending niyo ay hindi happily ever after.

Na-contact na niya ang management niya kaya makakauwi na siya. Kailangan mo nang magpaalam sa kanya.

Nais mong hilingin sa sana sa 'yo na lang siya ng totoo. Pero hindi. May sarili siyang buhay. May iba pang nangangailangan sa kanya. May iba siyang obligasyon, at ang obligasyong iyon ay para sa ibang fans. Fan ka lang, natupad man ang nais mo ay para nga lang din itong panaginip-panandalian lang at magigising ka na lang sa mga susunod na araw na tapos na ang lahat.

Pero bago ka niya iwan, hindi mo inaasahang mahalikan ka sa labi at sinabing "Thank you for the help. We could communicate with each other anytime if you want. I owe you my life."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Randomly CompiledWhere stories live. Discover now