Crush by MaristMolleda
Tinatahak ko ang corridor ng school papuntang department office nang may mamataan akong lalaking papasok doon. Kinilig ako. Ang pogi niya. Ang dami nga talagang gwapo rito sa school.
Nakapasok na rin ako sa loob niyon. Since ang staffs at profesors ng opisina ay may kanya-kanyang ginagawa kaya hindi ako pwedeng basta na lang mang-istorbo.
Matapos makipag-usap ng lalaking pogi—na namataan ko kanina—ay bumaling naman siya sa 'kin. "Ikaw, ate, anong problema?"
"Hindi ko po kasi alam kung sino ang prof ko sa PE," sagot ko na buti na lang hindi ako nautal. Pero nailang akong tumingin sa kanya habang nakatingin siya sa akin. Nakaka-distract kasi ang kagwapuhan niya.
Kinausap niya muli ang profesor at tinuro ako. "Sir, hindi niya raw alam kung sino prof niya sa PE."
Sakin naman bumaling ang prof at sinabi nitong pumunta ako sa PE department at doon ko itanong.
Paglabas ko ng office, kulang na lang magtatatalon ako at buuin ang tili sa sobrang kilig. Hindi lang siya gwapo, ang bait pa niya. Crush ko na siya.
Lumipas ang ilang linggo, pumunta kami sa NSTP office upang magpasa ng slogan namin. Sa tabi ng mesang pinapatungan ng mga pinasang illustration board, may nakaupong lalaki. Si crush! Nakita ko ulit siya. Pangalawang beses.
"Patingin nga ng gawa niyo," sabi ni crush
Hindi pumayag ang kasama ko. "Eeehhh... 'Wag na, kuya. Ang pangit, eh."
Nakisawsaw ako sa kanila. "Labag kasi sa kalooban namin 'yung ginawa namin kaya hindi maganda."
Paglabas ko ng office ay nanghinayang ako. Kausap ko na nga, dapat humanap ako ng segway para malaman ang pangalan niya. Sayang. Pero sa susunod na lang. Sana makita ko ulit siya.
At nakita ko nga muli siya nang lumipas na naman ang ilang linggo. May nilabasan siyang room. Silid na ginagamitan ng klase namin sa isa sa mga subject ko. Ka-department ko ba siya? O nahalo lang siya sa section ng ibang college.
Dapat pala binati ko siya noon. Pwede naman kasi hindi siya snob. Sana makita ko ulit talaga siya. Kikilalanin ko siya.
Lumipas na naman ang ilang linggo. Noong bakanteng oras ko ay tumambay muna ako sa likod ng main building para panoorin ang dinownload ko. Nakaupo ako sa sementadong bench.
Nagtaka na lang ako nang may huminto na lalaki sa pwesto ko at sinilip iyong pinanonood ko. Kilala ko ba 'to?
"Ano 'yan? Tanong niya.
Pag-angat ko ng tingin... Hala si crush.
Na-speechless ako. Unexpected happens talaga.
Iniumang ko lang sa mukha niya ang cellphone kobupang ipakita ang pinanonood ko. Akala niya siguro nanonood ako ng porn. Ang sexy kasi niyong kanta na pineperform ng kpop group na pinapanood ko.
Nagtuloy na siya sa paglalakad.
Napasandal ako at napahawak sa dibdib ko. Nakakakilig talaga. Hindi naman kami magkakilala pero kinakausap niya ako. Siguro kasi friendly talaga siya.
Lumipas na naman ang ilang linggo. Math subject namin. Iyong prof namin may kinausap na estudyante na nasa likod tungkol sa class standing.
Lumingon ako. Napasinghap ako sa nakita ko.
Si crush!
Kaklase ko pala si crush.
writer's note:
Weehhh!!! True story 'yan.
STAI LEGGENDO
Randomly Compiled
CasualeOne shots and shorts story compiled originally written by MaristMolleda. Copyright © 2016 by MaristMolleda All Rights Reserved Copying, usage, transmission, or reproduction of this work in whole or in part in any form by any means is strictly forbid...
