"Tsk, ang aga aga naman. Saan ba tayo pupunta?" Nagmamaktol na wika ng dalaga.

"Basta, pwde ka namang matulog sa kotse. Gigisingin nalang kita pag nandoon na tayo. Okay?" Ani ng binata at pinagbukas ng pintuan ang dalaga.

"Ano ba kasi ang gagawin natin?" Baling ng dalaga.

"Later, malalaman mo din." Ani ni Uno, at pinaandar na ang sasakyan.

Dahil inaantok pa ang dalaga, ay agad naman siyan nakatulog.

Pasulyap sulyap naman ang binata sa dalagang natutulog. Ang sarap pagmasdan, parang angel na natutulog. Napangiti pa si Uno habang iniisip ang mangyayari mamaya sa kanilang pupuntahan.

Makalipas ang dalawang oras na byahe ay nakarating na sila sa clark pampanga. Sakto namang nagising ang dalaga.

"Nasan na tayo?" Tanong ni Berry, at nagpalinga linga.

"We're here. Clark sky diving center Let's go shine." Anito at bumaba ng sasakyan.

Kinabahan naman ang dalaga sa narinig.

'Sky diving daw?' Tanong niya sa sarili.

Agad namang sumunod ang dalaga.

"Teka, mag ssky diving ka pala, bakit sinama mo pa ako?" Kunot nuong tanong niya.

Imbes na sumagot ay ngumiti lang ang binata sa kaniya. May kinuha ito sa compartment ng kotse. Isang malaking varsity bag.
Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay, at iginaya papasok.

Pag bungad palang sa information ay agad niyang namataan ang dalawang kaibigan. Sina Pinky at Jecka.

"Ang tagal niyo naman! Excited na ako eh." Anito sa kanila.

"Exciting talaga!" Dugtong naman ni Jecka.

Nagugulumihanang nagpalipat lipat ng tingin si Berry sa mga kaharap.

"Teka lang, ibig sabihin kasama kayo nitong lalake na 'to?" Turo pa ng dalaga kay Uno.

"Oo, at sila din." Nakangising nginuso ni Pinky, ang dalawang paparating. Sina Ferdz at Miko. Nakasuot na ito ng sky diving gear.

"Late kayo." Ani ni Ferdz.

"Ready kana ba Berry?" Nakangising tanong ni Miko.

Nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa narinig.

"Anong sinasabi mo Miko??" Natitilihang tanong niya sa kaharap.

Pero hindi siya sinagot nito, bagkos ay bumaling ito kay Uno.

"Ikaw na bahala d'yan dude. Mag aantay nalang kami sa run way." Ani Miko

Magkakasunod na umalis ang apat.

"Uno?! Anong kalokohan 'to?! Bakit kasali ako?!" Galit na wika niya. Halos isang linya nalang ang kilay ng dalaga.

"Relax, Shine. Kasama mo naman ako." Pagpapakalma ng binata sa dalaga.

"Relax?! Alam mong takot ako sa matataas! Sky diving pa kaya?! Uuwi na ako!" Akmang tatalikod ang dalaga ng yakapin siya sa likod ng dalaga.

"Over come your fear. At hinihintay na nila tayo." Natatawang wika ni Uno. Ang itsura kasi ng dalaga ay kinakabahang natatakot parang bata.

"Ayoko! Uuwi na ako!" Anito na parang iiyak na.

Lalo naman napatawa si Uno.

"Kaya mo yan. Kasama mo ako, certified diving instructor na ako ngayon." Anito na hila hila ang dalagang parang bata.

Tawa naman ng tawa ang apat, habang pinapanuod si Berry. Nakakatawa kasi ang itsura nito.

"Uno naman, please manunuod nalang ako. Diyos ko po. Mommy!" Sigaw ng dalaga habang yumakap pa sa railings ng sliding glass, papunta na sila sa mga diving equipments.

STRAWBERRY BY: GRACEYWhere stories live. Discover now