Helplessly Inlove With My Kuya's Bestfriend (Oneshot)

4.2K 86 15
                                    

<3 Everyone says love hurts, but that is not true. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someone hurts. Envy hurts. Everyone get these things confused with love. But in reality. Love is the only thing in this world that covers up all pain and makes someone feel wonderful again.

***

"Welcome back princess! I missed you!" Bati ni kuya Stephen sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Nasa NAIA kami ngayon dahil sinundo ako ni kuya. Kakauwi ko lang from the States. I stayed there for almost 5 years at ngayon na lang ulit ako bumalik dito sa Pilipinas dahil na rin sa kagustuhan ni Dad.

I need to do my responsibilities to help dad and kuya in operating our businesses. Kaya hindi ko man gustuhing tumuntong ulit dito sa lugar kung saan ako nagkaisip at lumaki, hindi na ako makatanggi pa.

Don't get me wrong, hindi sa itinatakwil ko ang aking bayang sinilangan.. it's just that I wanted to be free from pain. But I think this time, ang pilat ng nakaraan ay muling magsusugat.

"Kuya! I missed you too! Lalo tayong gumwapo a!" Natatawang sabi ko habang sinusuklian ang yakap niya. Namiss ko din siya ng sobra lalo na ang mga kalokohan at pagkaover protective niya.

Inilayo niya ko sabay kurot sa pisngi. "Arrrggh! Kuya! Why did you do that? Ang sakit kaya!" I complained.

"Ang cute cute mo kasi sa ayos mo ngayon. Tell me princess nagbago ka na ba ng preference?" He said jokingly.

Nakadisguise kasi ako. I'm wearing loose shirt and pants. Idagdag mo pa ang bull cap at shades. That's why I can't blame him.

"You know I need to do this kuya." Nakangiting sabi ko.

Yea, I really need to do this dahil kung hindi, baka dumugin kami ng mga tao or worst, ng media. I'm a fashion designer slash model that's why.

"Yea, let's go?" Inakbayan niya ko at inakay na papunta sa sasakyan namin.

After 30 minutes, nakarating din kami sa subdivision kung nasaan ang mansion. I'm nervous, hindi ko alam kung para saan buti nasa tabi ko lang si kuya para alalayan ako.

Pagbukas na pagbukas palang ng main door, nasurpresa na ako.

"Welcome back Dominique!" My parents, relatives and friends were here, smiling widely at me. I really appreciate their effort.

Ngiti dito. Ngiti dyan. Kamusta dito. Kamusta dyan. Yakap dito. Yakap dyan. Nakakapagod rin pala.

I look around to see if he's here but I just gave myself my own heartache. Nagpapakatanga na naman ako.

Lumabas muna ako ng bahay at dumiretso sa may pool. Kailangan ko munang magpahangin.

"You're looking for him, don't you?" Tumingin ako sa nagsalita, si kuya Stephen pala.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Hindi kita maintindihan."

"Don't deny it princess, I know you well kaya wala kang maitatago sa akin."

Hindi na lang ako sumagot dahil ayoko ng humaba pa ang usapan lalo na kung tungkol sa kanya.

"Hanggang ngayon ba siya pa rin?" Tanong uli nito.

"Kahit sabihin kong oo, may magbabago? Susuklian din ba niya ang nararamdaman ko? Wala at hindi naman di ba? Kaya wala ng saysay kung sasagutin ko pa ang tanong mo because in the first place, I'm just nothing to him noon at ngayon." I'm trying to be strong but still it's not enough to forget the pain of yesterday.

"Princess.."

"I need to rest. Goodnight kuya." Paalam ko dito at tuluyan ng naglakad papunta sa kwarto ko.

Helplessly Inlove With My Kuya's Bestfriend (Oneshot)Where stories live. Discover now