Chapter 1:

4.1K 44 2
                                    

"HOW'S your day baby?" Nakangiting tanong ng kanyang mommy pagpasok pa lamang niya sa kanilang mansion.

"Tiring mom, but they are all nice." Ganting tugon niya sa ina sabay halik sa pisngi nito.

Sobra talaga siyang napagod ng araw na iyon dahil ngayon ang turn-over niya bilang bagong Vice President for Operations ng isa sa mga sikat ng society magazine sa bansa, Buhat ng magbalik bansa nitong nakaraang linggo lamang.

"I know baby, I prepared some of your favorite dishes para naman atleast kahit konti mabawasan yang pagod mo." Sabay hila sa kanya ng ina sa dining kitchen nila.

At tumambad sa kanya ang mga paborito pagkain na talaga namang nagpatakam sa kanya.

"The best ka talaga mommy!" At
excited s'yang umupo sa hapag-kainan at inumpisahan ng kumain.

Matapos ang ilang sandali ng masaya nilang hapunan na mag-ina ay napagpasyahan na nilang magpahinga.

Tuloy-tuloy siyang humiga sa kanyang malambot na kama at napa-pikit.
Naglalakbay ang kanyang isip dahil hindi pa rin makapaniwala na nandito na siya sa pilipinas.
Pagkatapos ng anim na taong pamamalagi sa Singapore.

Tutol man sa kalooban ang bumalik ng bansa wla naman siyang magawa dahil sa kanyang trabaho na naging buhay na niya sa nakalipas na taon.
Bago ma-promote bilang Vp For operations ng SOCIETY MAGAZINE.
Sa edad niyang 25 sinong mag-aakala na nasa ganoong posisyon na siya. Masyado nyang inilaan ang sarili sa trabaho. Madami ang humahanga sa kanyang dedikasyon.

Siya ang marketing head ng naturang magazine na my branch sa singapore at dahil na rin sa husay at pagsisikap nya nabigyan ng pansin ang kanyang effort, Kaya't nagulat na lamang siya ng makatanggap ng isang sulat buhat sa main office na naka-base dito sa pilipinas na promoted na siya as over all vp for operations ng naturang magazine.
Wala siyang magawa kung hindi bumalik sa pilipinas at gampanan ang bagong responsibilidad.

Higit na Masaya naman ang kanyang ina at kuya Almond n'ya dahil buo na silang muli sa tagal ng panahon na hindi s'ya kapiling na mga ito.
Tunog naman ng kanyang cellphone ang nagpabalik sa diwa niyang naglalakbay. Ng tingnan nya ang screen napangiti sya nang makita kung sino ang caller nya.

"Hello?" Excited nyang sagot.

"Hoy! Ms. Strawberry Marquez! bruhang babae ka! nandito kana nga sa pilipinas hindi ka man lang nakaalala magparamdam!" Tili ng malanding boses ng nasa kabilang linya.

"Pinky!" Walang iba kundi ang isa sa mga best friends nya.

"Oo babaeng pinaglihi sa strawberry baguio! ako nga! hhmmp!" Ingos naman nito.

"Oi bakla naunahan mo lang akong tawagan ka pero tatawagan ko talaga kayo ni jecka kasi naman hindi ko ma-contact yong number mo, mabuti nalang tinawagan mo ko." Masayang turan nya.

"Bruha ka talaga kelan tayo lalabas? Nag-aantay lang kami ni jecka sayo noh."

"Ok fine, tomorrow night? I had a schedule kasi ng afternoon." Wika pa ng dalaga.

"Great bru!, sabihan ko na rin ang bruhang si jecka t'yak matutuwa yon." Naisip ni pinky ang inihanda nilang sorpresa sa kaibigan.

"Sige bakla tomorrow kasi magiging busy na talaga ako after this week naka-turn over na kasi ako kanina."

"Ok good! Circle bar along morato six pm pm..doon tau magkita ha wait ka namin ni jecka."

"Wait lang, bakit doon pa?" Kunot nuong tanong ni Berry.

"Kasi bru my access kami doon and I know mag-eenjoy ka, basta be there ha." Parang kinikiliting tugon nito.

"Wait 'bru, alam mo naman siguro pumunta don? " Dagdag nitong tanong.

"Oo naman! ok sige bakla, See you, I miss you both." Excited n'yang sagot.

"Hmp! Drama..Mas Miss ka namin kaya."
Natatawang sagot ni pinky sa dalaga.

"Oo na, magkaiyakan pa tayo mam'ya." Ganting tugon ni Berry.

"Alright 'bru, So settled ha? basta tommorow.bye!" At pinutol na nito ang linya.
Nangingiting napapailing na binaba naman niya ang cellphone.

Buhat kasi ng dumating ang dalag, isang linggo ng nakalipas tanging welcome dinner na inihanda ng pamilya niya lamang sila nagkita-kita ng dalawang kaibigan.

Hindi talaga papayag ang mga ito na wala silang bonding.
Kahit ng nasa singapore pa siya talagang naglalaan ang mga ito ng panahon para bisitahin siya.

Minsan sa isang taon o kaya'y higit pa pag hindi busy ang mga ito.
My botique c pinky ng mga bridal gown, at si jecka naman ay mayroong flower shop. Mas pinili ng mga ito ang mag-business, hindi katulad n'yang sinubsob sa trabaho ang sarili.

Kung tutousin succesful na siya ngunit sa isang banda ng kanyang damdamin hindi niya maramdaman.
Agad winaksi ni Berry magbalik tanaw.

Bagkos binalikan na lamang nya ang mga nangyari kanina sa turn-over niya.
Naging napaka-busy talaga ng preparasyon ng dalaga sa pag-tanggap ng bagong posisyon.

Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago nag-handang matulog. Dahil bukas isang nakakapagod na araw na naman.

STRAWBERRY BY: GRACEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon