"I meant Shannon, I don't know but it's been a week since we spoke to each other. We usually banter a lot even if it's just small things so I'm really confused why she's acting strangely quite lately"..wala sa loob na sabi ko. It's like I forget about them and it's just myself I'm talking to...

"May girlfriend ka na?!" Jane shriek...

Nagulat na lang ako na pinagyayakap nila ako isa't isa habang nagba bounce. Telling something na hindi ko ma gets..kesyo nagtatampo daw sila at wala akong naiikwento. Pero happy daw sila at the same time kasi finally may bago na daw nagpatibok ng puso ko after a long time.. blahblahblah....

Bago pa ako malamog sa kakayakap nila, pwersahang kumalas na ako at nalilitong sinabing, "anong pinagsasabi nyo? Adik ba kayo? Wala akong bagong girlfriend!"

"Eh sino si Shannon? Alaga mong aso? Imposible yun dahil hindi ka naman animal lover.." si Lanie..

Siniko naman ni Jane si Lanie, "ano ka ba, nagsasalita nga tapos sasabihin mong aso?"

Wala akong mahagilap na sasabihin, alangan namang sabihin kong maid ko? Mas lalong hindi sila maniniwala kasi alam nilang wala akong kasama sa bahay.."basta, it's along story".

"Asus, marunong ka ng maglihim ha, pero sige hindi ka na muna namin pipilitin. We know naman na ma private kang tao when it comes to your love life. I'm sure hindi pa rin ito alam ni Macky kasi wala syang nababanggit. Matutuwa yun kasi finally, umiirog na ulit ang bestfriend nya.." may pagpisil pa sa pisngi ko na sabi ni Karl.

Mga abnormal talaga tong mga to, nag assume agad. Kahit ilang ulit ko ng sabihing hindi ko girlfriend si Shannon ayaw paniwalaan..kahit nung paalis na kami ng building, panay pa rin ang tukso nila..tsk..

Habang nasa byahe, naisipan kong mag drive thru na lang sa Mcdo ng dinner namin. Baka walang niluto na naman hung babaeng yun. Parang nung isang araw na umuwi ako ng late na kasi inaasikaso nga namin yung out reach program, gutom na gutom na ko kaya naman inaasahan kong may niluto man lang sya, ngunit sa pagka dismaya ko, kahit kaning lamig wala. Ako pa ang sinisi ng bruha, kesyo wala naman daw akong binilin na magluto. Tsk.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung ano ba talagang trip nya sa buhay. Wala naman syang ibang ginagawa aside sa bwisitin ako sa tuwing uuwi ako at bago umalis ng bahay..pero nito ngang mga nakaraang araw, kung hindi ko pa kakausapin hindi kumikibo..

Ang gulo mo rin noh? Pag kinukulit at nag iingay sya naiinis ka. Tapos ngayong nanahimik sya gusto mong kulitin ka? Huwow...

I shook my head lightly to brush off the thought, nung tumapat na ko sa window ng fast food, umorder na ako ng tigdadalawang klase ng double cheese quarter pounder at dalawang large fries..at nagpahabol pa ng apple pie. Ang lakas kasing kumain nun. Buti na lang hindi tumataba..

Hindi heavy ang traffic so in no time nakarating na ako sa bahay. Nagtaka ako kasi sobrang dilim at tahimik. Pagka park ko ng kotse ko sa garahe, ini on ko ang ilaw sa porch. Walang sign na nasa tabi tabi lang si Shannon..

Inilipag ko muna sa komedor yung take out food na uwi ko bago naghugas ng kamay sa kitchen sink...umakyat ako sa taas para magpalit muna ng damit, since nasa tapat lang ng room ko yung ginagamit nya, kinatok ko na muna para tanungin kung kumain na sya..

Nakakailang katok na ko wala pa ring nagbubukas kaya sinubukan ko ng pihitin yung door knob. Hindi naka lock kay dumiretso na ako ng pasok habang tinatawag ang pangalan nya..still no answer, kinapa ko yung switch ng ilaw. Ng lumiwanag, walang sign na nasa andun sya kasi sobrang neat ng kama. Walang bakas na natulog sya or anything. Sinilip ko rin yung banyo pero wala din sya dun..

I let out an exasperated sigh then went inside my own room. Naisip kong baka lumabas sya, sa almost 2 weeks nyang pamamalagi sa bahay ko, malamang nainip na yun. Lalo na at sa tingin ko ay isa syang party goer..baka nga gabi gabing laman ng iba't ibang bar yun dito sa Manila...

Maliligo na lang muna ako bago kumain. Inumpisahan ko ng hubarin ang mga saplot ko sa katawan, I didn't bother to turn on the lights kasi kahit nakapikit ako memoryado ko na ang bawat sulok ng kwarto ko kaya ok lang kahit walang ilaw..

Wala akong tinira kahit undies, basta ko na lang hinagis sa sahig yung mga pinag hubaran ko, mamaya ko na lang aayusin. Kumakanta kanta pa ko habang pumapasok sa banyo..hanggang matapos mag shower nasa good mood pa rin ako. Mas nakatulong yung warm water para ma relax yung isip ko...hindi ko na muna iisipin ang Shannon na yun, matanda na sya. Alam na nya ginagawa nya..

Aabutin ko na sana yung towel sa rack pero wala na pala..napa kunot noo ako, hindi ko pa naman inilalagay sa laundry yun kasi kakapalit ko pa lang. 3 days kung gamitin ko ang towel..pero baka nalimutan ko lang siguro. Baka nga nailagay ko na sa laundry..

No choice, kailangan kong lumabas kahit tumutulo pa yung tubig sa katawan ko. I shiver. Nagka goosebumps na rin ako dahil sa lamig. Wala naman akong natatandaang binuksan yung aircon. I swear ini off ko yun bago pumasok kanina..

Nakaramdam tuloy ako ng konting takot, naisip kong baka minumulto na ako. Malapit pa naman na ang halloween! Napa sign of the cross ako sa naisip, dahan dahan akong lumakad habang nagdadasal pa, since konting liwanag lang yung abot ng ilaw galing sa banyo ko, yung isang kamay ko lang yung inilabas ko para kapain yung switch sa kwarto.

"I never thought that you'll be more sexier without your clothes on Raven"... dinig kong sabi ng tinig the moment na lumiwanag yung paligid..

Halos mapasigaw ako sa sobrang gulat..pag tingin ko ayun lang palang babaeng hinahanap ko, prenteng nakahiga pa sa kama ko..."Shanoooon!!"







I/N

Hey there mortals..just so you know, this is my second novel, nukss! Hihi, sorry kung may mga errors, wrong grammar or whatever ah. Hanggang grade 1 lang natapos ko eh. Haha..

It Started With A LieOù les histoires vivent. Découvrez maintenant