Tumango na lang ako kasi pag nagsalita pa ako baka hindi ko na mapigilang tumawa sa nakikita kong inis sa mukha nya...ginawa ko na lang yung iniuutos nya. Samantalang kumuha sya ng pasta at cream sa cup board. Nag defrost din sya ng bacon sa microwave. Ang bilis ng kilos nya.

Pagka chop ko ng bawang at sibuyas iniabot ko na sa kanya. Naikot ko na lang mga mata ko ng utusan naman nya akong magpakulo ng tubig..

Nilagay nya sa grilled pan yung mga stake at niluto ulit..panay ang tingin nya sa wall clock. Isa rin yun sa mga napansin ko dito sa bahay nya, bawat sulok may orasan..hindi ko tuloy napigilang isa tinig yung katanungan sa isip ko..

"My queen, pansin ko lang ang dami mong wall clock dito sa bahay mo. Obsessed ka ba sa oras?"curious lang..


Tiningnan nya ako na parang weirdo, "what kind of stupid question is that? Of course not! Gusto ko lang na always on time ako sa mga bagay na ginagawa ko. Every second to me is important. Ayokong naghahabol sa oras. May schedule akong sinusunod".


"Seryoso? Naranasan mo man lang bang ma late sa isang bagay?"

"Oo, ngayon. Late ang dinner ko."

Hindi ko na napigil humagalpak ng tawa. Ang cute kasi nya. Parang bata na nagmamaktol kasi hindi nasunod yung ini expect nya..natigil lang ako sa katatawa ng makita ko syang nag smile. As in SMILE! hindi ko na naman tuloy naiwasang mapatitig sa kanya..

"What? Have I grown two heads?" Tanong nya ng ma realize nya sigurong nakatitig ako sa kanya..

"Mas maganda ka pala pag nakingiti no? You should do that often." To my surprise, she blushed!

"Shut up! Chop that bacon. Hindi mo ko madadaan sa bola." Parang iwas na hinagis nya yung plastic ng bacon sa mesa after kunin sa microwave.

Wala na ulit kaming imikan, pwera na lang nung itinuro nya sakin kung paano magluto ng carbonara. Salt in daw muna pagka boil ng tubig, then a drizzle of oil bago ilalagay yung pasta..napaka meticulous nya talaga. Kahit sa procedure detailed lahat para sa susunod daw alam ko na..mabilis ko naman agad na pick up so for sure kayang kaya ko na yun lutuin basta may right ingredients.

Mabilis lang kami nakaluto so maya maya pa, kumakain na kami. In fairness may talent din sya sa pagluluto. Ang sarap ng pagkaka gawa nya ng sauce, sakto lang yung creaminess. I actually ate more than my fair share, kahit yung stake ako halos yung umubos...

"You eat like a man". State of a fact na pahayag nya..

Nahiya naman ako ng konti, baka pg na pg ang tingin nya sa akin..nahiya  na tuloy ako kung uubusin ko pa ba yung pastang natitira sa serving plate..

"Sorry, pers taym ko kasi makakain ng ganito kasarap na pagkain eh," puno pa ang bibig na sagot ko..

"Don't talk when your mouth is full, ok lang na kumain kang parang lalaki but please, don't act like one..sige na, ubusin mo na yan. Ngayon ka pa nahiya"..

Sasagot pa sana ako ng biglang mag ring yung land line. Tumayo si Raven at tumungo sa kung na saan ito. Since malapit lang sa tabi ko yung cordless phone, rinig ko ang sinasabi nya..

"Yes good evening..." malamyos nyang bungad pagka sagot sa phone, "Chad!"

Napa tunghay ako pagka dinig ko sa pangalang binanggit nya. Pinagbuti ko pa ang pakikinig sa usapan nila sa pagbabakasakaling may makuhang info kung nasaan si Chad pero puro "yeah, ok at  uhuh" lang mga sagot ni Raven sa kung ano mang sinasabi ng kausap..

Saglit lang ang pag uusap nila, tapos nagbilin na hugasan ko daw yung mga pinagkainan namin. Then umakyat na sa kwarto nya. Bigla tuloy akong nawalan ng ganang kumain..

Iniligpit ko na lang yung natirang pasta at stake. Bukas ko na lang ulit kakainin pag nasa mood na ako. Nasa kalagitnaan na ako ng paghuhugas ng lumapit si Raven. Bihis na bihis at humahalimuyak sa bango..

"I'm going out to meet a friend. Baka late na ko makabalik. Make sure na naka lock ang buong bahay. Wag kang magpapasok kahit sino. Yung mga hindi ginagamit na appliances i-unplug mo.."

Wala akong naintindihan sa lahat ng mga binibilin nya kasi habang nag sasalita sya gumagala ang paningin at diwa ko sa mga mangyayari sa pagkikita nila..

Ang sexy nya kasi sa suot na white casual dress. Todo paganda pa. Imposibleng magdi dinner pa sila kasi kakain lang namin. Besides, quarter to ten na, so anong gagawin nila? Hindi kaya mag aano sila?

Isipin ko pa lang na gagawin nga nila yun nagagalit na ako. Sino bang hindi, I mean she's gonna do it with my boyfriend!  Ows? Sure kang yun talaga ang rason? Of course, what else could it be?!

"Hey! Are you listening to me?"

Ipinilig ko ang ulo ko para bumalik sa reyalidad..

"Of course Your Highness", mahinang sagot ko..












It Started With A LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang