Para makaiwas, inaya ko na lang sya sa kitchen. "Halina po kayo sa kumedor ng makapag hapunan na." Para hindi ka na din nagta transform into mangkukulam mode. I added in my head..sumenyas pa ako at yumukod tanda na pinapauna ko sya. Parang reyna lang talaga. Hehe...masama pa rin ang tingin na lumakad na sya..if looks could really kill, sa unang pagkikita pa lang namin bumulagta na agad ako..



"What kind of dinner are these!" Hindi pa man nakaka upong reklamo na agad nya. Talaga nga naman..


"Err, ito po ay garlic toasted bread, vegetable salad at steak"...pagpapakilala ko sa nakahain sa mesa as if she doesn't really know..

"Really? Muntik ko ng hindi makilala na tinapay pala to sa sobrang itim. Hindi toast ang dapat itawag dyan kundi burnt.."turan nya at binigyang diin pa talaga yung word na "burnt". "At yung salad mo, mukhang mas marami pa yung nilagay mong mayo kesa dun sa lettuce,  yung stake mo naman isang tingin ko pa lang alam ko ng raw pa yan, ang gusto ko sa steak yung well done. Ayokong may dugo pa sa meat na kinakain ko, kasi kung ganun lang din naman bakit hindi na lang yung buhay na baka ang kainin mo diba?"



Ano daw? Sa dami ng sinabi nya, yung buhay na baka lang nag sink in sa utak ko.  Bakit di nya nga kaya i try kainin yung buhay na baka? Yung toro para suwagin na din sya! Kakainis ha, sya na nga pinagluto, wagas pa makapang lait! Pinag hirapan ko yan uy!



"Grabe ka naman my queen, hindi naman sunog itong garlic bread, medyo natusta lang ng konti, saka napadami lang yung garlic powder na nilagay ko kaya medyo dark yung kulay," pumiraso pa ako at kumain para ipakita sa kanya na maayos naman ang lasa, pero paglapat na paglapat pa lang nung tinapay sa dila ko, napangiwi na agad ako sa sobrang pait! Ok, may point sya.


Pag tingin ko sa kanya nakataas na naman yung isang kilay nya. Nag cross arms pa as if daring me to taste everything..tiningnan ko yung salad, medyo na over power nga nung Japanese mayo na nilagay ko yung lettuce, pati yung cherry tomatoes mukhang naging soggy na din..last option ko yung stake, kinuha ko yung knife at hiniwa ito sa gitna. Napakamot na lang ako sa ulo ng umagos sa plate yung juicy  blood nito..raw nga..kala ko naman medium rare na yun!




"See?" Smug na sabi nya. Pailing iling pa habang pumapalatak na akala mo head ng master chef na sinuri ang palpak na luto ng kanyang participants.


"You just wasted food. You don't know many people suffer from hunger because they don't have the means to have a decent food every meal and here you are wasting some" ito na naman po kami sa mga sermon nya..aba kotang kota na ko sa sabon nya ah..partida pa yan, isang araw pa lang akong naninilbihan sa kanya, what more pa kaya pag umabot na ng 1 week?



"Sana sinabi mo kanina na hindi ka marunong magluto para na guide kita, tingnan mo tuloy ang nangyari"...

"Hindi ka naman kasi nagtanong eh," pagsagot ko..

"Sumasagot ka pa talaga, imbes na mag sorry ka ganyan pa yung attitude mo"..mukhang banas na banas na sya..ewan pero aliw na aliw ako pag nagagalit sya. Namumula kasi yung mukha nya habang nanlalaki ang butas ng ilong..hihi..

I decided to provoke her more, "totoo naman eh, bigla mo na lang akong minandohang magluto ng hindi tinatanong kung marunong ako tapos ngayong palpak magagalit ka, hin----"


"Oh shut up! Ako pa talaga ang babaliktarin mo dyan. You know what? Never mind!  Just....." halatang pigil na pigil sya. Nakakuyom pa yung mga kamay nya..great..I'm so enjoying this..now I am on the track of my plan...


Nakita kong bumilang muna sya bago nagpatuloy, "just throw those out except the stake. I will cook it again. Then chopped some garlic and onions. Siguro naman marunong ka nun?"


It Started With A LieOù les histoires vivent. Découvrez maintenant