#24 - Back for Good

Start from the beginning
                                    

"Kyle, gusto ko lang malaman, bakit mo pa ginawa yun?" Hindi ko pa rin kasi alam ang dahilan niya.

"It doesn't matter Zes. Nagawa ko lang yun dahil na rin sayo, para sa kapakanan mo. It's not for you to know, but for me to forget. Maniwala ka, I've done it for you, but I guess hindi effective. Hindi kita matiis, hindi ko kaya. That's why I've changed plans, pero wag ka ng mag-alala, it's over... and if you'll give me another chance... can we start again? Can we be friends, real and closer this time? P-please?" yumuko siya pagkatapos sabihin ang lahat ng yun.

Tatay Bespren, ito na ba? Ito na ba yung sagot sa gabi-gabi ko pong panalangin sa Inyo? Na ngayon, babalik kami sa dating pagkakaibigan. Waaahhhhh, ang bait bait Mo po talaga! Salamat po, isa na lang ang panalangin ko... ang hinding-hindi na matibag ang pagkakaibigan namin.

"Ayiiieeeee. Franzes patawarin mo na si Kyle! Sige ka mambabae yan!"

"Franz, sige naaaaa! Sagot na!"

"Baks, lahat ng sinabi ni Kyle, totoo yun baks! Kaya ano pang tinatanga mo jan? Jombag you want?" - Len

"Franzes dear, go na! Dali! Nangangalay na kami dito oh!" - Codyne

"Kyle, awat na. Ang drama mo ah. Yak! Ikaw ba yan? Yung alaskador kong bestfriend #3 ha?" sabi kong masigla sa kanya kaya nabigla naman siyang tumingin saken.

"Oh? Titingin ka na lang saken? Kahit di ka naman humingi, napatawad na kita eh? Ano? Ayaw mo ata----"

Niyakap niya ako. Shet. Ang yakap na 'to. Kay tagal kong namiss. "Hinde! Hinde! Gusto ko syempre, gustong gusto. Promise Zes, I won't leave you from now on. Hindi na yan mapapako. Arayy----" napasigaw naman siya nang... binato siya ng sapatos nina Len. Hahaha! "Ang emotero mo papz Kyle! Ano? Ayos na? Pwede naman na siguro kami kumaen no?"

"Teka! Di pa pwede! May sasabihin pa ako sa inyo!" Tumayo siya sa isang table dito, at isinama pa ako. "Kita niyo 'tong babaeng 'to?" Inakbayan niya pa ako. "Kung sino mang sumubok mang-away dito, ako ang makakatapat niyo. Naiintindihan niyo ba yun? Ha? ANO SAGOT!"

"Opooo bossing!"

"At eto pa, kung sinong manakit dito ipaalam niyo agad sakin ah? ANO SAGOT!"

"Opooo bossing!"

"Yan! Mabuti na ang nagkakaintindihan." Sabay kindat sa akin. Psh. Pa-cute talaga. Pero totoo naman.

"Teka nga, ano mo ba si Zes? Boyfriend ka ba niya? Makaasta lang?"

"Aba't sasagot ka pa!" binato ni Kyle si Matt nung malaking card na hawak niya. XD Pero.. oo nga, bakit ganito makaasta 'to? Aisshh wag mag-isip ng kung ano. WAG ASSUMING ZES! Ganyan lang siguro talaga siya magpahalaga sa kaibigan.

"Bakit? Masama? Maghanap ka na rin ng kaibigan! Lahat ng kaibigan ko po-protektahan ko. Lalo na 'tong babaeng 'to. Kaya subukan niyo lang... dalhin ko kayo sa impyerno."

"Okaay, tapos na po ang MMK Special ni Kyle. Pasensya na po sa lahat ng mga kumakaing naabala. Magkaibigan na po ulit sila, you may continue eating na. Thank you." Sabi ni Codyne na yumuyuko-yuko pa sa mga tao. Hahaha! Nakakahiya pala 'tong eksenang 'to. Ngayon lang nag-sink in saken. Err! Pag eke kinilig dite. Emegeerd nyahahaha! Kyle is back! We're back!

"Zes salamat." Tumingala ako kay Kyle at ngumiti.

"I miss you." Sabi pa niyang pabulong sa akin.

Tenteneeeen! Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Pwede bang mag-warning muna bago kiligin?

Tinakip ko lang yung kamay ko sa muka niya. "Korny mo! Pero, salamat din sa effo---"

"Shhh, don't thank me. Kulang pa nga yan eh. Pero.. ako nagsulat lahat ng yan! Reward ko?"

"Aww. Sipag mo ah. Para namang utang na loob ko pa yan sayo! Aish. Anong reward nanaman?"

"Kiss ko?"

"Siraulo! Manyak alert ka nanaman ngayon! Jan ka na nga!" binatukan ko at naglakad na papunta sa table nila Codyne at Len.

"Ouch naman. Teka waaaaaait!"

"Naks, reunion oh! Ahem, nilalanggam kayo kanina. Ang sweet niyong dalawa. Eh kung syutain niyo na kaya ang isa't isa? Papz, Baks dali na!"

"Oo nga, I think gusto niyo naman ang isa't isa eh. Patagal pa kayo. Oh ano? Aangal pa eh halata na nga kayo? Huling huli na ohh, yan oh, namumula mga muka niyo. Psh."

Ano? Napahawak kaming dalawa ni Kyle sa mga muka namin. Hala. Nakakahiya naman.

"Ayaw pa kasi ako ligawan ni Zes eh."

Binatukan siya nung dalawa. "Tanga! Siya pa paliligawin mo! Torpe!"

"Oyy hindi ah! Ano ba kayo, kaka-reunite lang namin aawayin niyo agad kami? Tara Zes, kain na nga tayo." Iniupo naman ako ni Kyle sa tabi ni Codyne at naupo na rin siya.

"Oo nga. Saka, ano ba kayo wag niyong bigyan ng mas malalim pang kahulugan yun. Kasi imposible. Hinding hindi naman ako magugustuhan ni Kyl---" Nasamid si Kyle at napabuga ng tubig sa... harap ni Len. Muntikan na sa muka!

"Huuy okay ka lang?"

"Yan, pati yung tubig niyang iniinom disagree. Franzes, I'm telling you... friendship is the best foundation. *pailing-iling*" - Codyne

Pintik ni Kyle sa tenga si Codyne. " Huy! Wag mong ngang ginugulo isip ni Zes. Zes wala lang yun, okay lang ako, yung tubig kasi eh ampakla ng lasa. Pero oo tama tama. Ge kain na tayo. Wag na kayong magsalita pa! Tss."

"Defensive." - Codyne

Ako na. Ako na ang OP sa kanila. Pinagsasabi ba nila?

Oo natutuwa ako na ipinapartner nila ako kay Kyle, pero mas masaya na akong malamang bati na kami at magkaibigan na ulit. Kung hindi nga man imposibleng magkagusto rin siya saken, edi ayos! Grab lang ng grab.

Kaen kaen, daldal daldal, tawa tawa, asar asar. Hay, sarap ng feeling.

"Hi. Pwede maki-join?" - Kierre.

Take It or Leave ItWhere stories live. Discover now