Naramdaman kong biglang lumuwag ang yakap niya. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pagkakayakap saakin at humarap sa kanya.

“Oh ayan, nasabi ko na. Layuan mo na ako ha?” Sabi ko habang nakatingin sa mata niya. Tulo pa rin ng tulo mga luha ko. Di na ako nagabalang punasan yun kasi alam kong marami pang lalabas.

“Mi-mia, ma-masakit? A-ang alin?” Nagugulohang tanong niya. Pupunasan niya sana luha ko pero pinigilan ko siya.

“Wag. Wag mong punasan ang mga luha ko. Nakakatawa kasi pakinggan eh, ikaw yung may dahilan kung bakit sila lumalabas ngayon tapos ikaw rin magpupunas. Nakakatawa di ba?” Sarkastiko akong tumawa habang nakatingin pa rin sa kanya.

“A-ako?” Tinuro niya sarili niya. “Ako ang dahilan?”

“Yun yung sinabi ko di ba?”

 

“Mia.. bakit? Nagugulohan ako..”

 

“TRAVIS! Ganyan ka ba katanga?! Ganyan ka ba kamanhid?! Di mo pa rin ba nararamdaman?! Travis, sobrang sakit na.. Kaya tama na… Please.” Sobrang sakit na.

“Mia.. Hindi.. Di ko talaga maintindihan.”

 

Humikbi ako. “Ang sakit kasi Treb eh. Sobra. Di pa nga ako nahuhulog ng tuluyan, masakit na. Pano na lang kaya pag nahulog na talaga ako? Syempre, mas masakit yun kasi alam kong walang sasalo sa akin. Alam mo kung  bakit? Kasi di naman ako yung hinihintay mong mahulog eh… Yung kambal ko. Yun yung pinakamasakit dun.” Dire-diretso kong sabi sa kanya. Halatang nagugulohan pa rin siya kaya nagsalita ako ulit.

“Kung nagugulohan ka pa rin, sige, lilinawin ko. Gusto na kita Travis  ̶  Ay hindi pala. Mahal na pala kita. Ilang beses ko sinabihan ang sarili ko na hindi pwede kasi sa simula pa lang si Lia na talaga ang gusto mo. Pero ano bang magagawa ko? Yun yung sinasabi ng puso ko eh. Corny na kung corny pero yun yung totoo.” Tulo pa rin ng tulo mga luha ko. Kelan ba kayo titigil?

“Mia… Di ko alam ang sasabihin ko..”

 “Wala kang kelangan sabihin. Gusto mo malaman yung rason di ba? Oh ayan, nasabi ko na. Layuan mo na ako ha? Tutal, best friend mo naman ako di ba? Ayaw mo naman sigurong nasasaktan ang best friend mo kaya please… Layuan mo na ako kasi baka pag di ka pa lumayo, mahulog na ako ng tuluyan at ayaw kong mangyare yun. Kaya please Travis… Please.” Pagmamakaawa ko.

“Mia, hindi ko kaya. Mahalaga ka sa akin.” Sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

“Sige, kung ayaw mo, ako na lang ang lalayo. Kahit masakit, kakayanin ko. Mas masakit kasi yung palagi tayong magkasama pero di naman ako ang nasa isip mo. Saklap di ba?” Sinubukan kong tumawa kasi nakikita ko yung sarili ko sa mga madramang teleserye na tinatawanan ko lang dati. Mukha nga akong tanga eh. Tumatawa habang umiiyak.

Yayakapin sana ako ni Travis pero lumayo ako. “Di ka pa ba nakukunteto Travis? Dadagdagan mo pa ba yung nararamdaman ko sayo? Tama na. Please lang.”

Yumuko siya. “Sorry..” Halos pabulong na sabi niya. May nakita akong pumatak na luha. Pumatak na luha? Inangat ni Travis yung mukha niya at nakita ko na may kumawalang luha sa kaliwang mata niya. Sabi nila pag galing daw sa kaliwang mata yung luha, it symbolizes pain. Nasasaktan siya?

“U-umiiyak ka?”

Pinunasan niya luha niya at mapaklang ngumiti. “Ang tanga ko kasi eh. Ang tanga tanga ko! Di ko namalayang nasasaktan na pala kita. Naiinis ako sa sarili ko! Nasaktan kita. Ang tanga tanga ko! Di lang tanga, manhid pa.” Naiinis na sabi niya.

“Wala ka namang kasalanan Travis eh. Alam ko naman kasing walang patutungohan ‘tong nararamdaman ko para sayo pero wala eh, mahal na kita eh. Kaya Travis, kung talagang mahalaga ako sayo, layuan mo na ako.” Pinunasan ko ng mga luha ko at sinubakan ngumiti ky Travis.

 

“Bye Tang tanga! Good luck kay Lia. Kaya mo yan. Pag nagsimula na akong maglakad, wag mo akong pigilan ha? Ako na nga yung gumawa nung gusto kong gawin mo eh. Chix ka kasi.” Tumawa ako kahit alam kong peke.

Sasagot pa sana siya pero tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.

Alam niyo kung anong nararamdaman ko ngayon? Ang sakit. Sobra.

 -------------------------------------------------------------------------------------

Di ko kineri ang drama. Jusme. Naiinis ako kay Travis dito. Muntanga nga eh. XD May mga galit pa rin kay Lia, di niyo pa rin gets 'nooo? Ayos lang yan! Magegets niyo rin sa susunod na chapters. ;) Thank you pala kay Lyka Bianca Gallar kasi tinulungan niya ako sa chapter na 'to. :)

Yung lang. Bye! Labsyou. ♥ x

Ako si Mia.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang