Tinignan ko lang siya. Naiinis ako sa sarili ko. Para kasi akong nasa teleserye dahil sa kadramahan ko. Yung teleseryeng pinagtatawanan ko lang dati. Di ko naman alam na mangyayare pala yun sa akin.

 

“Ganun mo ba siya kagusto Treb? Na okay lang sayo magkasakit basta masaya lang siya. Nakakaselos Treb. Sobra.” Oo, inaamin ko, nagseselos ako.

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pintuan at pumasok si ate Yars na may may dalang tray.

“Oh, gulat na gulat ka?” Natatawang tanong ni ate sa akin.

“A-ah. Hehe. Ang t-tahimik kasi eh, tapos bigla ka lang pumasok.” Nauutal na sagot ko. Hoo. Mukha namang walang narinig si ate Yars kaya ayos lang

Ngumiti lang si ate at nilagay yung tray sa bedside table ni Treb. “Okay lang ba sayo na ikaw muna magpakain kay Treb? Kelangan ko pang magluto para dun sa apat na itlog na nasa baba. Di pa kumakain ng lunch yung mga yun eh.”

 

Natawa ako dun sa sinabi ni ate Yars. Apat na itlog? Hahaha! “Oo, ayos lang.”

Ngumiti lang si ate at naglakad na palabas ng kwarto pero bago siya makalabas, tinignan niya muna ako. “Pwede mo nang i-tuloy yang pagkausap mo kay Treb. Alam mo na pag kinakausap mo yung tulog, pwede nila yun mapaginipan? Kaya sige lang, ituloy mo lang.” Sabi niya sa akin at umalis na ng kwarto.

Bigla akong namula sa sinabi ni ate Yars. Narinig niya lahat ng sinabi ko? Nakakahiya! Bwiset. Bwiset. Bwiset. Napabuntong-hininga na lang ako at tinignan si Travis. Ah! Papakainin ko pa pala ‘tong gagong ‘to.

“Treb. Gising. Wui.” Tinapik-tapik ko yung pisnge niya para magising siya.

“Psst. Huy. Gising.” Pinoke-poke ko yung braso niya, ayaw pa magising eh.

Maya-maya din nagising na siya at nung nakita niya ako biglang nanlaki yung mga mata niya.

“A-anong gi-ginagawa mo d-dito?” Pautal-utal na tanong niya. Malamang, mahina pa siya eh. May sakit nga di ba?

“Duh. Malamang, para alagaan ka. Umupo ka ng maayos, kumain ka muna.” Sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung bowl ng sabaw sa tray at hinipan ito.

“Kaya mo bang kumain?” Tanong ko.

“Malamang hindi. Kita mong may sakit ako tapos tatanungin mo ako nyan.” Sarkastikong sagot niya.

“Ay wow ha? May sakit ka na nga tapos namimilosopo ka pa. Di kita alagaan dyan eh.”

 

“Joke lang. Ang seryoso mo talaga. Sige na, pakainin mo na ako Mi.” Nakangiting utos niya. Tamo ‘to, kung makangiti parang walang sakit.

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon