Strangest Thing

5.4K 224 25
                                    


"So kayo na?"

tanong ni Batchi habang pinagmamasdan namin si Miggy na pinaglalaruan ang toy sa kanyang happy meal.

"Hinatid ko lang sila sa bahay"

"And you didn't make the first move? Tsong, bumabagal kana naman ata a"

"Batch, I don't wanna make things complicated"

"Anong complicated dun? The last time I checked, single ka, single sya. May anak ka, kung mahal ka nya, matatanggap nya yun"

Pumasok si Jade sa opisina ko

"O, eto na pala yung ina ng anak mo"

"Batchi!"

sabay siko ko kay Batchi.

"I just dropped by to bring this"

nagdala ng iced coffee si Jade. Yung last time na natapunan sya ni Miggy, naalala nya yun.

"Wow cuz, ngayon coffee, what's next?"

kantyaw ni Batchi. Tinignan ko sya ng masama.

"Nag abala kapa"

"I know you need a dose of caffeine everyday. Since hot chocolate ang ininom natin kanina, I believe di kapa nag coffee"

"So, it's that a code for something?"

malisyosong tanong ni Batchi.

"Ang maniac mo talaga Batchi!"

sabay kuha ng coffee kay Jade.

"Thank you sa coffee"

"Hello po Tita Jade!"

nagliwanag agad ang mukha ni Miggy ng makita nya si Jade.

"Hi baby! Ang cute naman ng toy mo"

"Opo, kinocollect ko po ito"

"Patingin nga, wow!"

at naglaro sila ni Miggy. Nakakatuwa silang panoorin, ang dalawang taong malapit sa puso ko.

"Tita Jade, can you read me a story?"

"Of course baby,where's your story book?"

"At home. Mommy always read me a story before I go to sleep"

"Anak, busy si Tita Jade mo"

pigil ko kay Miggy.

"It's okay Althea. Wala naman akong gagawin mamaya"

Di ko namalayan na palipat lipat lang ng tingin si Batchi at saka napangisi.

xxx

"And they lived happily ever after"

at nakatulog na si Miggy after basahan ni Jade ng story. I was fascinated kay Jade kasi magiliw sya sa bata. I come to think of it na Psychology nga pala ang kinuha nyang course nung college.

"Pasensya kana, kinulit kapa ni Miggy para magbasa ng story"

"It's my pleasure. Saka mabait na bata si Miggy, I like him"

"E yung nanay, like mo?"

tanong ko kay Jade.

"Ano?"

natawa sya sa akin.

Almost everyday na si Jade sa bahay. Siya na halos nagpapatulog kay Miggy na I find it lovely. I wished na she would stay with us ni Miggy. Pero alam kong may limitation ang time na ginugugol nya sa amin. Every friday, walang mapagsidlan ang saya ko dahil after namin patulugin si Miggy, sinasamahan nya ako hanggang closing sa bar. We hang out, we talk and we laugh. Happy na ako sa set up naming ganito.

JADE'S POV

Being the youngest made me realize na sana I have a younger sibling pa. Kasi all of the attention nasa akin na. I love kids and the first time I saw Miggy, I fell in love with him. He's so adorable. Kahit di maganda ang first meeting namin. Usually, I get a little bitchy sa ganung situation, but since poging bata at sincere si Miggy, lumambot ang puso ko sa kanya. Nakita ko si Althea kay Miggy kaya madaling napalapit ang puso ko sa kanya. Sometimes I use Miggy na to spend some time with Althea. Si Ahya kasi, alam kong nagdududa na everytime magkasama kami. Mas strikto pa sya kay Dada. Minsan gusto ko ng totohanin na merong something samin sa sobrang protective ni Ahya. Kaso wala e, di naman gumagawa ng move si Althea. Siguro naka move on na sya, di magandang lagyan ko ng kulay ang closeness namin.

==========

This goes to you people who believed in love. Thank you for the support. Every chapter updates, kinakabahan ako dahil alam kong umaasa kayo na walang kakain ng hopia. I hope everybody will hold on kahit nakakainip ang updates ko. Just think that I'm doing my best to make it good ;)

Who do you Love (A Rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon