Wishful Thinking

4.8K 169 0
                                    


JADE'S POV

"Sorry naman, ang dami kasi naming napag meetingan sa club. Alam nyo ba, ang babait ng groupmates nya, feeling ko matagal na akong part ng group nila"

Sobrang daldal ni Althea ng gabing yon. Actually, di na ako nakikinig sa kwento nya, ewan ko ba. Siguro kasi first time akong pinaghintay ni Althea ng 2 hours para lang ikwento ang super girl crush nya.

"So niligawan mo na?"

tanong ni Batchi.

"Hay Batch, kung pwede lang. Kaso kasing straight pa ng buhok nitong si Jade si Kathleen"

"Kala ko ishi ship ko na kayong dalawa... Kathlea-- Kathleen and Althea, haha! Bagay"

binato ng unan ni Althea si Batchi

"Baliw! Alam mo, masaya na akong ganito kami"

Natigilan si Althea at Batchi, pinagmasdan ko sila

"Naku Jade, pag naging sila ni Kathleen, echepwera ka na!"

tatawa tawang kantyaw ni Batchi.

"Malabo atang mangyari yan dude, si Jade kaya ang first love ko"

sabay bear hug ni Althea sa akin, giving me a loud kiss on the cheeks. Para ba akong nakikipag selfie sa crush ko everytime ganyan kasweet si Althea sakin. Di pa ako nagkakaboyfriend, ayoko kasing may kaagaw si Althea sa akin. Tanggap ko ang preference nila ni Batchi. How I wish sana ako nalang si Kathleen. As days goes by, ganito kami lagi ni Batchi, hinihintay si Althea after ng activities nya sa club. I keep myself preoccupied para di ko sya naiisip.
Nasa kwarto ko kami ngayon at busy yung dalawa sa paggawa ng project nila. I can't help but stare at Althea.

"Wait, kunin ko lang yung ice cream sa baba"

sabay tayo ni Althea, combing her shoulder length hair. Sinundan ko sya ng tingin hanggang makalabas ng kwarto.

Who do you Love (A Rastro fanfic)Where stories live. Discover now