6

10 0 0
                                    

"Saaaaabbbb!"

"Annnnnooo?!" Syempre sinabayan ko siya sa pagsigaw. Papatalo ba ako? hehe.

"Keep Quiet!" sabi ng librarian sa amin. At talagang nagsisigawan kami dito sa library. Bakit ba?

"Psh."

"Ui Sab ah, pareho na kayo ni Roi! Yieee true love na ituu" Sinabunutan ko nga ng maalibadbaran sa mga pinagsasabi niyang kababalaghan.

"Hoy babae ka pwede ba tigil tigilan mo na ako sa Roi na yan. Di ko siya type no." Well type ko pala. Pero kasi yung ugali man! Dun tayo nagkakaproblema e.

"Eh sino nanaman ang gusto mo? Si Luke?" Teka bakit ba nadivert sa akin ang usapan? Diba may sasabihin siya? Psh. Kung makasigaw kanina.

"Luka. Kaibigan ko nga lang yun. Tas si Roi frenemy ko. Gets na?"

"Okay. The more you hate the more you love naman daw e. Hahaha"

"No Les. The more I hate him, the more that I wanna kill him"

"Ewan ko sayo Sabrina. Napapalibutan ka na nga ng naggwagwapuhang lalaki jusko! Jackpot ka kahit sino sa kanila! Putang ina kung ako ang binigyan ng sitwasyon na ganyan mahihirapan din ako kaya naiintindihan kita. Pero yung ang tanga tanga mo para sabihing wala kang gusto sa kanila pareho? Sarap mong ipadukot sa mga killers saka ipatapon sa Nile river eh!"

"Wow ha! Grabe makareact Lesly? May hinanakit ?" Natatawa kong sabi.

Tumingin siya sa akin ng seryoso. Mata sa mata. Waaaw intense kami ngayon ah! Hahaha. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko na nakapatong sa mesa. Huminga ng soooobbbrraaaang lalim at nagsalita. " BOBA KA"

"Gaga!" Saka ko siya sinampal. Syempre dahil sanay na siya nakarecover naman siya agad. "Akala ko naman kung anong matino ang sasabihin mo! Kinabahan pa ako."

"Eh Sabrina I just want you to realize and understand what I'm saying here!"Oy umeenglish seryoso na si bes haha. Okay shut up na si Sab.

"Sabrina Lee. Inihainan ka na ng dalawang ideal man sa harap mo. Ang gagawin mo nalang ay pumili. Hindi mo ba yun maintindihan?" Umiling ako.

"Haaay!!"

"Two of you! OUT"

"O edi out! Sigaw sigaw ka pa diyan!" Ang sungit ni Lesly ngayon ah. Ganyan siya pag nagalit o di kaya naman ay nabubwisit. Nakakatakot kaya buti nalang minsan lang siya topakin.

Kinaladkad ako ni Lesly sa Canteen. Bumili ng ewan kung ano kasi pinaiwan niya lang ako na magbantay ng mesa namin.

Nung bumalik siya nilatag niya yung dalawang candy sa harap ko or sa lamesa saka siya umupo. Kukuha na sana ako ng bigala niyang tinapik ang kamay ko.

"Aray! Problema?" Mataray kong tanong.

"Sabrina. May dalawang candy sa harap mo."

"Alam ko. Kitang kita e. Dalawa lang? Naghihirap ka na ba Les? Oh my gosh. Bt di mo sinabi? Wag kang mag-alala sabihin ko kina Mommy yan. " saka ko siya pinat sa ulo. Tinapik naman niya agad.

"Siraulo ka! Hindi ako naghihirap. Gusto mo ihampas ko pa sayo yung bago kong Chanel bag e." Yabang haha. " isa pa kung naghihirap ako anong magagawa nina tita? e partners kaya sila. Kaya kung naghihirap ako that means pati ikaw din. Capital DUH"

"Oo nga no. Hehe. Henyo ka Les."

"Anyways bumalik tayo sa dalawang candy" tinuro niya yung mga candy s aharap ko. "Isang Potchi at isang Mentos"

"Ows? Di ko alam ha." Sarcastic kong sagot sa kanya.

"Umayos ka uupakan kita"

"Eto naman I'm just trying to lighten up the mood. Masyado ka kasing seryoso e."

My Not So Complicated LoveWhere stories live. Discover now