Entry 006 - 12/06/15
BITUIN
Maririkit na mga bituin
Sa langit sila ay nakabitin.
Malapit lang sa ating paningin
Ngunit kay hirap namang abutin.
Sa gabi lang natin makikita
Ang liwanag nilang kakaiba
Na tila ba nakakahalina
Hatid sa puso natin ay ligaya.
Sila'y tila mga alitaptap,
Sa itaas ay kumukurap-kurap.
Unti-unti silang sumusulyap
Mula sa madilim na alapaap.
Sa atin sila ay dumadalaw
Mula gabi hanggang madaling araw.
Tahimik lamang na nakatanaw
Hanggang sumikat ang Haring Araw.
Nagsisilbi silang mga bantay
Sa magdamag nating paghimlay.
Tila sila'y ating mga gabay
Habang tayo'y nagninilay-nilay.
Kay saya nga namang pagmasdan
Ng mga tala sa kalangitan
Kahit minsa'y di man masilayan,
Tandaan mo, palagi lang silang nandiyan.
YOU ARE READING
A Loner's Random Thoughts
PoetryMga sari-saring tula mula sa malikot na isip ng isang madramang kuneho. Disclaimer: Karamihan sa mga larawan o video sa media section ay hindi sa akin. Credits to their respective owners.
