"tungkol daw saan?"

"hindi niya sinabi e" bumuntong hininga ang binata

napakagat labi siya. mukhang alam na niyang hindi matutuloy ang sanang plano nila para sa araw na ito "gusto mo bang hintayin kita?"

"hindi na Bie. A....iha---ihahatid muna kita sa inyo tapos saka ko pupunta sa meeting"

"hindi na Bie. magpapahatid na lang ako kay Kuya Biboy, andyan pa naman siya e. hindi ko pa naman siya pinapauwi. after natin dito, dumeretcho ka na sa meeting niyo. mamaya niyan malate ka pa, sermunan nanaman aabutin mo niyan kay Ate Nhila"

natawa naman ang binata sa kanyang hirit "sigurado ka Bie?"

tumango naman siya "oo. don't worry about me. i'll be fine"

"i'm sorry Bie. dapat magbobonding tayong dalawa after dito tapos--"

"--anu ka ba? okay lang  yun. may next time pa naman e. i understand"

"after meeting, pupunta na lang ako sa inyo. dun na lang tayo sa bahay niyo, manuod na lang tayo ng dvd's. okay ba yun?"

napangiti naman siya "very okay"

~~o~~o~~

"tungkol saan ba tong meeting na to?" tanong niya kay Ana

"ewan ko nga e, basta nakatanggap na lang ako ng memo, meeting daw by 11" 

"si Sars?" 

"on the way na. alaga mo?"

"kumain sandali"

"napanood ko yung Kristv niya kanina a. infainess, consistent sa pagiging late yang alaga mo" natatawang sabi ni Ana sa kanya

"hindi na nga nagbago ang gago. alam mo bang kanina pagpunta ko sa kanila, aba nadatnang kong nakahilata pa at tulog na tulog, e anung oras na. sa inis ko, binuhusan ko nga ng tubig. ang hirap gisingin e"

natawa naman si Ana sa kanyang kwento "tapos ang bagal bagal pa kumilos. kala mo babae" nakakunot noong dagdag pa niya

"o speaking of the devil, ayan na yung alaga mo" sabi ni Ana. siya naman ay napalingon sa likod. nakita niya ngang papalapit na sa kanila ang alaga. nakapasok pa ang mga kamay nito sa bulsa ng pants na suot suot nito 

"aba!! ang aga mo. ineexpect ko late ka e" hirit niya. napangisi naman si Gerald "galit ka pa rin sakin, Ate?"

nag-make face na lang siya sa alaga. si Gerald naman ay natawa sa kanyang inasta "tungkol saan ba tong meeting na to? bakit parang biglaan?"

"anung parang? biglaan talaga no" hirit ni Ana

"Ge?" tawag ni Direk Cathy sa kanila na kakalapit lang sa kanilang tatlo "Direk?" balik bati naman ng binata 

"andyan na sila?" tanong ni Direk Cathy

"wala pa po Direk. kami pa lang po yung nandito" sagot ni Ana

"A!! o hindi ba kayo papasok sa loob?" 

"papasok na rin naman po. kaya lang hinihintay ko pa po si Sarah e. mauna na po kayo sa loob. Nhils?"

"bat di mo pa hintayin sa loob si Sarah" tanong niya kay Ana

"oo nga Ana. sa loob mo na hintayin si Sarah" sabi din ni Direk Cathy kay Ana. wala naman ng nagawa si Ana kung hindi ay sumunod na rin sa kanila. sa loob na nga nito hinintay ang alaga. habang wala pa ang ibang kasama ay inaliw muna nila ang kanilang mga sarili sa pakikipagkwentuhan sa isa't isa

maya maya pa ay nadagdagan na rin silang apat. dumating na rin si Ms.Bamby, ang isa sa mga head ng Star Cinema, si Sir Raymund ang kanilang research head, si Ms.Beng ang kanilang creative coordinator at si Sr.Hans na pwede rin namang Ms.Hans, ito ang kanilang booking manager

JUST ONCEWhere stories live. Discover now