"Bie, okay ka lang ba?" tanong ni Gerald sa kanya ng mapansin nito na parang kanina pa siya natutulala "may sakit ka ba?" sabay hapo nito sa kanyang noo at leeg

"ha? wala. anu ka ba?!" nakangiti niyang tugon

"para ka kasing may sakit. kanina ka pa natutulala diyan"

"a---kasi anu---iniisip ko yung sasabihin ko sayo pero hindi ko maalala"

"na ano? na gwapo ako?" nakangiting sabi ng binata sa kanya. siya rin, ay napangiti sa naging banat nito sa kanya

"hindi!!! anu ba yun?"

"yun!! may tour pala yung cast ng Ina,Kapatid,Anak. may mga shows kami out of the country" dagdag niya

"gano katagal?"

"two months"

"two months? bat ang tagal naman yata masyado"

"e kasi pati yung mga tfc subscriber sa middle east saka sa europe, pupuntahan namin"

"kailan alis mo?"

"next week"

napakunot noo naman si Gerald dahil sa kanyang sinabi "hmmm!! mamimiss mo ko no?"

"magdedeny pa yan" hirit pa niya 

ngumiti naman ang binata "kahit naman magreklamo ako, wala naman akong magagawa. trabaho yan. pero dapat paguwi mo---" nakangiti nitong sabi sa kanya "---------dapat bumawi ka sakin"

"aba!!! aba!!!"

"o bakit? dapat bumawi ka"

"hindi pa ako umaalis, gusto mo na agad magpalambing?"

hihirit sana ang binata ng tumunog ang cellphone nito. hinugot naman ni Gerald ang cellphone mula sa bulsa at sinagot ang tawag

"hello?"

.

.

"Ate? o bakit?"

.

.

"ako? hindi naman. nasa area lang ako, kasama ko si Maj. bakit?"

.

.

.

"meeting?"

.

.

.

.

"tungkol saan?"

.

.

.

"ngayon na?"

.

.

"as in ngayon talaga?"

.

.

.

"o sige"

.

.

"bye"

nakakunot noong ibinaba ng binata ang cellphone niya "bakit?" tanong niya sa kasintahan

"si Ate tumawag. may meeting daw?"

napakunot noo naman siya "meeting?"

"oo. nagbigay pa nga ng oras e, 11 daw"

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon